The Princess Secret Love 40
***
Savanna's POV (Last chapter)
Nasa kwarto ako ngayon ang sabi kasi sakin nila mommy na magboboat-riding daw kami. Mukhang masaya kaya naman pumayag ako, nagpapalit ako ngayon ng damit. Pangalawang araw palang namin dito pero parang ayoko nang umuwi pero iniisip ko rin si Stan, namimiss ko na sya. Isang araw din syang di nagparamdam.
Sinuot ko ang swim suit ko na may sagabal sa katawan ko para if ever na maisipan namin mag swimming, ready ako. Lumakad ako papunta sa side table ng kama at in-on ko ang phone pero wala pa rin syang text. Hays, 9am na! Sigurado akong nasa school na yon! Di man lang nag text? or call? I'm worried.
Pinindot ko ang dialer at tinawagan sya pero di nya sinasagot kaya naman tinawagan ko nalang si Aya. Siya lang kasi yung madalas sumagot ng tawag at hindi masyadong busy. Agad nya naman sinagot yung tawag ko.
"Aya!" Sigaw ko. Miss ko na rin ang mga friends ko.
[Vanna! OMG! We missed you na talaga! Kamusta kana dyan? Napatawag ka? Miss mo na kami 'no?]
Nanliit ang mata ko at diko maiwasan mapatawa sakanya, "Seriously? Of course miss ko na kayo! And Okay lang ako, kayo dyan?"
Napahagikgik naman si Aya, [You know what? Kami ba talaga kinukumusta mo o si Nyl?]
"What? Aya naman! Sempre kayo... pero kamusta na rin sya? Pumapasok ba syang school? Hmm.. Anong ginagawa? May babae ba sya? Ano aya!"
This time tumawa na talaga sya ng malakas, [Sabi na e. Si Nyl lang talaga ang tinawag mo hindi kami.]
Napasimangot ako sa sinabi nya, halata bang sya lang talaga ang tinawag ko? Di naman sa ganun. [Okay lang sya! Oo pumasok syang school ano ba Vanna one day pa lang nakakalipas! Haha. Anong ginagawa nya? As usual. Alam mo naman ang boyfriend mo...]
"Di ko pa sya boyfriend.. Di pa nga ako nililigawan eh." Malumay kong sambit.
[Malay mo... Natotorpe lang sya, diba? And malay mo pa, di ka naman talaga nya mahal! HAHA. Charing! Oo may babae sya, Vanna!]
Nanlaki ang mga mata ko, "WHAT DID YOU JUST SAY, ALYANA KAITY MERCENDEZ!?"
[Aray naman girl ang sakit sa tenga. Sempre joke lang yun alam mo naman na ikaw lang yun love nun!]
Feeling ko nakahinga ako ng maluwag, Ako ko may nanunulot na sa prince charming ko, magkakapatayan siguro kami!
"Sige na Aya! Bantayan nyo sya for me ah? Pag may babae sya alam nyo ma gagawin nyo. Bye mag bo'boat-riding kami. I miss you and I love you all."
Katapos nun ay binaba ko na ang tawag, ngumiti ako at lumabas na ng pintuan. Nakita ko pa si Kuya na nakasandal sa dingding habang yung isang kamay nakalagay sa bulsa yung isang paa ay parang nakadequatro, at may kausap sa phone. Si Ezra-- Ate Ezra na naman siguro.
Habang si Bunso naman ay kalalabas lang sa kwarto nila, magkasama sila sa isang kwarto ako lang ang nahiwalay sakanila sempre babae ako princesa nila ako kaya dapat hiwalay kami.
"Let's go na?" Tanong ko sakanila, Sinuot ko ang hat ko at shades, ngumiti pa ako sakanila.
"Di ka talaga excited ate." Sabi ni JD. Sinimangutan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]