CHARLIE'S POINT OF VIEW:
Nang maihatid ko na si tita Lucy sa bahay ay agad na din akong nagpaalam kay tita Lucy para umuwi na din ako, tiyak din kasing hinihintay na din ako ni tita Margo na makauwi, bukod sa siya na lang ang natitirang kamag-anak ko dito sa Pilipinas ay siya din ang halos tumatayo na ikalawa ko nang ina dahil bukod sa magkapatid sila ni mommy ay talaga namang malapit din ako kay tita Margo.
"Sigurado ka ba ijo na hindi mo na hihintayin na makauwi pa si Win?" ang tanong ni tita Lucy sa akin nang makapagpaalam na ako sa kanya, umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Hindi na po tita, baka nag-aalala na din sa akin si tita Margo, medyo over acting pa naman 'yon mag-alala." Ang sabi ko na pabiro at nangiti naman si tita Lucy nang sabihin koi yon, "tsaka bukod po doon ay magkikita pa din naman kami tiyak ni Win." Ang dagdag kong sabi.
"Eh kung hindi na talaga kita mapipigil pa eh mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo ha." Ang sabi ni tita Lucy at ngumiti ako sa kanya bilang paunang tugon.
"Oo naman po tita, ako pa po, alam niyo namang para akong si Win, strong din." Ang sabi ko at nag-flex pa ako para mapakita ko na macho ako kahit hindi naman, at pagkatapos noon ay umalis na nga ako upang umuwi na din.
Habang naglalakad ako pauwi ay muli kong naalala ang tagpo namin ni Luke sa banyo ng sinehan sa mall na pinuntahan namin, hindi ko akalain na hindi ko siya masisindak, naramdaman ko noong sandaling iyon kung gaano niya kamahal si Arwin pero magkagayon man ay alam ko sa sarili ko na katulad niya ay mahal ko din si Arwin, at sa tingin ko ay mas nararapat siya sa akin dahil simula pa lang nang maging malapit kami ni Arwin ay higit na sa kaibigan ang tingin ko sa kanya, kaya naman nang umalis kami para tumira na sa Estados Unidos ay labis ko iyong kinalungkot dahil ni hindi ko man lang siya nakausap para makapagpaalam at maamin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, noon akala ko makakalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya, pero habang tumatagal at mas nagkakaisip ako sa Estados Unidos ay mas tumitindi ang pagnanais ko na makasama muli si Arwin, at ngayong nakabalik na ako kahit na may nauna sa akin sa puso niya ay alam ko na may puwang ako sa puso ni Arwin kaya naman tiwala din ako na makukuha ko siya kay Luke, tiwala din ako na ako ang pipiliin ni Arwin bukas dahil isang plano na ang nakahanda para bukas, isang plano na natitiyak ko na hinding hindi ako magagawang iwan ni Arwin.
Sa aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng gate ng bahay ni tita Margo, agad akong nag-doorbell, pagkatapos ng ikatlong doorbell ay bumukas na ang gate at bumungad agad si tita Margo na di mo alam kung natutuwa ba na makita akong nakauwi o sesermonan ako dahil sa pag-aalala niya.
"Mister Charlie Rex T. Guanzon, maaari bang malaman kung bakit ngayon ka lang nakauwi aber?" ang bungad na tanong ni tita Margo sa akin na halatang sobrang nag-aalala sa akin talaga dahil sa pagtawag niya sa akin sa buong pangalan ko, bukod doon ay nakapamaywang na din ito habang nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko.
"Si tita oh, wag ka na nga mag-worry sa akin, alam mo naman na kasama ko sila Win kaya naman di ka na dapat mag-alala pa sa akin." Ang sabi ko at niyakap ko siya bilang paglalambing sa kanya, alam ko kasi na di niya na ako matitiis sa oras na maglambing na ako sa kanya at yakapin ko siya.
"Ay sus, ikaw talagang bat aka, kung di lang talaga kita paborito at kung di lang anak tingin ko sa'yo, naku tiyak sangkatutak na sermon na ang inabot mo sa akin." Ang sabi ni tita Margo na tulad nga ng aking inaasahan ay agad kong napakalma.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...