Chapter 21: My Stan
***
Savanna's POV
"Ang dalagang malalim ang iniisip wari'y pinagsukluban ng langit at lupa, bakit kaya?" Ani ng matanda sa eskwelahan.
Nakita kong nakangiti ito sa langit na tila nakikisabay sa lungkot ng langit na kulay dark blue na parang ibabagsak ang ulan anytime.
"Hi po," Tugon ko sakanya at pinilit kong ngumiti, napatingin sya sakin at kita ko ang isang mata nya ay puro puti, nakakatakot pero di dapat matakot. Ang dapat nga'y maawa kapa sa kanyang itsura.
"Bakit ka malungkot binibini? May mabigat ka bang problema?" Aniya. Mabilis akong umiling.
"Wala po la, at isa pa po tawagin nyo na lang po akong Savanna or Vanna.." Sabi ko kay lola, hindi ako pwedeng tawaging Aria dahil isa lang ang tumatawag sakin nyan. Ang pinakamamahal ko. Ay! Pati pala si Kuya!
"Batid kong ika'y nagsisinungaling, Savanna... Iba ang gustong iparating ng iyong mga mata na puno ng hinanakit..." Napaawang ang bibig ko. Narinig ko na ang tunog ng bell.
"A-ah... La, sorry po pero kailangan ko ng umalis..." Tumango lamang ito, gusto nyang malaman kung bakit malungkot ako pero wala na akong oras.
Habang naglalakad ako pabalik ng classroom, napatingin ako sa nakasabay ko na si Clayara at Stan, parang may mga karayom na tumusok sa puso ko, mga batong nagbagsakan, hindi ko alam ang gagawin ko hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nakikita ko si Clayara at Stan sobrang sweet sa isa't isa, ngayon na ako nakaramdam ng selos at galit. Pero ano nga bang karapatan ko? Hindi ako kaano-ano ni Stan, isang hamak na classmate nya lang ako na may lihim na pagtingin sakanya.
Naramdaman ko ang mga tubig na mula sa mga mata ko, gusto kong magwala, gusto kong tumakbo hanggang sa mapagod, hindi ko alam pero parang namamanhid na ang puso ko, gusto kong sapak-sapakin si Stan pero diko magawa, WALANG KAMI. Hindi nya ako pag aari at hindi ko sya pag aari kaya wala akong karapatan gawin yung bagay na yun sakanya.
Napayukom kamao ko, hindi ko alam ang gagawin ko, napaurong ang isang paa ko, nakatingin sakanila habang nakangiti sa isa't isa, tumatawa, minsan ay kukurutin ni stan ang pisngi ni Clayara, nakakaselos! Totoo ngang nakakamatay ang selos!
Napatingin sa gawi ko si Stan at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya pero nginitian ko lang sya at mabilis na tumakbo. Bahala na kung saan ako mapadpad basta ang alam ko, nasasaktan ako ngayon!
"ARIA!!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko pero hindi ko pinakinggan. Tama bang iwanan ang girlfriend nya para lang habulin ako?
"Nyl ano ba?!" Sigaw ni Clayara kay stan habang nagpapapadyak-padyak sa sahig. Hindi na ko huminto sa kakatakbo hanggang sa napahinto ako.
Napahawak ako sa dibdib ko para akong hinuhugutan ng hininga, sumikip ito, sobrang sikip. Naiiyak ako kasi di ako makahinga ng maluwag, dagdag mo pa ang kakaiyak ko, pakiramdam ko mamamatay nako...
"Aria!!" Yung boses na yon, ang lapit nya na sakin, gusto kong tumakbo pero diko na magawa, bakit ako sinisikipan sa paghinga?
May humawak ng braso ko at nakita ko ang alalang-alalang mukha nya... Hindi 'to totoo, pinaglalaruan ka na lamang nya, Vanna.
"Anong nangyayari sayo? Natatakot ako, Aria... Please, kahit ngayon lang hayaan mo kong mag paliwang basta dalhin kita hospital..." Ano daw? Paliwanag? Walang kami, anong ipapaliwanag nya sakin?
"S-stan...." Tawag ko, unti-unting nanlabo ang mga mata ko at hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari.
Isang maliwanag na lugar ang nakikita ko, hindi ko alam kung nasan ako, nakakarinig ako ng tunog, unti-unti kong minulat mga mata ko.
"A-aria....." Yung boses na yon, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung masaya o sakit ang nararamdaman ko.
Nakita ko ang alalang-alalang mukha nya, ano ba Savanna Aria? Tumigil kana!! Nasasaktan pa rin ako, yung nakita ko kanina....
Tumingin ako kay Stan, "Nasan ako?" Tanong ko sakanya, nilibot ko ang paningin ko.
"Nasa hospital tayo...." Nakita ko ang mga kalurete sa katawan ko. Hays!
"Ba-bakit ako nandito?"
Huminga sya ng malalim, "Nahimatay ka.... at hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ka nahimatay...."
"Ayoko dito, stan! Labas na tayo! Wala naman akong sakit e! Nahimatay lang ako agad agad mo na akong dinala sa hospital!"
Sa halip na sagutin nya ako ay tumalikod na lamang sya. Kumuha sya ng pagkain na nirereserved.
Naglakad sya papunta sakin, "Kumain ka muna."
"Stan please...." Nagpout pa ko, nanlaki ang mga mata ko, "Alam na ba 'to nila Mommy and daddy? Si Kuya o bunso?"
Umiling sya, "Hindi ko alam, nung nahimatay ka sa school marami ang nakakita, malay natin ay sinabi na ng iba..."
"Wag mo ng paratingin kila mom and dad, sure akong mag aalala ang mga yon!" Napatingin sya sakin at nagtama mga mata namin, gusto kong alisin ang mga tingin ko sakanya pero diko magawa, namamagnet ang mga mata ko sakanya.
"Ok." Malamig na sabi nya, napanguso ako, napatingin ako sa bandang kaliwa ng tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko yon, nakita ko ang pangalan ni Tres, sasagutin ko sana kaya lang nagdadalawang isip ako. Napatingin ako kay stan na nakatingin din pala sakin.
"Si Tres..." Malumay kong sabi, bestfriend ko si Tres dapat lang na sabihin ko 'to. Tama! Sasagutin ko sana pero biglang hinila ni Stan.
"Pag sinagot mo, malalaman nyang nandito ka, sasabihin nya sa mga Villamars,"
"Hindi! Hindi ganon si Tres, pwede ko naman syang pakiusapan e." Nakanguso kong sabi.
"Shut up, Aria!" Sigaw nya. Napakunot ang noo ko, bat ba mas alam nya pa sakin?
Hindi na ko sumagot at humiga nalang ulit. Biglang pumasok ang isang doctor at nurse.
"Hello po!" Bati ko. Ngumiti sakin ang doctor at nurse na lalaki.
Napatingin ako sa nurse na lalaki na nakatingin din sakin at nakangiti ng napakalaki.
"Trabaho ay trabaho, Nurse... Hindi gagaling ang pasyente kung tititigan mo lang." Ani Stan. Doon nanlaki ang mga mata ko.
"Pas-pasensya na po...." At doon na sila kumilos. May kung anong tinurok sila sa dextrose ko.
Hindi sumagot si Stan, tinignan ko sya at sinamaan ng tingin, Kumunot ang noo nya, ang gwapo talaga ang stan ko. Walang duda, mahal na mahal ko talaga sya. My stan, Mahal kitang talaga.
"May Asthma ang pasyente, kailangan hindi sya mapagod, dahil babagal ang heartbeat nya, mahihirapan syang huminga, Yung inhaler ay kayo na ang bahala pero meron kaming ganon sa baba, bibigyan na lang kita ng reseta, Ang pagkahimatay nya kanina ay dulot ng sakit nya at sumobra sa stress, sa kanyang pag iyak." Nanlaki ang mga mata ko.
May sakit ako? Asthma? Katulad ng kay mommy? Napatingin ako kay Stan, tumango lang sya.
"Zairus, ikaw ng bahala dito mamayang bumalik at bigay ang inhaler sa pasyente." Ani doctor."Yes po.." Ani nitong Zairus.
Lumabas na sila, tumingin ako kay stan, "Bat kailangan magkaroon ako ng asthma?! Bakit ngayon ko lang nalaman? Dati naman akong tumatakbo ng mabilis?"
Nagkibit balikat si Stan at nakita kong umupo sya sa may gilid at parang nag iisip. Anong iniisip nya?
"Teka lang Stan, diba tumakbo ka rin kanina? Nasan si Clayara? Bat iniwan mo sana hinayaan mo nalang ako..."
Hindi sya sumagot, napaka ano talaga! "Pero diba sabi mo magpapaliwanag ka sakin?! Oy stan ano na?!"
"Hindi ka naman umo-o, bigla kang hinimatay kaya wala akong ipapaliwanag." Tumayo sya at lumabas.
"Napaka ano mo talaga Constantine Nyl Lazarus!!"
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]