RAINBOW 01

2K 92 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Isang araw na ang nakakalipas noong nakilala ko si Charlie, ang matalik na kaibigan ni Arwin, oo nga't may mukha siya tulad ng sa isang anghel, mga mata na tulad ng sa isang inosente ngunit magpa sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang sinabing iyon sa akin ni Charlie na iwanan at layuan ko na si Arwin, kung ano ang dahilan kung bakit niya sinabi sa akin iyon ay hindi ko alam dahil sa bago ko pa man maitanong sa kanya kung bakit ay ay bumalik na si Arwin sa sala noon para tawagin kami para kumain, at simula nang sabihin din ni Charlie sa akin iyon ay hindi na ako naging komportable pa kaya naman pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kila mommy Lucy at Arwin para umuwi, nais pa ako ihatid ni Arwin noon sa aking pag-uwi pero ako na din ang tumanggi, sa halip nagdahilan ako sa kanya na asikasuhin niya na muna si Charlie, ilang kulitan din ang ginawa namin pero sa huli ay napapayag ko din siya, hanggang sa makauwi na nga ako noong araw na iyon na parang nawindang sa mga nangyari.


At ngayon nga nandito ako sa aking kwarto, nakahiga lang sa aking kama at hanggang ngayon iyong napaka iksing sandali na nag-usap kami ni Charlie ang tumatakbo sa isip ko, hanggang sa hindi na ko mapalagay at agad akong bumangon sa pagkakahiga at tumakbo sa c.r. ng aking kwarto at agad na naghilamos ng mukha upang ma-relax ako, nagpunas ako ng aking mukha at tumingin ako sa salamin at nakipagtitigan sa repleksiyon ko sa salamin.


"Everything was under your control Luke, relax, breathe in, breathe out." Ang sabi ko habang nakaharap pa din sa salamin ng c.r. sa aking kwarto, na para bang baliw akong kinakausap ang sarili kong repleksiyon, "argg, nakakabaliw na 'to, Luke nababaliw ka na naman." Ang sabi ko pa dahil di pakiramdam ko ay nate-threaten na talaga ako kay Charlie, napasabunot na lamang ako sa sarili ko sa sobrang pagkainis sa sarili ko at sa Charlie na 'yon.


Nasa gitna ako ng pagbabaliwbaliwan ko noon sa harap ng salamin sa may c.r. nang bigla kong marinig ang message tone ng cellphone ko kaya naman dal-dali ako nagtatakbo palabas ng c.r. para i-check kung sino ang nag-text sa akin, sa sobrang pagmamadali ko nga ay natisod pa ko kahit wala namang pwedeng makatisod sa akin, hindi ba parang tanga lang natitisod kahit walang makakatisod sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking unan, naupo ako sa aking kama at pagkatapos ay aking tinignan ang text message na nagmula kay Arwin.


Sender: Drop <3

Time Received: 9:00AM

Drip, nagyaya si mommy na mag SM North, gumayak ka na, kasama din natin si Charlie, na-miss din kasi ni Charlie talaga dito sa Pinas, mag-reply ka agad, pepektusan kita pag nabasa mo na 'to at di ka pa din nagre-reply.


Ang totoo ay na-excite ako noong mabasa ko ang SM North sa text ni Arwin na iyon, kasi memorable para sa akin talaga ang SM North dahil iyon ang unang mall na napuntahan namin ni Arwin ng magkasama kaya naman para sa akin kung matatala sa history ang buhay namin ni Arwin ay isang historical landmark na maituturing ang SM North, ngunit agad ding nabawi yung excitement ko na iyon nang mabasa ko ang pangalan ni Charlie, as in parang nawala na ang pagka-excite ko, kaya naman bigla akong nagdalawang isip kung sasama ba ako o hindi, at habang nag-iisip ako ay isang text message ulit ang aking na-receive.


Sender: Insan Justine

Time Received: 9:10AM

Insan may gala kami today nila Kaloy at Orly baka gusto niyong sumama ni Arwin, yayayain din namin sila Francis at ang iba pa, may bago daw kasing bukas na mall malapit sa school kaya naman gusto namin ding i-check para masulit na din ang sembreak natin, text ka agad insan kung makakasama kayo ha.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon