ARWIN'S POINT OF VIEW:
"Paano ba 'yan, basang basa na tayo, paano pa tayo makakapasok nito?" ang agad na sabi ni Luke nang bumitaw kami sa pagyakap namin sa isa't isa, tumahanan na sa kanyang pag-iyak ang duwendeng iyakin, ang totoo ay namiss ko talaga ng sobra ang duwendeng ito, alam ko hindi pa talaga kami pwedeng magbalikan pero masaya na ako na malamang hindi talaga ako kinalimutan ni Luke, masaya na akong malaman na kahit siya ay umaasa na magiging maayos muli ang lahat.
"Hindi pa din tumitila ang ulan, nakakatuwa talaga." Ang sabi ni Luke at napatingin ako sa kanya habang nakatingala siya at nakapikit ang mga mata.
"Pssh parang bata talaga." Ang bulong kong sabi ko pero hindi ko maiwasan ang hindi mangiti habang pinagmamasdan siya, at nakakatuwa lamang na isipin na muli ay ako at siya lamang ang magkasama, kaya naman nais ko nang sulitin ang pagkakataon na kami lamang at walang Charlie at Icko na nakikigulo sa amin.
"Baka naman matunaw na ako niyan." Ang nakangiting sabi ni Luke sa akin nang kanyang imulat ang mga mata niya at mahuli ako na nakatitig lamang sa kanya.
"Huh? Para ka kasing bata, iiyak tapos bigla ka naman ngayong magsasabi na nakakatuwa talaga, mas baliw ka pa yata sa akin." Ang sabi ko na pabiro sa kanya at nakita ko ang pagsibangot ng duwende kong mahal, pero sa pagkakataong iyon isang bagay ang nakalimutan ko, iyon ay ang malakas niyang pagsipa sa binti ko at huli na dahil nanunuot sa buto ang sakit ng pagsipa niya sa akin dahilan para mapaluhod ako at talaga namang todo hilot ako sa kanang binti ko na sinipa niya.
"Parang bata pala ha, ano ka ngayon." Ang sabi niya at tumalungko siya sa harap ko, kaya naman para makaganti ay mabilis kong inilapat ang mga kamay ko sa putik at agad kong ipinahid iyon sa magkabilang pisngi niya at sa gulat niya ay hindi agad siya nakagalaw, at bago pa siya makapag-react ay mabilis na akong tumayo at naghanda sa pagtakbo dahil alam kong gaganti ito.
"Arwin! Ikaw! Lagot ka talaga sa akin kapag nahuli kita." Ang sabi ni Luke sa akin bilang pagbabanta at hindi ko maiwasang matawa dahil ngayon ay ako na ang hinahabol ni Luke, alam ko ang kapasidad ni Luke sa takbuhan kaya alam ko na di ako nito mahuhuli kung gugustuhin ko pero dahil ako si Arwin at siya si Luke natural binagalan ko ang takbo ko para mahuli niya at isang malakas na hampas ko ang agad kong natanggap mula sa kanya, mga hampas na sobra kong namiss. Para maging patas kami ay hinayaan ko na siya na lagyan din ng putik ang mukha ko, alam ko din naman kasing mahuhugasan din ito lalo tuloy pa din ang buhos ng ulan, at dahil pareho na kaming basa, nagpasya na kaming lumiban na lamang sa mga klase namin para sa araw na ito, hindi man kami na maituturing pero masasabi ko na ito ang isa sa mga unang araw ng klase namin ni Luke ang talagang tatak sa alaala ko.
Patuloy pa din sa pagbuhos ang ulan, at para kaming dalawang batang masayang naglaro sa playpark na iyon, hanggang sa makaramdam ng pagkapagod si Luke at magyaya ito na magpahinga muna, halata na napagod ito dahil napakapit na ito sa aking polo kaya naman binuhat ko na siya, noong una ay pumapalag pa ang duwende pero wala na din naman siyang nagawa, dinala ko siya sa ilalim ng isang puno kung saan ay may ilang bench na nakapaikot dito, at doon ay magkatabi kaming naupo.
"Salamat ha." Ang sabi ni Luke sa akin, tumingin ako sa kanya at nakangiti siyang nakatitig sa akin.
"Saan ka naman nagpapasalamat?" ang tanong ko naman sa kanya, at iniwas niya ang tingin niya sa akin, inilapag niya ang bag niya na basang basa na sa katabing bench na ginawa ko din naman.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...