The Princess Secret Love 35
***
Steven's POV
"Pare ayaw mo pa bang harapin si Vanna?" Tanong sakin ni Ethan habang nakatingin sakin.
Hindi ako sumagot atsaka lang huminga ng malalim, "You should talk to her. She's worried about you..." Ani Carson.
Parang piniga ang puso ko, hindi ko alam kung maiiyak ako, She's worried because I'm her bestfriend--A bestfriend with feelings.
"Not now.... I can't face her right now... I'm still hurt." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha."Alam namin pero di mo pa rin iniisip na may pakealam pa rin sayo si Vanna... Mahal ka nya..." Ani France.
"Bilang kaibigan right?" May sakit sa tono ng boses ko at mukhang natigilan sila.
"You need to talk to her. Kahit na hindi ikaw ang tinitibok ng puso nya. Nung nawala ka sya lahat ang gumawa ng paraan para mahanap ka but she failed and she feels useless." Ani Christian.
Useless? Never naging useless si Vanna, I love her so much. At medyo nahimasmasan ako sa sinabi ni Christian na sya lahat ang gumawa ng paraan para mahanap ako? May parte sa puso ko na masaya at meron ding hindi.
Tumayo ako sa kinatatayuan ko ngayon, "Saan ka pupunta pare?" Hindi ko sila pinakinggan at dumiretso ako sa paglalakad.
Nakita ko si Aya na umiiyak sa isang tabi, pupuntahan ko sana sya pero napatingin ako sa oras na nasa pulso ko malapit ng lumabas si Vanna. Mukhang nakita nya ako kaya napatayo sya at bigla akong nilapitan.
"Ghad.. Third ikaw ba yan?" Nanginginig na sabi nya sakin. Kita kong may sakit at galit ang mga mata nya.
"Ah... yeah, have you seen Vanna?" Tanong ko sakanya. Mukhang nawala ang ngiti nya.
"Na..nasa taas..." Aniya, tumango ako sakanya at tatalikod na sana pero hinila nya ako paharap sakanya kaya nagulat ako.
"Mahal mo talaga sya no?" Tanong nya at kita kong namumuong luha sa mga mata nya.
"You already know the answer to that question." Malamig kong sambit.
Umiyak na sya ng tuluyan sa harapan ko, "Th..third... Bakit si Vanna pa na kaibigan ko?"
Kumunot ang noo ko, "I can't understand you... What are you talking about?"
"Bakit parang ang lamig lamig mo? Bakit parang... parang di ka na katulad ng dati?" Humihikbi na sya.
"Ikaw ang pumalit sa kalagayan ko baka sakaling malaman mo yung sagot sa tanong mo..." I said coldly then turned around and walked away.
"Third. Mahal kita. Mahal na mahal kita." Napahinto ako sa sinigaw nya.
Huminga ako ng malalim atsaka umiling kasabay ng paglakad ko papuntang taas. Mahal nya ako? How does? Ni hindi nga kami close. Kung minsan nakakasama ko sya pero I didn't know this.
Umakyat akong taas. Time to face my love, nandito pa kaya si Vanna? Damn. I miss her so much, parang di kumpleto ang araw ko pag wala sya.
Tinignan ko sya sa room nila pero wala akong makitang anino nya kaya napagdesisyunan ko na lumakad pa at may nakita ako na nakakorner ang dalawang palad ni Nyl sa corner habang nakatingin ng diretso kay Vanna.
Nayukom ko ang kamao ko, tangina. Nagsisisi akong umakyat pa ako sa taas at hinanap sya. Ganito ang madadatnan ko? Putangina. Napatingin ulit ako sakanila at doon ako napapikit. They're kissing right? Parang pinipiga ang puso ko. Parang pinupunit at hinihiwa. Biglang humiwalay si Nyl kay Vanna at naglakad na iniwan nya doon si Vanna. Napahawak sya sa labi nya at kasabay ng pagtingin nya dito mukhang gulat na gulat pa sya. Bago pa sya makalapit ay humakbang nako patalikod at sinimulan ko ng tumakbo pababa.
Sa kabilang hagdan lumakad si Nyl ako naman sa may gawing kanan. Nakita kong kasabay ko lang syang bumababa hindi na ako nakatiis at hinila ko na sya kasabay ng pagsuntok ko sakanya.
"Tangina mo!" Sigaw ko sakanya. Wala akong pakealam kung may nakakakita samin ngayon basta ang alam ko lang nasasaktan ako sa nakita ko.
Alam kong wala akong karapatan gawin 'to pero masisisi nyo ba ako? Sinuntok ko ulit sya hanggang sa dumugo ang labi nya sinuntok nya din ako at ramdam ko ang likido na nalasahan ko at doon na nagsitakbuhan sila Carson papunta samin nakita ko na tumatakbo na rin si Vanna papalapit.
Hinawakan ako ni Carson at Ethan habang si Christian at France kay Nyl. "Anong problema mo?!"
"Tigilan mo si Vanna!!" Sigaw ko sakanya, hindi ko alam bat ko nasabi yun pero yun ang gustong sabihin ng puso ko.
"Bakit ano ka ba nya?! Kaibigan ka lang nya at wala kang karapatan sakanya! Ako ang mahal nya!" Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak nila sakin.
"Anong sinabi mo?! Ulitin mo!!" Sigaw ko. Marami ng nanunuod samin hanggang sa dumating na si Vanna.
Mukhang gulat na gulat pa sya, "Anong nangyayari?" Naguguluhan nyang sambit.
"Ulitin ko ba kamo? Ngayong nakaharap na si Aria." Maangas nyang sambit.
"Ano ba yun? Bat ba kayo nagsuntukan ah?!" Sigaw nya at parang di na mapakali.
"Ako ang mahal ni Aria at hindi ikaw. Mahal namin ang isa't isa!" Napatulala si Vanna sa narinig nya.
Halos manghina ako sa narinig ko, Nakita ko si Vanna na unti-unting napatingin kay Nyl, "Anong sinabi mo Stan?"
Ngumisi si Stan, "I said, mahal din kita." Nakita kong naluluha na si Vanna.
Hindi ko na kaya ang sakit kaya hinampas ko ang dalawang kamay ko para mabitawan nila ako at doon ako nagsimulang maglakad palayo sakanila.
Alam kong hinahabol ako nila Carson ngayon pero binilisan ko ang takbo at sumakay agad sa kotse, pinaandar ko ito at pinaharurut. Tangina lang ang sakit.
Dumiretso agad ako sa bahay, kapark ko ng sasakyan ko ay bumaba ako at sinalubong ako nila Mom at Dad.
"Oh my Steven anong nangyari sayo anak?! Saan ka galing? Bat puro bugbog ka?" Naiiyak na si Mom.
"Hindi kita pinalaki para makipagpatayan, Steven." Ma- awtoridad na sambit ni Daddy.
Hindi ko sila pinansin at umupo lang ako sa sofa, hindi na sumunod si Dad dahil may mga papeles syang inaasikaso habang si mommy ang sumunod sakin.
Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Anak please... nag aalala ako sayo anong nangyari?"
Tumingin ako kay mommy, "Mom... Si Vanna...." Pinigilan kong wag umiyak pero nagsimula ng magsituluan ang mga ito.
"Why anak? What happened to Vanna?"
"She's inlove with someone else... and it's killing me. Goddammit." Humigpit ang yakap sakin ni Mommy. Doon nako nagsimulang humagulgol.
"Ang anak ko binata na... Sa tingin mo para sya sayo? Nak maybe you're not destined to each other and I know mahahanap mo rin ang para sayo..." Hindi na ako nakasagot tangina pag iyak nalang ang narinig ni mom.
"Mom... I made a right decision..." Bulong ko sakanya at pinunasan ko na mga luha ko.
"What's your decision?"
"Book a flight to United States please? I need to forget this fvcking feelings because it's killing me... I can't take it anymore..."
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]