LUKE'S POINT OF VIEW:
Nakatayo kami noon ni Arwin sa tulay habang pinagmamasdan namin pareho ang mga asul na lobo na aming pinakawalan habang dahan-dahan ang mga ito na pumapaimbulog sa asul na asul ding langit, nakaakbay sa akin noon si Arwin, pakiramdam ko wala nang katapusan pa ang masasayang sandali na iyon, sino nga naman ba ang magnanais pa na matapos ang ganoong kasaya at katamis na sandali di ba?
"Drip..." ang hindi ko na natuloy pang sabihin dahil sa kasabay din nang pagsasalita kong iyon ay isang boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ni Arwin at sabay kaming napatingin sa direksiyon kung saan nagmula ang boses na tumawag sa pangalan ni Drop, at isang lalaki ang aming nakita, nakangiti ito sa amin, pero sa tingin ko ay hindi talaga ako kasama sa nginingitian niya, si Arwin lang talaga.
"Charlie?" ang sabi ni Arwin na may pagkabigla sa tono nang sabihin niya ang pangalan ng lalaking iyon, sa tingin ko'y hindi niya rin inaasahan na makita ang lalaki na ito, kung sino man itong Charlie na ito ay ang masasabi ko lang ay hindi ko naiwasan na hindi makaramdam ng selos, oo, hindi ko man gustuhin na makaramdam ng ganito ay nagseselos talaga ako.
Mabilis na lumakad papalapit sa amin si Charlie, suot ang isang ngiti na masasabing nagagalak siya na makita niya si Arwin, pero kung ano ang papel niya sa buhay ni Arwin at kung sino ba talaga siya para kay Arwin ay hindi ko pa rin alam noong mga sandaling iyon, dahil ni minsan ay hindi naikwento sa akin ni Arwin ang ano mang tungkol sa Charlie na ito, kaya naman noong mga sandaling iyon pakiramdam ko na marami pa akong dapat na malaman kay Arwin mga bagay na dapat kong inaalam bilang partner niya.
"Charlie, anong? Ibig kong sabihin bakit nandito ka?" ang tanong ni Arwin kay Charlie na tila di pa din makapaniwala na nasa kanyang harapan itong Charlie na di ko pa din kilala kung sino, noong mga sandaling iyon gusto ko nang magsalita at mag-usisa sa kung anong relasyon nila ni Arwin, na kung may namagitan ba sa kanila dati, kung may sino ba siya, kung bakit sa tinagal tagal ay ngayon lang siya sumulpot, at kung bakit sa dinami rami ng panahon na susulpot siya ay ngayon pa talagang nagmo-moment kami ni Arwin.
"Ano ba naman yan, ganyan ba talaga tanong mo sa akin? Para namang hindi ka masaya na makita ako ah, nakakatampo naman, excited pa naman ako na makita ka tapos ganyan tanong mo sa akin." Ang sabi ni Charlie na kung pagbabasehan ang sinabi niya ay para bang napakatagal na talaga nilang magkakilala at sobrang lalim na din ng kanilang pinagsamahan, mas matagal pa sa amin, mas malalim pa siguro sa amin.
"Hindi naman, nagulat lang naman ako kasi naman bigla kang nawala tapos ngayon bigla ka ding susulpot, sabihin mo pinaglihi ka ba sa kabute? Tiyaka nagtatampo din ako sayo dahil nga bigla ka na lang aalis ng di nagpapaalam tapos ngayon babalik ka na para bang ayos lang ang lahat sa atin." ang sabi ni Arwin na pabiro, at nakita ko sa mata ni Arwin kung gaano din siya talaga kasaya na makita itong si Charlie kahit na pinapakita niya na nagtatampo siya dito.
"Ay sus, para ka pa ding bata, ni hindi nagbago yang toyoin mong ugali, kaya nga ako bumalik para ayusin natin yung dapat nating ayusin, tiyaka gusto ko din ipaliwanag sayo ang dahilan kung bakit ako hindi nagpaalam sayo noong umalis ako at kung bakit bigla na lang ako umalis noon." Ang sabi ni Charlie at ngumiti siya kay Arwin na para bang alam niya na hindi siya masusungitan ni Arwin.
"Hay naku, kung hindi ka lang talaga mahalaga sa akin kanina pa kita sinapak sa sobrang tagal mong nawala akala ko di ka na magpapakita, sige na ayos na ang lahat, di ko naman talaga kailangan ng paliwanag binibiro lang kita kahit kailan talaga ang seryoso mo pa din." Ang sabi ni Arwin bilang tugon at gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Arwin at ganoon din sa labi ni Charlie, at idagdag mo pa ang masaya nilang pagtititigan na halos pakiramdam ko ay hindi na ko nakikita talaga ng dalawang ito.

BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...