Chapter 5: Mark My Word

51 3 0
                                    

The Princess Secret Love 5





 
***

Savanna’s POV






Nakasimangot ako habang naglalakad sa campus ng school. Napagalitan lang naman ako ng mga parents ko dahil sa kagabi. Kay bata bata ko pa daw para uminom. Hindi nila alam meron akong mabigat na dinadala. And my head is hurt. Mygosh. Ganito pala kapag first time.




 
Si Kuya rin nagalit sakin dahil akala nya daw hindi ako iinom. E, bakit pa ako pumunta duon kung hindi ako iinom? I really don't get my parents. They're over reacting pero nakakatouch naman atleast may pake ang parents mo sayo, right? Muntik pa akong ma'grounded buti na lang nasave ako ni tres.





“Psstt. Princess!” May sumisigaw pero di ako yun. Di naman princess pangalan ko eh.





May lumapit sakin na lalaki napasimangot tuloy ako may dala syang chocolates na naman? Nakakasawa naman pero di ko matanggihan.





“For you, savanna.” Nakangiting sabi nya kaya kinuha ko yun at ngumiti din pero pilit.





“Thank you for this. Alam mo naman siguro yung rule ko diba?” Tumango naman siya sakin.





Rule: I'll accept this but you're not going to court me.





“Yah, alam ko. Sige po mauuna na ako.” Tumango naman sakanya.





Tinignan ko ang chocolates at nilagay sa bag ko baka makita pa nila kuya mahirap na. Nagpatuloy ako sa paglalakad.





“Savanna Aria!” Vanna daw e, edi ako yun? Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang mga anak ng kaibigan ni dad.

 



Nilapitan ko sila, “Ano yun? Akala ko hindi ako yung tinatawag nyo kanina.”





“Sino pa ba ang princess dito?” Tanong ni Ethan--anak ni Tito Michael.





Ngumuso naman ako, “Huwag nyo nga akong maprincess princess, di naman bagay sakin..” Halos pabulong kong sabi.





May humawak ng dalawang braso ko, “What? Anong hindi bagay?” Nagtatakang tanong ni Christian--anak ni Tito Tristan.





Narinig pala nila. Napailing na lang ako, “Wala...” Inirapan nya lang ako.





Konti na lang talaga iisipin ko bakla itong si christian pero malakas sa chicks eh panigurado lalaking lalaki 'to nahawa lang sa kasungitan ng daddy nya.





“Wala daw. Bagay kaya sayo ang princess, mukha kang princess, ang ganda mo kaya. Tch. Kung di ka lang anak nila tito at tita baka niligawan na ki---Aray naman!” Binatukan kasi sya ni tres.





“Gago! As if papayag sya no.” Napatawa na lang ako. Nagkamot ng ulo si Carson.





“Joke lang naman eh.” Umupo sya sa may tabi ko. Sa may side ko naman ay si Tres.





May thirty minutes pa naman para makausap sila. Hindi ko na nakakausap ang mga anak nila tito at tita villamars ko. Nasa ibang bansa ang iba. Ang iba naman ay busy yung mga anak nila dahil medyo mas matanda sila sakin ay hindi sila dito nag aaral at nagtra'trabaho yung iba ay nasa ibang bansa na. Kaynis.





“Ang gwapo gwapo talaga ni Nyl mga friend sarap hubaran!” Napatigil ako nung narinig ko ang pangalang NYL, napairap na lang ako.





“Oo kaya lang friend may girlfriend na. Saklap naman!” Gusto kong takpan ang mga tenga ko. Nakakainis ang mga bulungan nila dito.





Akin lang si stan. Walangya kayo. Kung mag asawa nga naghihiwalay pa, ang mag girlfriend/boyfriend pa kaya? Wala akong gagawin. Hihintayin ko na lang ang break up nila at doon na ako mag co'confess sakanya. Hehe.





“Mga babae talaga dito. Kundi tayo ang gusto nila yung NYL naman na yun ang gusto nila. Psh. Mga balimbing.” Reklamo ni France.





“Player din ng basketball yan diba? Katulad natin? Ka'team natin?” Oo! Alam na alam ko. Lagi kaya akong nasa laban niyo todo cheer ako--sakanya. Haha.





“Oo, pero mas gwapo tayo sakanya pre. Abs ko pa lang pamatay na.” Natatawang sabi ni Ethan. Nako! Dumagdag pa kayo.





Tinignan ko sila, “Oh. Shut up guys. Mas gwapo sainyo si stan.” Hindi ko alam pero biglang lumabas sa bibig ko yun.





Napatingin sila sakin at sinamaan ako ng tingin, “Grabe napaka supportive mo, friend.” Pabaklang sabi ni carson.





“May gusto kay doon no? At bakit stan ang tawag mo sakanya? Wala syang pinapatawag sa unang pangalan nya.” I know right guys. Proud stalker here.





“H-hindi nga abi!” Nakanguso kong sabi. Pero napatingin ako may tres na seryoso lang sya.





“Bat ka nauutal? Ayun si Nyl oh! Papalapit na.” Sa sinabi ni christian agad akong napatayo.



“OMG! Nasan?! May kasama ba? Guys where?!” Inikot ko pa ang paningin pero wala akong nakita.





Napatingin ako sakanila na nagpipigil ng tawa, “Wala palang gusto ah?” Naaasar na tanong ni France.





“Kaynis naman kayo! Hmp. Oo na aamin tch.” Inirapan ko sila at umupo ulit.





“Tch. Bakit si Nyl pa? Nandito naman kami eh.” Nakangusong sabi ni Ethan.
 



 
“Tch. Long story...” Naalala ko na naman ang una namin pagkikita kaya napangiti ako.





“Teka alam ba 'to ng mga rosellers? Dapat nila itong malaman.” Nanlaki ang mata ko.





“Hey guys naman. Wag muna okay? Relax lang kayo dyan. Malalaman din nila.” Seryosong sabi ko.





“Akala pa naman namin wala kang nagugustuhan ngayon pala si Nyl ang katapat mo. The Princess Secret Love ba ito?”





Nginisian ko sila at inirapan, “Basta keep it private. Walang makakaalam bukod sainyo. Ah?”





Tumango naman sila, “Ayun na si Nyl oh.” Hindi ako naniwala kay carson. Baka pinagloloko na naman ako ng mga ito.





“Seryoso kasi vanna. Nandun na sya oh.” Nginuso pa ni Ethan. Tumingin ako at halos tumalon ang puso ko.





Kinuha ko ang bag ko, “Guys paasok na ako, ah? Bye!” Tatalikod na sana ako pero hinila ako.





“Wag ka ngang maging stalker, vanna, ang pangit tignan.” Nakasimangot na sabi ni France.

 



Napangiti naman ako, “Guys, Four years ko na itong ginagawa wala ng bago kaya hayaan nyo na ako ah? Bye!” Laglag panga pa sila sakin kaya mabilis na akong naglakad.





Naabutan ko sya at tinabihan, “Hi stan. Good morning!” As usual wala akong narinig na pagbati mula sakanya.





“Stan?” Nakanguso kong pagtawag sakanya. Pero tinignan nya ako at inirapan din kasabay ng mabilis nyang paglalakad.





“Stan, totoo bang may girl friend kana?” Tanong ko sa seryoso kong tono.





“So what?” Ang sungit naman. Parang nagtatanong lang naman. Pero ibig sabihin totoo?





Natigilan ako kaya napatigil rin sya halos mas masakit pa 'to kesa sa iba ko nalaman pero sya na mismo ang nagsabi sakin personal pa. Pero hindi naman nya sinabi na 'Yes I have' diba? So what lang ang sinabi, may pag asa pa.





“Bakit ka natigilan? Sabi ko naman kasi sayo, ayoko sayo. Ilan beses ko ba yan dapat sabihin sayo? Hindi ikaw ang type ko. Lahat ng ayoko nasayo na. Kaya please lang, tigilan mo na ako. Wala kang mapapala.” Umalis siya katapos nun.





Akala ko iiyak ako pero hindi mas lalong lumaki ang ngiti ko-- ang pekeng ngiti ko.





Akala nya porket sinabihan nya ako ng masasakit na salita titigil ako? No way! Kailangan kong matupad ang dream ko. Kailangan nyang matupad nag pangako nya sakin at gagawin ko lahat para mangyari yun.





Mark my word.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon