The Princess Secret Love 18
***
Savanna’s POV
Tatlong araw na ang nakakalipas ngayon na ang last day ng pagpra-practice namin tapos bukas na ang contest. Nakakakaba na nakakaexcite dahil maipapakita ko ulit ang kakayanan ko. Si stan naman ay laging nakikipagpractice sakin maayos ang naging pakikitungo niya kaya medyo umaasa ako na nagugustuhan nya na ako.
Busy ako sa pagpra-practice mag isa sa bahay habang hawak hawak ang gitara, bukas si stan lang ang maggigitara pero ngayon ay ako muna ang nagpra-practice dahil hanggang alas dos lang kami kanina.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napatigil ako sa pagkanta at paggitara. Hindi ako tumingin pero sa lakad pa lang alam kong si Kuya Jayce 'to.
“Aria,” Tawag nya at umupo sya sa harap ko. Binitiwan ko ang gitara sa may mesa at tumingin kay kuya.
“Bakit kuya?” Tanong ko sakanya. Nakatingin lang ako sakanya iba ang aura nya. Seryoso lang ang mukha nya kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Minsan lang akong kausapin ni kuya ng seryoso pero nakakatakot.
“Lagi yata ang pagpra-practice nyo? Hindi ka na nakakapasok sa mga class mo.” Napalunok ako ng isang beses.
“Pero ang sabi kuya excuse kami, kaya okay lang sa mga teacher.” Medyo may kaba sa pagsasalita ko.
Huminga ng malalim si kuya, “Kahit na princess, ang practice nakakapaghintay pero ang mga matututunan mo sa school ay isang beses lang tinuturo ngayong college.”
Tama naman si kuya, medyo na enjoy ko ang pagsasama namin ni stan. Mali din kami kahit excuse.
“Sorry kuya...” Yun lang ang nasabi ko. Running for magna cum laude si kuya si bunso naman ay valedictorian. Paano ako kapag hindi ako naging magna cum laude? Kahiya hiya ako sa pamilya.
Si mommy ay naging valedictorian dalawang beses elementary and secondary at magna cum laude nung college. Si daddy kahit hindi nag valedictorian or magna cum laude ay maraming kaalaman. Nakapagtapos at maraming napatayong business. Nasa honored student si daddy nung elementary at college medyo naloko sa pag aaral si daddy nung secondary sya kasi sa break up nila ni mommy at sa past nya yata.
Tumingin ulit ako kay kuya, “May gusto ka ba kay Nyl, princess?”
Nanlalaki ang mga mata ko nung tumingin ako kay kuya parang biglang gusto kong mag collapse dito ngayon, anong sasabihin ko? Masyado na ba akong halata? O baka sinabi nila carson? France? Chan? Ethan? Mygosh.
“A-ah.. sino naman nagsabi sayo nyan kuya.. ofcourse n-none...” Letse bat ka nauutal aria?
Hindi naalis ang tingin sakin ni kuya parang sinusuri nya pa ako kaya hindi ko maiwasan hindi mapaiwas ng tingin at mapalunok, “Ayos lang sakin kung may gusto ka sakanya ang gusto ko lang ay umayos ka sa pag aaral mo, katapos ng contest, back to normal ulit kayo.”
“B-back to normal?” Nagtataka kong tanong kay kuya. Anong back to normal?
“Wag kayong magpansinan, dipa hindi ka naman nya gusto? Ayoko lang masaktan ka princess kaya kung ako lang ang masusunod dito hindi ako papayag na kay nyl ka lang mapupunta.”
Medyo nainis ako sa sinabi ni kuya, “Lang? Bakit ano ba sa tingin mo si stan kuya? Bakit nila'lang mo lang sya? Mabait sya, magalang, matalino parang ngang mas okay pa sya sakin tapos ila-lang mo lang, kuya?”
Umiling si kuya at tumayo, “Basta. Ayokong masaktan ka kaya habang maaga pa mag move on kana. Hindi ko sinasabing wag mo syang gustuhin pero wag sobra-sobra princess.” At umalis na sya katapos nyang sabihin yun.
Napatulala ako sa sinabi ni kuya medyo hindi pa nagsisink sa utak ko ang sinabi nya, move on tas wag sobra-sobra? Ano ba talagang gusto nyang parating na magmove on ako sa mga memories namin at wag ko na lang syang gustuhin ng sobra? At bakit naman ako nasasaktan? E, nasasaktan na ako.
Huminga ako ng malalim at kukunin sana ang gitara pero biglang nag vibrate ang phone ko napatingin ako dun at nag pop up ang name ni tres. Hindi ko yun pinansin at kinuha ko abg gitara. Ayokong maging rude kay tres pero wala ako sa mood ngayon baka mag away lang kami.
Kapasok ko sa classroom namin ay lutang pa rin ako, buti na lang at hindi ko nakasabay si kuya kanina dahil baka maging awkward kaming dalawa. Medyo may inis akong nararamdaman pero naiintindihan ko ang gustong iparating ni kuya sakin kaya kung may dapat man akong kainisan dito ay ang sarili ko.
Pumasok ang professor namin, binati sya ng lahat pero ako lang yata ang lutang, saktong pumasok din si stan pero tinignan ko lang sya at iniwas na ang tingin ko.
Mahal na mahal ko si stan parang hindi ko kayang wala sya sa paningin ko parang sya na ang naging dahilan ng pagpasok ko araw-araw pero tama yata si kuya sobra-sobra na ang pagkakagusto ko sakanya pero ano bang magagawa ko? Mahal ko sya. Hindi ko na iyon mababago.
Nagdiscuss lang ang professor namin at walang pumapasok sa utak ko maski isang words sa mga diniscuss nya. Hindi dapat ako maging ganito. Magagalit si kuya dahil ine-expect nya akong maging magna cum laude. Kahit mahirap kailangan kayanin.
Nagdismissed ng class si sir kaya kinuha ko ang bag ko pinasok isa isa ang mga gamit ko.
“Girl okay ka lang? Kanina kapa lutang e, parang nawawala ka sarili mo.” Tanong sakin ni rica. Alam kong narinig yun ni stan.
Tumingin ako kay stan na napahinto sa pagpasok ng gamit sa bag nya, “O-okay lang ako. Sige na una na ako may gagawin pa ako, e.” Ngumiti pa ako kahit pilit.
Napilitan silang tumango kaya nagmadali na akong lumabas ng classroom. Naglalakad lang ako habang maraming iniisip. Kaya nagulat ako ng may mabangga ako.
Napaangat ako ng tingin, “So-sorry kuya..” Paghihingi ko ng paumanhin sakanya.
Gwapo si kuya parang ngayon lang sya dito o hindi ko lang nakikita, ngumiti sya at medyo may nagtilian na babae, “It's okay miss.” Nakangiti pa rin sya.
Napilitan akong ngumiti, “Sorry but I need to go. Bye.” Hindi ko na hinintay ang sagot nya at nagmadali akong bumaba.
Habang pababa ako ay biglang may nagsalita sa speaker kaya napahinto ako, “All contestant in singing contest will be having a general practice today at 1pm in the afternoon. Thank you.”
Kung kailan umiiwas ako atsaka magkakapractice. Ano bang bago sakin? Lagi-lagi naman kaming nagpra-practice. Tinignan ko ang orasan ko. 12:56pm na. Four minutes na lang at parang ayokong makipagpractice. Wala akong magawa kundi pumasok na lang sa music room.
Habang naglalakad ako ay may humablot ng braso ko at kinorner ako kaya nanlaki ang mga mata ko. “Iniiwasan mo ba ako, aria?”
Mabilis akong umiling, “H-hindi..” Kahit ang totoo ay totoong iniiwasan ko sya.
“Hindi ako naniniwala, aria, kailangan natin ng practice, kung may galit ka sakin sana wag maapektuhan ang contest at sana mapag usapan natin...”
Hindi pa rin ako makapagsalita parang kinain ng bibig ko ang dila ko. Walang kahit anong salita ang gustong lumabas.. “Please, aria...”
Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi talaga ako makasagot wala akong alam na isagot sakanya, kita kong unti unting lumalapit ang mukha nya sakin kaya nanlaki ang mga mata ko. Hahalikan nya ba ako? Pero bakit? Sobrang lapit na mga one inch na lang nung may narinig kaming mga bakas ng paa kaya napausog sya at ngumiti sakin.
“Nandyan na sila practice na tayo.” Aniya at hinila na ako papunta sa may isang room at nagsimula na kaming magpractice ulit.
Sana ganito na lang kami palagi yung hindi nya na ako pagtatabuyan. Mahal na mahal ko sya at ayoko ng umiyak. Sana.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]