LUKE'S POINT OF VIEW:
Ilang araw na ang lumipas simula nang gabing iyon, hindi pa din ako lubos na makapaniwala na ngayon ay talagang wala na kami ni Arwin, para akong tanga di ba? Ako itong nagpupumilit na maghiwalay na kami, na tapusin na ang lahat sa amin dahil sa pakikipagpustahan ko kay Charlie ako pa itong hindi makapaniwala, siguro kaya ganito ang nararamdaman ko ay dahil sa nakukunsensiya lang din ako dahil sa hindi totoo ang dahilan na sinabi ko sa kanya, siguro dahil sa alam ko din sa sarili ko na ayoko talagang gawin ito kung ako lang ang masusunod.
Nakahiga ako noon sa may sofa sa sala habang yakap ko ang isang cushion at nakatingin lang sa telebisyon na hindi ko na nga alam ang palabas dahil sa totoo lamang ay hindi ko naman ito iniitindi, dahil wala sa palabas ang aking atensiyon, nakawala lamang ako sa pagkalutang ko nang makarinig ako ng ilang malakas na pagtawag sa pangalan ko, nang makilala ko kung kaninong boses ang tumatawag sa akin ay dali-dali akong bumangon sa aking pagkakahiga at agad na lumabas ng bahay at sa paglabas ko ng bahay ay agad kong nakita sa labas ng gate namin si Icko na agad akong sinalubong ng ngiti habang hawak niya si Wrain.
"Oh Icko ikaw pala." Ang sabi ko habang palapit ako, at nang makalapit ako ay aking binuksan ang gate.
"Pasensiya na kung nakaistorbo ako ha, pero nag-alala na kasi sila papa at mama dahil di ka na bumalik sa shop." Ang sabi ni Icko bilang tugon, "kaya naman heto pinadala ni Papa sa akin itong si Wrain." Ang dagdag na nakangiting sabi ni Icko.
"Ay oo nga pala, naku pasensiya na nakalimutan ko na siyang mabalikan." Ang sabi ko at maingat na ibinigay sa akin ni Icko si Wrain, "pasensiya na talaga ha, naabala ka pa tuloy." Ang dagdag kong sabi.
"Wala 'yon, basta para sa'yo willing ako na tumulong at gawin ang lahat." Ang sabi ni Icko sa akin.
"Salamat." Ang medyo nahiya ko namang sabi, at nang tignan ko ay napansin ko ang collar na suot ni Wrain, "wow, ang cute naman nito." Ang sabi ko dahil sa ang cute naman talaga ng asul at berde na kulay ng collar at ang gold colored na dog tag na hugis paw print ng isang aso, at sa gitna nito ay nakasulat ang pangalan ni Wrain.
"Masaya akong malaman na nagustuhan mo 'yang collar na ginawa ko para sa kanya." Ang sabi ni Icko sa akin at napatingin ako sa kanya na hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Talaga? Ikaw ang gumawa nito?" ang tanong ko sa kanya.
"Oo, tinuruan kasi ako ni papa kung paano gumawa ng dog tag, mahilig talaga kasi si papa sa mga hayop kaya naman gusto niya na maging mahilig ako sa mga 'to at gusto din niya na maging pamilyar ako sa ilang mga bagay bagay na related sa pag-aalaga ng hayop at mga gawain tulad ng paggawa ng dog tag." Ang sabi ni Icko.
"Wow! Ang galing mo naman, alam mo sa tingin ko magiging masuwerte ang taong mamahalin mo." Ang sabi ko naman bilang pagpuri at paghanga kay Icko.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" ang tanong ni Icko sa akin na parang bigla siyang nahiya ng bahagya.
"Eh kasi naman sabi nila pa gang isang tao daw ay mapagmahal sa hayop mas mapagmahal ito pagdating sa hayop, tiyaka bukod don nakikita ko naman talaga sa'yo na maalaga ka sa mga tao, dagdag mo pa na lumaki ka sa isang masayang pamilya kaya wala nang mahihiling pa ang mamahalin mong tao." Ang sabi ko bilang sagot sa tanong niya, at napakamot na lamang at napangiti si Icko dahil doon, pakiramdam ko ay nahiya siya sa sinabi kong iyon at kahit ako din ay nakaramdam ng kaunting pagkahiya dahil sa para bang napasobra yata ang pagpuri ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...