RAINBOW 35

1.2K 65 2
                                        

CHARLIE'S POINT OF VIEW:


Sumapit ang araw ng Sabado, ang huling araw kung saan ako magpapasya sa kung sino ba kila tita Margo at Arwin ang pipiliin ko, habang mag-isa ako sa aking kwarto ay hindi ko naiwasang mapaisip na totoo ang karma, hindi ko talaga inaasahan na mangyayari sa akin ang ginawa ko kila Luke at Arwin, ang papiliin sila, habang nag-iisip ako ay isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Sa buong araw ay hindi pa ako binibisita ni tita Margo, at tanging mga nurse lang ang nag-asikaso sa akin noon, doon ko naramdaman ang pangungulila sa aking tita, nangulila ako sa kanyang pag-aaruga at pagmamahal na walang katumbas, at noong mga sandaling iyon napangiti ako sa aking sarili dahil sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang aking pipiliin, kaya naman hinintay ko ang pagsapit ng gabi dahil alam ko na sa gabing iyon ay darating si tita Margo upang alamin kung ano ang aking naging pasya.


Sumapit ang gabi at wala pa din si tita Margo, naiinip man ako sa paghihintay kay tita ay di koi yon ininda, pinagmasdan ko ang wallclock sa silid na iyon, pasado alas-otso na, hanggang sa makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng aking silid, at kasunod noon ay ang boses ni tita Margo na inaalam kung gising pa ako.


"Tumuloy ka tita, gising pa ako." ang aking tugon, at agad na bumukas ang pinto at aking nakita si tita Margo na seryoso ang ekspresyon, marahil ay hindi pa din niya nasisiguro kung ano nga ba ang aking magiging pasya.


Lumapit si tita sa akin at kumuha ito ng isang upuan na inilagay nila malapit sa aking kama. "Kamusta na ang pakiramdam mo, wala bang nangyari sayo sa buong araw na wala ako?" ang kanyang tanong sa akin na nakatingin sa aking mga mata. Binigyan ko si tita ng isang ngiti at kasabay noon ay ang aking pag-iling na siyang aking tugon sa kanyang tanong sa akin.


"Mabuti naman pala kung ganoon." Ang maiksing tugon ni tita Margo sa akin. Sandaling naging tahimik ang silid na iyon, at para bang nagpapakiramdaman pa kami ni tita sa kung sino ang magsasalita sa amin, pero nagpasya ako na ako na ang bumasag ng katahimikang iyon.


"Tita Margo..." ang aking pagtawag sa kanya.


"Bakit Charlie?" ang tanong niya sa akin na para bang hindi niya pa alam ang dahilan.


"Tungkol sa sinabi mo sa akin noong nakaraan, tungkol sa pagpapapili mo sa akin." Ang sabi ko bilang panimula at pinagmasdan ko ang kanyang mukha kung ano ang magiging reaksiyon niya pero wala akong nakitang reaksiyon ng lungkot o ano pa man.


"Wala pang hating gabo pero nakapagpasya ka na? Mukhang napakadali pala sayo ang magpasya." Ang malamig na pagkakasabi ni tita na para bang dinudurog ang puso ko sa tuwing nararamdaman ko ang ganong pakikitungo niya sa akin.


"Tita Margo, I am sorry, alam ko nadismaya ka sa ginawa ko, alam ko na nagalit ka sa ginawa ko, alam ko tita Margo na nasaktan kita at nabigo kita dahil sa ako na pamangkin mo at halos itinuturing na anak na ay nagawa pang gawin yung kung anong ginawa sayo ng lalaking minahal mo noon. Sorry tita, I am really sorry for causing you so much pain, and I realized all of the wrong things na nagawa ko. Nabulagan ako sa pagmamahal k okay Arwin na all along ay inakala kong tama lahat ng ginagawa ko, I am sorry tita, sorry talaga." Ang aking sabi bilang paghingi ng tawad kay tita Margo. "Kaya naman nakapagpasya na ako sa kung sino ba talaga ang pipiliin ko." Ang dugtong kong sabi at nakita ko sa kanyang mga mata na nakuha ko ang kanyang atensiyon at hinihintay niya ang aking susunod pang sasabihin.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon