Chapter 17: Picture Together

26 1 0
                                    

The Princess Secret Love 17



***

Savanna’s POV




“Vanna, okay ka lang?” Hindi ko alam na nasundan na pala ni tres ang tingin ko sa gawing kanan.



Tumingin ako kay tres at tumango, “Yes, Im okay. Kain na tayo ulit.” Sabi ko.



Nagdalawang isip pa syang tumango, “Alright.” Ngumiti lang ako at nagsimulang kumain ulit.



Hindi mawala sa isip ko ang istura ni stan kanina, madilim ang mga tingin nya, baka galit sya sakin. Tapos bigla syang nag walk out may parte sa puso ko na gusto ko syang sundan pero may parte din sa isip ko na kasama ko ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Ang puso na nagsasabing sundan ko sya o ang isip ko na nagsasabing mag stay lang ako dito.



“Okay ka lang ba talaga, vanna? Anong nangyayari sayo? Kanina kapa tulala.” Napatingin ako kay tres.



Kung sasabihin ko 'to baka si tres naman ang magalit sakin, diko kayang nagagalit ang bestfriend ko sakin pero ayaw na ayaw pa naman namin ang nagsisikreto sa isa't isa. Sasabihin ko ba?



Binitiwan ko ang kutsara at tinidor, “Kasi sabi ni stan, practice daw kami pero ang sabu ko kasama kita kaya bukas na lang siguro kami magpra-practice ayoko naman iwan ka dito.”



Hindi sya nagsalita tumingin lang sya sakin, “Ikaw gusto mo ba?”



“Ang ano?” Tanong ko sakanya. Kinuha nya ang table napkin at pinunas ito sa bibig nya.



“Magpractice kayo. Sakin okay lang kailangan nyo yun eh pero diba may next class ka?” Napatango ako, “Pumasok ka muna bago kayo mag practice. Ge, una na ako aria. Kailangan ko ng pumasok. Mag iingat ka okay?”



Napanguso ako at tumango, umalis na sya sa harapan ko. Napaisip ako kung papasok muna ako magpra-practice na pero kailangan ko ng umattend ng class. Kinuha ko ang phone ko.



To: Stan
Stan, later na tayo magpractice aattend muna ako ng class. Okay? Kung gusto mo ikaw din umattend ka.



Binasa ko muna ulit ang tinype ko, sesend ko ba? Nagdadalawang isip pa ako pero wala akong magagawa kaya sinend ko 'to. Lumipas ang limang minuto pero wala pa rin syang reply kaya tinago ko na ang cellphone ko sa bag at tumayo na.
 


Habang naglalakad ako sa campus napatingin ako sa garden. Ang ganda ng garden dito nakaayos, magkakatabi ang mga bulaklak kitang kita ang lawak sa loob at ang mga punong tumatakip sa araw. Inalis ko na ang tingin ko doon at dumiretso sa paglalakad. Nasan kaya si stan? Nasa likod kaya ng school?



Nagkibit balikat ako at umakyat na sa second floor para umattend muna ng class. Mamaya ko na lang siguro hahanapin si stan kapag nakapasok na ako ng class. Naiinis ako kay stan dahil hindi siya umaattend pero sino ba naman ako sa buhay nya?



Kapasok ko ng classroom dire-diretso lang ako sa upuan ko. Dahil nasa may hulian ako dinikit ko ang ulo ko sa pader at pinikit ko ang mga mata ko.



“Girl, patay na yata.” May narinig akong bulungan.



“May pambili ka ba ng kabaong dyan beh?”



“Ah oo, kaya lang di ko alam ang size nya.”



“Ako ng bahala sa coffee and biscuits.”



The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon