Chapter 3: Dislike

47 3 0
                                    

The Princess Secret Love 3



***

Savanna’s POV




Naglakad ulit ako palayo sa music room pag nag stay pa ako doon mala’late lang ako kapasok ko pa lang ng classroom namin ay biglang tumahimik napatingin ako sa lalaking naka earphones, kanina lang sinaktan moko dahil sa pagwalk out mo ngayon nandito na naman ako.



Nagdire-diretso ako sa upuan ko malapit lang ako sakanya, pasimple akong tumingin sakanya, perfect talaga nt hitsura nya, may dimples, yung kilay nya ang kapal nakakaakit, yung pula nyang labi--- shit aria! Ano na naman ba 'tong iniisip mo? Pinagpapantasyahan mo na sya!



Nag iwas na ako ng tingin at saktong tumabi sakin ang kaibigan ko dito, “Vanna, sama ka samin later sa party?” Nagpu-puppy eyes pa sakin.



Ngumiti lang ako sakanya, “Yeah yeah, what time?” Lumapad ang ngiti nya sakin.



“Six o’ clock hanggang ten o’ clock ng gabi.” Tumango ako at hindi na sya sinagot.



Ten ng gabi? Papayagan kaya ako nila mom and dad? Alam nyo naman diba sobrang protective nila. Bahala na basta gusto ko munang mag party.



Pumasok na ang professor namin, second semester na pala namin, hanggang ngayon stalker pa rin ako. Talaga bang hindi nya ako maalala? Nakakainis. Pero okay lang basta nakikita ko sya wala akong pakialam kung hindi nya ako maalala. Don’t get me wrong, wala syang amnesia. Siguro matagal tagal na rin kaya hindi na nya ako maalala.



Lumabas ako ng classroom namin para sundan sya, hindi ko alam kung dapat ko ba syang sundan pero ganito na ako mula pa dati kaya wala na akong magagawa.



Nakita kong pumasok sya sa gymnasium. Napahinto ako nung nakita kong may hinalikan syang babae sa pisngi nito at niyakap nya pa. Pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko.



Bakit ganito? Ang sakit sa pakiramdam. Ngayon ko lang nakitang may hinalikan syang ganito. Girlfriend nya na ba yan? Baka naman kamag-anak? Wag kang negative aria, Okay?



Tumalikod ako at lumabas ng gym, pumunta ako sa may sulok at doon nag simulang tumulo ang mga luha ko.



Naalala ko yung unang ginawa nya nung pumasok sya ng STG, sobrang hiya ko sa sarili ko. Buti na lang at walang nakakita sa'min.



Meron mga naghiyawan sa mga kaklase ko palabas ng classroom namin at meron din mga kinikilig. Hindi ko sila maintindihan kung bakit ganyan sila makareact.



Kinalabit ako ng kaibigan ko, “Girl, ikaw lang yata ang hindi masaya sa darating na transferee!”



Napanguso ako at hindi na lang sumagot. Taken na ang puso ko. Matagal ng may nagmamayari nito. Hinihintay ko lang ang pagdating nya.



Nagsipasukan na ang lahat sa classroom kaya pumasok na rin ako at umupo sa upuan ko.



Nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko. Pumikit muna ako dahil inaantok na talaga ako pero may pumipigil sa pag pikit ko kaya binuksan ko 'to agad nung marinig ko ang tilian ng mga kaklase ko. Pumasok ang isang lalaking makalaglag panga sa gwapo-- walang hinala kaya tumitili ang mga babae. Napatanga ako, loyal ako diba? Shinake ko ang ulo ko at umiwas ng tingin.



“Kindly introduce yourself mister.” Sabi ni madam lena sa bagong transferee.



Pumunta sa harapan ang lalaki, “My name is Constantine Nyl Lazarus.” Parang nabingi ako sa narinig ko.



Tumingin ako sakanya at parang nagslow motion ang buong paligid ko, naluluha ako hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko dahil katapos ng ilan taon ay nagkita na rin kami ng lalaking minamahal ko.



Natapos ang class namin at umalis sya kaya sumunod ako sakanya mabilis ko syang hinarap na nakangiti, “Kilala moko?”



Kumunot ang noo nya at umiling lang, “No, I don't know you...” Aniya at nilagpasan ako.



Ngumiti ako ng mapait at tumayo sa kinauupuan ko. Nakita kong lumabas si Stan na sya lang mag isa. Nasan yung babae? Nagmadali akong pumunta sakanya.



“Hi stan.” Nakangiti kong sabi. Tumingin lang sya sakin at hindi ako sinagot. “Stan naman..”



Huminto sya at tinignan ako ng matalim, “Miss, hindi nga kita kilala okay? Tigilan mo na rin ako sa pagtawag sakin ng stan.” Aniya at tumalikod na.



Tanggap ko na ang mapahiya sakanya at hindi nya na ako kilala, hinabol ko sya at hinawakan braso nya parang napatigil pa sya, “Anong bang ayaw mo?”



Tumaas ang makapal nyang kilay sakin na lalong nagpapahulog ng loob ko sakanya. “Mga ayoko? Dislike? Simple lang, madaldal, sunod ng sunod, spoiled brat, princess in short ikaw.” At tumalikod na sya.



Naiwan akong tulala dito at tumulo na naman ang mga luha ko. Bakit ang sakit ng mga binibitiwan nyang salita? Pero kahit ganon bakit mahal ko pa rin sya?



Lahat ng gusto ko nakukuha ko pero bakit sya hindi? Ganun ganun na lang ba yun? I hate being princess now! Pero ayaw nya sakin. Simple lang ang sinagot nya sakin pero nagpasakit ng puso ko parang pinipiga, dinidikdik, hinihiwa at pinupunit. Halo halo ang emosyon ko ngayon.



Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha ko. Bakit ako iiyak? Bakit ko sya iniiyakan? Hays! Magre-ready na lang ako sa party mamaya.



Umuwi ako ng bahay at naabutan ko si dad na nakatalikod si mommy naman ay nakaharap kay daddy. Napatingin sila sakin.



“Hello mom dad...” Bati ko at hinalikan ko sila sa pisngi.



“Ang aga mo yata ngayon princess nasan ang mga kapatid mo?” Si dad nagtanong.



“Wala na po kaming next subject kaya naman umuwi na lang po ako nasa school pa sila kuya at bunso, dad.”



Tumango si dad habang good mood pa ay magpaalam na ako, “Dad mom, papaalam po ako. Nag aya ang kaibigan ko sa bahay nila party daw. Please dad and mom payagan nyoko?”



“Anong oras baby?” Si mom habang nakapalupot ang kamay sa bewang ni dad at si dad ay nasa balikat ni mom.



“Seven mom. Don't worry uuwi ako ng maaga hindi naman ako magpapagabi.” Sana pumayag para maalis ang sakit sa puso ko.



“Okay pahatid ka sa kuya mo, Alright?” Tumango ako kay dad. At ang laki ng ngiti ko dahil pumayag ang daddy ko!



“Text mo kami kapag pauwi kana para masundo ka.” Tumango ulit ako at niyakap sila.



“Thank you mom and dad. I love you...” Sabi ko habang nakayakap sakanila.



“I love you too baby/princess..” Sabay na sabi sakin nila mom and dad.



Umakyat na ako sa taas at tumingin ng dress, napapili ko ang isang spaghetti strap na kulay blue above the knee ang dress.



Nagsimula na akong mag ayos dahil oras na rin naman matagal pa naman akong mag ayos pag nasa harapan na ako ng salamin. Nag aayos ako sa harap ng salamin at ngumiti pa ako dahil sa itsura ko ngayon. Hindi ako nag make up ng sobrang kapal light lang ang nilalagay ko.





Nagflashback sakin ang sinabi ni Stan na ilan beses sumampal sakin kaya nawala ang ngiti ko sa labi. Ayaw na ayaw nya ang lahat ng meron ako.





Pero wala sa bocabolaryo ko ang sumusuko kaya naman hindi porket sinabi nya yun ay papakinggan ko na sya. Well no, martyr na kung martyr pero nagmamahal lang ako.





Kung gusto nyang baguhin ko ang sarili ko, fine para lang magustuhan nya ako. Aalisin ko ang pagka spoiled brat, madaldal ko pero ang pagiging princess? Mahirap yata.





Cause I’m your princess, Constantine Nyl Lazarus and your my prince. Remember that.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon