RAINBOW 34

1.4K 71 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Pagkauwi ko ng bahay nang matapos na ang lahat ng klase ko para sa araw ng Huwebes ay inasikaso ko na lahat ng aking gamit na dadalhin sa aking pag-alis, habang nag-aayos na ako ng aking mga gamit na dadalhin ay aking binuksan ang isa sa maituturing kong special drawer sa kwarto kong iyon, ang drawer kasi na iyon ay naglalaman lahat ng munti ngunit may sentimental at napakahahalagang bagay na naging bahagi ng pagmamahalan namin ni Arwin. Aking inilabas lahat ng laman nito at ipinatong koi to sa aking kama, matagal ko itong tinitigan at pinag-iisipan ko kung ibabaon ko ba ito sa aking pag-alis o akin na lamang din itong ibabaon sa hardin kasama ng mga alaala namin ni Arwin, hanggang sa mapatingin ako sa teddy bear na ibinigay sa akin ni Arwin noon bilang regalo na nakalagay sa isang upuan sa isang sulok, simula kasi ng magkalabuan na kami ay hindi ko na din ito tinatabi sa aking pagtulog kaya, lumapit ako dito at kinuha ko ito at agad ko itong niyakap at aking iniisip na si Arwin ang aking yakap sa mga sandaling iyon.


"Sorry kung naisip ko na itapon ang lahat ng alaala natin, pero huwag kang mag-alala pa dahil babaunin ko ang lahat ng ito sa aking pag-alis, dahil gusto kong maramdaman pa din ang pagmamahal mo, gusto kong mabalikan ang lahat ng panahon na pinagsamahan natin, malungkot man o masaya." Ang aking sabi habang yakap pa din ang teddy bear, at may pumatak na luha mula sa aking mga mata na agad ko ding pinunasan at agad na akong nagpasya na bumalik sa pag-aayos bago pa ako tuluyang magdrama.


Kumuha ako ng isang kahon na maaari kong paglagyan ng mga espesyal na gamit na iyon, doon ay maingat kong iniligay ang lahat, magmula sa special band-aid hanggang sa mga talulot ng bulaklak na ginagamit niya noon sa mga pakulo niya na inipon ko at itinabi. Sa isang malaking maleta kasama ng ilan ko pang paboritong damit koi to inilagay. Nang matapos na akong makapag-ayos ay maingat ko nang itinabi sa isang sulok ang aking mga gamit, tumayo ako sa harapan ng mga ito at pinagmasdan ko, kinuha ko ang teddy bear na balak ko ding isama sa aking pag-alis at inilagay ito sa ibabaw ng mga maleta, pinagmasdan ko ang mga maleta ko at kasabay noon ay ang aking paghinga ng malalim. Napatingala ako dahil naramdaman ko ang mga luha na gusting kumawala sa aking mga mata.


"Huwag ka nang iiyak Luke, tama na ha, tama na ang pagdadrama dapat masaya ka na, dalawang araw na lang ang natitira bago ka umalis kaya tama na ang drama ha." Ang aking sabi sa aking sarili, at kinakagat ko na ang aking labi para lamang pigilan ang pagbuhos ng aking emosyon, at nang humupa na ang aking nararamdamang lungkot ay muli kong kinuha ang teddy bear at niyakap koi to, sinama koi to sa aking paghiga sa aking kama habang pinakikinggan ko ang katahimikan ng kwarto kong ito na siyang naging saksi din sa pagmamahalan namin ni Arwin. Nanatili akong ganoon sa mahabang oras hanggang sa maramdaman ko na ang unti-unting pagsara ng aking mga mata at tuluyan ng mahimbing na makatulog.


"Kamusta ka na?" ang tanong sa akin ni Arwin, sa gulat ko na makita ko siya ay walang salita ang nais na lumabas sa aking bibig sa halip ay napahakbang ako ng paatras.


"Teka, a-anong ginagawa mo dito ha? Hindi ba sabi ko sayo ay palayain na natin ang isa't isa?" ang sabi ko sa kanya at hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, dahil alam ko sa sarili ko at sa puso ko na masaya ako nang mga sandaling iyon na makita siya.


"Bakit? Wala naman akong natatandaan na sinabi ko na tutuparin ko ang hiling mo sa akin na 'yon ah." Ang kanyang tugon sa akin sabay ngisi, muli akong humakbang paatras kasabay ng paghakbang niya palapit sa akin, hanggang sa maramdaman ko na nakasandal na ako noon sa isang pader. "Luke ilalaban kita, ilalaban ko pa din ang pagmamahalan natin, kaya huwag kang bibitiw, huwag kang susuko." Ang sabi ni Arwin na may paglalambing ang tono at kanya akong ikinulong sa mga bisig niya.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon