ARWIN'S POINT OF VIEW:
Umaalingawngaw sa isip ko ang mga huling salita na sinabi sa akin ni Luke, hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapikit noon, basta ang alam ko ay lumagpas na ako sa bilang ng dalawpu't lima, nanatili akong nakapikit at lumuluha, tila ba ayoko nang buksan ang aking mga mata dahil alam ko na sa pagbukas ko sa mga ito ay wala na sa harap ko ang taong nais kong makita, ang taong tanging nakikita nito at hinahanap nito. Agad kong tinakpan ng isang kamay ko ang aking mga matang nakapikit na patuloy pa din sa pagluha, di ko na alintana kung may nakatingin man sa akin noon dahil wala naman silang kinalaman sa akin at bukod doon ay hindi nila alam ang sakit at kalungkutan na pinagdaraanan ko, na pinagdaraanan namin ni Luke.
Nang mahimasmasan ako ay kinuskos ko ang aking mga mata upang punasan ang aking luha, sa aking pagdilat ay hindi ko pa din naiwasan ang malungkot dahil tama nga ang iniisip ko, wala na nga si Luke, napahinga ako ng malalim para lang hindi muli maging madrama, binuksan ko ang kamay ko na nakatikom at sa pagbukas ko nito ay nakita ko ang kwintas na ibinigay at isinuot ko sa kanya nang maging opisyal na maging kami, muling nanariwa sa akin ang lahat ng alaala namin habang nakatitig lamang ako sa kwintas na aking hawak.
"Hanggang dito na nga lang ba talaga tayo Drip? Magiging alaala na lang ba talaga natin ang bawat isa." Ang pabulong kong sabi at kasabay noon ay aking muling itinikom ang aking kamay na may hawak sa kwintas at akin itong hinagkan ng aking mga labi.
Ilang sandali pa ang tinagal ko noon sa fastfood restaurant na iyon, hanggang sa kahit paano ay makabawi na ako ng lakas, agad akong tumayo sa aking pagkakaupo at mabili na umalis sa lugar na iyon, sa paglabas ko ay halos blangko na ang aking isip at tanging ang pangalan na lamang ni Luke ang paulit-ulit nitong iniisip, sa bawat paghakbang ko ay iginagala ko ang aking paningin, umaasa na makikita ko siya, umaasa na nagbago ang isip niya at hilingin niya na tumakas na lang kami sa lahat ng ito, pero hanggang sa makarating ako sa labas ng mall ay hindi ko na siya nakita, malakas ang buhos ng ulan nang mga sandaling iyon para bang nakikidalamhati ang langit sa amin.
Madilim na nang makarating ako sa lugar namin, bago ako dumiretso sa aming bahay ay dumaan ako sa bahay ni Luke, umaasa ako na makikita ko siya kahit na sandali lang, pero sa aking pagdating sa bahay nito ay nakita kong nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa ilaw sa labas ng bahay nito, nais ko siyang pasukin sa bahay dahil di pa din naman niya kinukuha sa akin ang duplicate ng susi na binigay niya sa akin pero alam ko na ipagtatabuyan lang ako nito sa oras na gawin ko iyon kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at aking pinagmasdan ang bahay na iyon, tinanaw ko ang bintana sa ikalawang palapag kung saan makikita ang kwarto ni Luke.
"Arwin, ikaw bay an?" ang patanong na sabi ng isang pamilyar na boses kaya naman agad kong nilingon ang direksiyon na pinagmulan nito at nakita ko ang dalawang pamilyar na mukha na magkasukob pa sa iisang payong, si Vincent ang siyang nagsalita at kasama nito ang pinsan niyang si John na siyang may hawak ng payong.
"Ikaw nga, grabe hindi ko akalain na makikita kita, madalas kasi puro si Luke lang nakikita namin." Ang sabi pa nito na para bang sobrang saya na makita ako.
"Kayo pala." Ang halos matamlay kong tugon at ngumiti ako ng pilit sa kanila.
"Ay grabe siya oh, parang wala man lang saya nang makita mo kami. Don't tell me masama pa din loob mo sa amin, F.Y.I. lang ha, nagbago na kaming magpinsan kaya no need to worry na manggugulo kami sa love life niyo." Ang sabi naman ni John na hindi ko naman sinasadya na ma-offend sa naging matamlay kong tugon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...