ARWIN'S POINT OF VIEW:
Hindi ko alam kung anong nangyari o kung ano ang napag-usapan nila Charlie at Luke noong oras na maiwan namin sila ni mommy sa sala ng bahay namin, pero ang alam ko lang kapansin-pansin kay Luke ang bigla nitong pagkawala sa mood, alam koi yon dahil sa bigla nitong pagkagusto na umuwi, alam ko din kasi na nagdadahilan lamang siya noon at wala talaga siyang mahalagang aasikasuhin, kabisadong kabisado ko na si Luke, hindi ko din naman maaalis kay Luke ang magtampo dahil alam ko na ni minsan ay di ko nabanggit sa kanya si Charlie, pero paano ko naman ikukwento ang isang tao sa buhay ko na di ko akalaing babalik pa.
Ngayong araw pupunta kami ni mommy sa SM North EDSA, niyaya ko na sumama si Luke pero tumanggi naman siya dahil sa nakapangako na daw siya na sasama sa mga barkada namin, hindi ko tuloy maiwasan na mawala sa mood, sa totoo lang gutso ko nang sabihin kay mommy na huwag na lang kami tumuloy sa SM North pero ayoko naman na sayangin ang paghahanda na ginawa ni mommy para sa lakad na iyon, minsan na nga lang magyaya si mommy tatanggihan ko pa kaya naman nang dumating na si Charlie sa bahay ay agad na din ako nagyaya na lumakad na kami.
Nasa terminal na kami ng bus noon, naghihintay kami ng bus na ang biyahe ay dadaan sa SM North, magkatabi kami ni Charlie noon sa upuan para sa mga naghihintay na pasahero habang si mommy naman ay bumibili ng makakain namin habang naghihintay, tahimik lang ako, hindi ko kinikibo si Charlie dahil sa nga wala talaga ako sa mood ay ayoko na masabi ko ang mga bagay na maaaring makasira para sa lakad naming iyon, kilala ko din kasing sensitibo itong si Charlie, at bukod doon iniisip ko din kung ano na kaya ang ginagawa ni Luke, kung ayos lang ba siya, o kung masaya ba siya sa mga oras na iyon kasama ang barkada.
"Ayos ka lang Win?" ang tanong sa akin ni Charlie, at tumingin ako sa kanya at tumango na lang bilang tugon sa kanya, "siguradong ayos ka lang? Sa tahimik mong 'yan hindi ko masiguro kung ayos ka lang talaga." Ang dagdag na sabi ni Charlie na halatang hindi naniniwalang ayos lang ako.
"Ayo slang nga ako, 'wag ka ngang makulit." Ang sabi ko na medyo may pagkamasungit.
"Oh akala ko ba ayos ka lang? Bakit ang sungit mo bigla, tinotoyo ka na naman." Ang sabi ni Charlie na tila hindi alintana ang pagsusungit ko.
"Ayos nga lang kasi ako, pangit lang talaga ang gising ko kaya ganito ako, kaya 'wag mo muna akong kausapin." Ang sabi ko naman bilang pagsusungit kay Charlie, ayoko man na sungitan si Charlie ay wala akong magawa dahil nga wala talaga ako sa mood at hindi ako sanay magtago ng nararamdaman ko pag-inis ako, at isang tao lang naman makakapagpakalma sa akin, yung tao na 'yon wala pa sa tabi ko ngayon, si Luke.
"Hindi ka pa din nagbago, toyoin." Ang sabi ni Charlie, at hindi ko na lang ito pinansin at tinugon sa halip ay tumingin na lang ako sa mga paparating na bus at isang biyahe na dadaan sa SM North na ang nakita kong paparating, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakabalik na si mommy dala ang mga pagkain namin.
"Oh anong problema dito? Hindi niyo naman sinabi sa akin na may novena pala kayo dito." Ang sabi ni mommy na pabiro nang mapansin ang pananahimik namin ni Charlie.
"Tinotoyo na naman kasi tita iyang si Win, tinatanong ko naman kung bakit ayaw naman akong sagutin ng matino." Ang sabi ni Charlie na para bang isang bata na nagsusumbong kay mommy.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Jugendliteratur[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...