ARWIN'S POINT OF VIEW:
"Oh Win ikaw na ang bahala dito kay Charlie ha. Mag-ingat kayo sa paggagala niyo ha." Ang sabi ni tita Margo bilang pagpapaalala sa amin ni Charlie, nakatayo na kami noon ni Charlie sa labas ng gate, tulad nga nang pinakiusap ko kasi kay tita Margo noong dumalaw ako ay isasama ko si Charlie na gumala.
"Ano ka ba tita hindi mo naman kailangan pang ibilin ako kay Win, pakiramdam ko tuloy ikaw si mommy na lagi na lang akong bini-baby." Ang sabi ni Charlie na parang naiilang sa paglalambing na iyon ni tita Margo.
"Ano ka ba, ayos lang 'yon 'no, akong bahala sa'yo." Ang sabi ko naman sabay akbay kay Charlie, "tita don't worry ako na pong bahala dito kay Charlie, wala kayong dapat na ipag-alala, tatawagan ko po kayo kung may mangyari man na hindi ayos pero siguradong wala pong mangyayari na ganoon." Ang sabi ko naman bilang paninigurado.
"Aasahan ko 'yan Win." Ang sabi ni tita Margo sa akin, at isang ngiti at tango naman ang aking itinugon.
Pagkatapos namin na magpaalam ni Charlie ng maayos kay tita ay agad na kaming umalis ni Charlie, nanatili akong nakaakbay sa kanya bagay na dati ko na noong ginagawa sa kanya noong mga bata pa kami, ilang sandali pa ay naramdaman ko na din ang pag-akbay niya sa akin, pareho kami na tila ba nagbalik sa panahon noong kami ay mga bata, sa panahon na tanging isang kapatid at matalik na magkaibigan ang tingin ko sa kanya at ganoon din siya sa akin.
"Siya nga pala saan mo ba balak na pumunta? Alam mo naman na marami na ding nagbago dito sa lugar natin." Ang sabi ni Charlie bilang pag-uusisa kung saan nga ba kami pupunta, nadidinig ko naman si Charlie pero para bang wala pa din akong naintindihan sa kanyang sinabi, "uy Win, kasama ba kita talaga ngayon?" ang tanong ni Charlie sa akin nang hindi ko siya sagutin.
"Ah oo naman 'no, nandito ako, sino pa ba ang kasama mo? Alam mo ikaw nasasaktan na ko sa'yo ah, gumaganti ka ba sa akin? Noong isang araw ka pa parang may hinahanap na iba." Ang sabi ko bilang tugon para maiba agad ang usapan namin at hindi niya na ako usisain pa sa hindi ko pagsagot agad sa kanya.
"Asus, style mo talaga, tamputampuhan para ibahin ang usapan, tsk, tsk, tsk." Ang sabi ni Charlie na nahalata pala ang nais kong mangyari.
"Oy hindi kaya ako nagtatamputampuhan, totoo talagang napapaisip ako kung sino ang hinihintay mo na dumating bukod sa akin." Ang sabi ko para subukan na lumusot.
"Ewan ko sa'yo, para namang may hihintayin pa ako na iba bukod sa'yo, ikaw nga lang ang binalikan ko dito, kaso..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Charlie dahil sa sumingit ako bigla sa pagsasalita niya.
"Oo na wala ka nang hinihintay, naniniwala na ako." ang sabi ko bilang pagsingit, at napangiti at iling na lamang siya sa ginawa kong iyon.
"Oh eh saan na nga tayo pupunta?" ang tanong ni Charlie sa akin at huminto ako sa paglalakad, dahilan upang mapahinto din siya dahil nga sa magkaakbay lamang kami, "oh bakit napahinto ka pa diyan?" ang tanong niya sa akin sabay tingin sa akin.
"Uhm, Charlie..." ang pagsambit ko sa pangalan niya pero hindi ko siya tinitignan, noong mga sandaling iyon gusto ko magtanong sa kanya, gusto kong maglabas ng hinanaing at sama ng loob, pero para bang dila ko na mismo ang pumipigil sa akin na gawin iyon.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...