Chapter 20: Back To Normal

16 1 0
                                    

The Princess Secret Love 20



***

Savanna’s POV

 

“Ako nga pala si Savanna Aria, ang prinsesa ng mga roseller. Nag iisang anak na babae lang kasi ako.” Parang biglang kumislap ang mga mata nya.

“Talaga? Prinsesa ka? Ako nga pala si Constatine Nyl Lazarus. Taga dyan lang ako pero paalis na din kami eh...” Napanguso ako sa sinabi nya. Bakit sya aalis?

“Ahh, bakit naman?” Tanong ko. Nalulungkot ako akala ko pa naman friends na kami.

“Sa ibang bansa na kasi ako mag aaral, ayoko man pero kailangan...” Nagkakamot na ulo na sabi nya.

Tumango ako at ngumiti, “Ah ganun ba? Basta mag iingat ka doon sa stan ah?”

Tumango sya sakin at niyakap ako, “Sa tingin ko crush na kita... basta kabalik ko ipinapangako ko na liligawan kita.”

Nagbitaw sya ng yakap at humarap sakin nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi, ngumiti pa sya sakin.

“Kailangan ko ng umalis ah? Basta mangako kang hinding hindi ka mag bo-boyfriend kasi susuntukin ko sya kabalik ko.”

Napatawa naman ako, “Hindi ako mag bo-boyfriend, hihintayin kita kahit ilan taon pa ang lumipas kahit one hundred years pa.”

Ngumiti sya sakin, “Bye Aria!” Sigaw nya sakin sabay wave at lumabas ang malalim nyang dimples.

Nakalayo na sya bago ako sumagot, “Bye stan...” Ngumiti ako sa kawalan at tinignan ulit ang puno ng mangga.

Napamulat ako sa panaginip ko, hindi ko namamalayan na basa na pala ang pisngi ko sa dami ng luhang tumutulo. Bumangon ako para punasan ito. Bakit ko pa ba iniisip ang nakaraan? Hanggang ngayon ba pinapaalala nya pa sakin ang nakaraan? Anong ibig sabihin nun? Sumuko o sige pa?

 
Umiling ako at inalis sa isip ko ang panaginip ko, kami pala ang nanalo sa singing contest marami ang humanga sa galing ni stan at ang pag blending ko sa bawat pag kanta nya kaya maganda ang naging resulta at nirequest nila bat hindi kami mag cover ng mga kanta at ipost ito sa youtube kaya lang umayaw na kaming dalawa. Siguro ay pag maayos na kami yung wala ng labuan na nangyayari sa pagitan namin.

Bumaba ako sa hagdan at naabutan ko doon si kuya nakatalikod at nakatingin lang sa may aquarium. Gusto ko syang lapitan pero diko magawa dahil medyo meron kaming hindi pagkakaintindihan noong mga nakaraang araw. Pero gusto kong humingi ng tawad sakanya dahil sa mga nasabi ko, meron din naman akong nasabi na hindi maganda, No matter what happened he's still my brother.





Kaya lumapit ako at tumabi sakanya mukhang di nya ako napansin dahil malalim ang iniisip nya, ano kaya ang nasa isip ni Kuya? Umubo ako ng bahagya para mapunta ang atensyon nya sa’kin. Napatingin sya sandali pero tumingin ulit sya sa aquarium.





Anong nangyari? Bakit ganito si Kuya? May kinalaman kaya ang girlfriend nya dito?





Medyo sumandal ako sa pader, “Kuya?” Tawag ko sakanya doon sya tumingin sakin.





“Oh, princess bakit ang aga mong nagising? Atsaka kanina kapa ba dyan?” Tanong nya sa malumay nyang boses, bagkus sa boses nya na may problema sya.





“Kanina pa ako dito, Kuya. Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Anong problema kuya?” Umiwas sya ng tingin at kinuha ang pagkain ng mga isda sa may tabi ng aquarium.





Kumuha sya ng kaunti sa pagkain at hinulog ito sa loob ng aquarium, “Pasensya na princess sa mga nasabi ko sayo at kay Nyl nitong mga nakaraang araw.”





Batid kong iniiba nya ang usapan, “Wala ‘yon kuya, tama ka naman. Wag na natin ibahin ang usapan kuya, anong problema?”





Nilagay nya ulit ang garapon sa tabi ng aquarium at umupo na sa may sofa, “Ganyan ba talaga kayong mga babae? Simpleng bagay pinag aawayan?”





Mukhang alam kona ang problema ng kuya ko, tama nga ang nasa isip ko. “Hindi lahat ng babae pare-pareho kuya, ano bang nangyari?”





First’ime ni kuya ang mag open up sakin kaya dapat ko na itong samantalahin. “Girlfriend ko na sya for five years, since high school palang kami naging patago ang relasyon namin, walang may alam ng kung sino sainyo maging barkada ko, sa five years namin hindi kami nag away ng ganito.”





Halos mapanganga ako, hindi ko akalain ang lahat ng ito galing sa Kuya ko. “Nabasa nya ang message sakin ng ex ko at sa sobrang selos nya nag away kami marami syang sinabi sakin, hindi ko kinaya kaya nakipaghiwalay ako. I know how stupid I am, simpleng bagay lang hiniwalayan ko sya pero ito lang ang paraan para manahimik sya sa pagwawala, I love her, so much. Pero minsan kailangan natin ng pahinga. Kung kayo talaga kayo.”





Sa boses ng Kuya ko alam kong papaiyak na sya pero tumingin lang sya sakin at tinapik ang ulo ko atsaka na sya umakyat sa taas. Napatulala ako ng ilan sandali bago ako matauhan.





Kapasok ko ng school ay lutang pa rin ako, hindi sumabay si Kuya sakin na pumasok nag aalala pa rin ako para kay Kuya, gusto ko syang tulungan sa problema nya pero paano ko sya matutulungan kung sarili kong problema diko malutasan? Hays.





Nagvibrate ang phone ko at kinuha ko 'to sa bag ko nabasa ko agad ang text message na galing kay Tres.





From: Tres
Vanna? Let's have a lunch together?





Mabilis ko syang nireplayan ng 'ok' at sya naman kinabilis nyang magreply ng susunduin nya daw ako so I decided na wag na syang replayan.




Naglakad ulit ako papasok ng school campus nakita ko sa mga bulletin board ang pictures namin ni Stan at ‘yung tarpaulin namin na malaki na may nakalagay na pangalan namin. Nakakatawang isipin na may nagtayo ng fandom para samin ni Stan, may mga sumusuporta pa rin samin kahit tapos na ang contest ang gusto ng mga fans ay mag cover o gumawa kaming dalawa ng kanta. Diko pa alam kung payag si Stan doon.





Sa hindi kalayuan nakita ko si Carson na may kaakbay na babae, napangisi nalang ako at napailing babaero talaga at sumunod sakanya ang anak ni Tito Michael na si Ethan. Mga pasaway.





Dumiretso akong gym at kapasok ko ay kitang kita ko pa ang mga kalat naming pictures dahil sa pagkapanalo. Nagulat ako nung may lumapit sakin.





“Ate Savanna, congrats po. Ang galing nyo po at isa pa bagay kayo ni Nyl!” Masayang sambit ng dalaga at ngumiti lamang ang kasama.





Nginitian ko sila, “Thank you guys, thank you sa suporta ah? Don't worry papalitan namin yan pag nagkatime.”





Masayang umalis ang dalawa at tinignan ko ang kabuuan ng gymnasium nandun ang mga nagpra-practice ng basketball kasama doon si Tres at Chan pero mas nagulat ako nung nandun si Stan, naglalaro sya kasama nila Tres. Napatingin sya sakin kaya nanlaki ang mata ko pero akala ko papansinin o ngingitian ako pero umiling lang sya at drinible ang bola.





Back to normal again.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon