Chapter 6: Im your Stan

35 3 0
                                    

The Princess Secret Love 6





***

Savanna's POV




Pumasok ako ng classroom na nakangiti, hindi naman ako nagpapaapekto. Bahala sya basta diko sya titigilan.



Umupo agad ako sa upuan ko. "Girl, nakita ka namin kausap mo ang mga STG basketball players. Grabe na ang beauty mo! Kinabog mo pa si rapunzel! Ikaw ng nagre'rejoice!"



Nanliit ang mga mata ko, "Cha, kausap ko sila kasi malamang anak sila ng bestfriend ng dad ko at isa pa kaibigan ko sila."



Kumislap ang mata ni aya, "Si Steven. kanina hindi nagsasalita sayo lang sya nakatingin pakiramdam ko may gusto sayo si Steven eh."



Natigilan ako sa sinabi nya parang nag echo sa isip ko yung sinabi nya, yung kagabi na umiiyak siya. Umiiyak nga ba sya o baka dala lang ng kalasingan ko? At isa pa bakit sya magkakagusto sakin?



I shook my head, "Nah, bestfriend lang talaga kami guys. Wag ng maglagay ng malisya. Kayo talaga."



"Just kidding basta ilakad mo ko kay third, vanna ah?" Nag puppy eyes pa sakin si Aya kaya natawa ako.



Tumango ako, "Oo na." Lumaki ang ngiti nya at humarap na sa black board dahil saktong pumasok ang professor namin.



"Good Morning class." Bati ni sir kaya binati rin namin sya. Nakakaantok naman.



Habang nagdidiscuss si ay napapapikit ako, inaantok ako sa discussion nya. Napuyat nga yata talaga ko kagabi dahil sa pag inom.



Nagwagi ang mga mata ko at napapikit ako. Naks. Makatulog na nga lang, "MISS SAVANNA ARIA ROSELLER!" Literal akong napamulat nung marinig ko ang malakas na sigaw ni Sir. Patay. Full name pa yan ah?



"Yes sir?" May pa cute pa akong nalalaman para lang hindi mapagalitan.



"Oras ba tulog ngayon?" Agad akong napailing at ngumuso ako. E, sa inaantok ako.



"Gusto mong matulog?" Wala sa wisyong napatango ako kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.





"Joke lang sir. Hehehe." Nagpeace sign pa ako, sumama tuloy ang tingin nya sakin. Kasi naman nakakaantok ang pagdi-discuss nya.





"Naku! Pasalamat ka lang talaga." At tinalikuran na ako ni sir.





Hindi ako napagalitan! Hindi naman diba? Nakakaantok lang talaga pero ngayon parang nawala ang antok ko nung napatingin ako kay stan na umiiling, dissapointed na ba sya sakin?





Binuksan ko ang bag ko para hanapin ang wallet ko pero wala akong nakita. Baka nakalimutan ko lang sa bahay. Makakalimutin kasi ako pag dating sa mga gamit ko.





Naglakad ako patungong third floor para puntahan ang kuya ko, habang naglalakad ako pinagtitinginan ako at naririnig ko pa ang bulungan nila bakit daw nandito ako. Hello? Nandito ang kuya ko.





Nakatapat na ako sa room ni Kuya, kumatok ako para buksan ang pinto, "Yes miss roseller?" Sabi sakin ng professor nila.





"Can I excuse Jayce Colton sir?" Tanong ko. Tumango naman sya at tumingin kung saan naroon ang kuya ko.





Tumayo si Kuya ng makita nya ako, "Anong kailangan mo, Aria?"





Ngumuso ako, "I forgot my wallet. Wala akong pera sa bag. Gutom na ako."





Umiling si kuya at kinapa ang likod ng pants nya at nilabas ang wallet nya, "Oh," Sabay abot sakin ng pera.





"Thanks Kuya!" Sabi ko at tinalikuran ko na sya. Gutom na gutom na ako kaya nagmadali akong bumaba.





Mabilis lang akong kumain dahil gusto kong puntahan ang mga kaibigan kong lalaki. Nakita ko sila sa bench. Iba iba ang position ng pagkakaupo nila. May nakatayo, may nakaupo, may nakasandal. Ang mga loko talaga feeling gwapo.





"Hi guys!" Nakangiti kong bati sakanila. Tinignan nila ako at tumayo si carson para bigyan ako ng pwesto.





"Yo. Buti naman at naisipan mong puntahan kami, no? Akala namin mag e'stalk ka, e!" Natatawang sabi ni Ethan kaya inirapan ko sya.





"Hindi pa... mamaya na lang." At tumawa ako na kinailing na lang nila.





"Naloko na."





"Patay tayo dyan."





"Lakas na ng tama."





Napanguso nalang ako sa pinagsasabi nila. Napatingin ako kay tres, "Hi, tres." Nakangiti kong bati.





"May namumula..." Bulong ni Christian. Napakunot ang noo ko. Namumula?





"Fvck you Arceo!" Tawang tawa pa si christian minura na nga. Sino ba kasing namumula?





"Una na ako." Pagpapaalam ko at tinignan ang relo na nasa left hand ko.





"Mag ingat ka, princess!" Sabi nila at tumango na lang sakanila. Nagsimula akong maglakad.





Parang trip kong pumunta sa likod ng school, maganda kasi doon. May mga malalaking puno at malamig ang simoy ng hangin doon kaya wala naman masama kung susubukan kong pumunta diba? Kesa marinig ang mga bulungan ng mga co-students ko.





Kapunta ko palang sa likod ng school ay nakita ko na ang puno ng mangga na nagpabalik sakin ng sakit sa puso. Ngumiti ako at iniwas ang tingin doon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kumuha ako ng stick at pumunta sa may puno.





Inuna kong inukit ang pangalan ko bago ang pangalan nya. Ilan beses ko itong inukit para hindi madaling mabura gaya ng pagmamahal ko sakanya. Savanna <3 Constantine, forever.





Napangiti ako ng makita ko ang pagkakaukit ko, sana nga forever tayo pero ako lang naman ang may gusto nun. Tatalikod na sana ako pero biglang may humarang sakin na tatlong lalaki.





"Nandito pala ang prinsesa ng mga roseller." Nakangising sabi ng isa sa kanila. Napalunok ako at hindi ko maiwasan matakot.





"A-anong kailangan nyo sakin?" May panginginig na sa boses ko pero ayokong ipahalata sakanila na natatakot ako.





"Simple lang naman," Lumapit sakin ang isa sa kanila na malaki na ang ngisi ngayon.





"Anong problema nyo sakin? Wag kayong lalapit!" Sigaw ko sakanila.





Nagtawanan naman sila katapos ko silang sigawan, "Sayo wala pero sa kuya mo, meron."





Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ng kuya ko, "Problema nyo sa kuya? Anong ginawa nya sainyo?" Buong lakas akong nagtanong.





"Malaki. Marami syang ginawa at kailangan mong pagbayaran." Ngisi ng isa sakanila.





Lumapit na sila sakin kaya di ko maiwasan hindi na tumulo ang mga luha ko, nagsisigaw na ako pero biglang tinakpan ang bibig ko. Naramdaman ko ang kamay nila sa legs ko. Napahagulgol na ako ng iyak.





"Pre, mukhang masarap, roseller yan malamang masarap talaga." Tawa pa ng isa.





"Paano natin malalaman kundi natin ito susubukan o titikman?" Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong tumulo ang mga luha ko.





Sinubukan kong pumalag pero malakas silang tatlo wala akong kaya, may sumuntok bigla sakin sa tiyan kaya napatigil ako sa pag sigaw. Ramdam ko ang sakit. Sa tiyan, sa braso at ang paghihirap ko sa paghinga dahil sa kamay na nakatakip sakin dito.





Akala ko talagang nag eexist ang mala fairytale na ganap sa realidad, yung may prince charming na tutulong sayo kapag nasa panganib ka. Yung parang knight in shining armour pero wala talagang ganon tanggapin natin na nasa realidad tayo.





Pipikit ko sana ang mga mata ko pero biglang natumba ang tatlong lalaki sa harap ko. Doon ako nakahinga ng maluwag pero namimilipit ako sa sakit ng tiyan ko dahil sa pagkakasuntok. Tinignan ko ang lalaki kung sino... halos malaglag ang panga ko nung nakita kong sya ang nakikipagsuntukan sa mga lalaki. Nanginginig ang mga kamay ko dahil mag isa lang sya at tatlo ang kalaban nya.





Bumagsak ang tatlo kasabay ng paghawak ko sa tiyan ko, ang sakit. Biglang may humawak sa braso ko at napangiwi ako dahil masakit din ito.





"Aria, anong masakit? Anong ginawa nila sayo? Aria! Sumagot ka!" May galit sa boses nya.





Tinignan ko sya sa mata kitang kita ko ang matalim nyang tingin ang pagkasalubong ng mga kilay nya, "Si...sinuntok nila... ako... sa... tiyan.." Hindi ko maiwasan hindi tumulo ang luha ko.





Narinig ko ang ilan beses nyang pagmumura pero biglang dumilim ang paningin ko at ang huling word na narinig ko lang ay...





"Aria, I'm your stan.." Hindi ko alam kung guniguni ko lang yun pero wala na akong pakialam, masakit ang nararamdaman ko. Hanggang sa bumagsak na ako.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon