LUKE'S POINT OF VIEW:
"Kamusta na, matagal din tayong hindi nagkita Luke." Ang pambungad na pagbati sa akin ni Vincent na nakangiti pa, na para bang masayang masaya siya na makita akong muli, pero sa halip na tumugon ako sa kanyang pagbati ay katahimikan at pagtingin lamang sa kanya ang aking tanging nagawa.
"Ah Luke, 'wag kang mag-alala, walang balak na di maganda si Vincent, ang totoo ay kasama ko siya, o mas dapat kong sabihin na sumama siya sa akin dahil gusto daw niya na humingi ng tawad sa'yo ng personal sa lahat ng panggugulo na ginawa niya noon sa inyo ni Arwin." Ang sabi ni John sa akin na nakangiti at nakita ko naman sa mga mata ni John na hindi ito nagsisinungaling sa sinabi niyang iyon.
"Tama siya Luke, kung iniisip mo na magiging kontrabida na naman ako sa love life mo, alisin mo na 'yan sa isip mo, tiyaka ang saya na kaya ng love life ko sa Pangasinan, pero naramdaman ko kasi na di ako magiging masaya kung hindi ko magagawang makahingi sa'yo ng tawad." Ang sabi ni Vincent na nakangiti at ang mga mata nito ay nagpapakita na seryoso siya sa mga binitiwan niyang salita.
"Kung ganoon hinanap at sinadya niyo pa talaga ako na puntahan dito para humingi ng tawad?" ang tanong ko sa kanila, at nagkatinginan sila Vincent at John at parehas na nakangiti ng nakakaloko. "Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?" ang pagtataka kong tanong sa kanila.
"Paano naman grabe ka naman sa amin, gusto mo talaga na hanapin ka namin? Nagkataon lang talaga na magkita tayo dito dahil nagutom din kami, ang totoo ay bukas ka pa talaga balak harapin ni Vincent pero mukhang tadhana na ang nagtulak sa atin para magkita kayo nitong si Vincent." Ang sabi ni John bilang tugon.
"Kaya naman humihingi talaga ako ng tawad sa lahat ng sakit ng ulo at sakit ng katawan na naidulot ko sa inyo ni Arwin." Ang sabi ni Vincent sa akin bilang sinsero na paghingi ng tawad, napangiti ako at nakahinga ng maluwag nang malaman ko na hindi naman pala masamang hangin ang nagdala kay Vincent, nakahinga ako ng maluwag dahil nalaman ko na hindi na madadagdagan pa ang sakit ng aking ulo.
"Wala na 'yon, matuto na lang siguro tayo sa lahat ng lessons na itinuro ng mga nangyari noon sa pagitan natin, kahit ako din naman ay mga pagkakamali na nagawa, nasaktan din kita ng pisikal kaya naman humihingi din ako ng dispensa sa mga nagawa ko sa'yo noon." Ang sabi ko naman bilang pagtugon at pagpapakumbaba na din, at isang maaliwalas na ngiti ang ibinigay namin sa isa't isa.
"Siya nga pala parang may kulang." Ang biglang sabi ni John, at napatingin kami ni Vincent kay John na para bang may hinahanap.
"Sino bang hinahanap mo diyan?" ang tanong ni Vincent kay John, at ilang sandali pa ay napagtanto ko na kung sino ang hinahanap ni John ngunit nanatili lang akong tahimik, nagpanggap ako na walang alam sa kung sino mang hinahanap nito.
"Hinahanap ko 'yung buntot nitong si Luke, alam mo na si Arwin, ang dahilan bakit tayong tatlo ay nagkaroon ng digmaan." Ang sabi ni John na pabiro at ibinaling sa akin ni Vincent ang tingin niya.
"Oo nga Luke, bakit wala si Arwin, wala akong matandaan na gumagala ka nang wala si Arwin." Ang sabi ni Vincent na puno ng pagtataka.
"At bukod don ay sa sobrang pagka-protective ni Arwin ay hinding hindi ka hahayaan na hindi man lang tinatawagan o tine-text pero sa mga sandaling nag-uusap tayo dito, hindi ko man lang nakitang kinuha mo sa bulsa mo ang cellphone mo." Ang sabi ni John bilang pagdadagdag ng facts na para bang alam na alam na nila ang galawan namin ni Arwin.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...