ARWIN'S POINT OF VIEW:
"Hoy ikaw sandali lang." ang pagtawag ko kay Icko na nauunang maglakad sa akin habang pareho naming tinatahak ang daan patungo sa College of Engineering building, hindi ko na nagawang ihatid si Charlie dahil kailangan pa nitong pumunta sa DEAN's Office ng College of Fine Arts para sa formalization ng pag-admit sa kanya ng university, "hoy ikaw! Hindi mo ba ako nadidinig?" ang mas nilakasan ko pang sabi nang hindi ako pansinin ni Icko sa unang pagtawag ko sa kanya, at sa pagkakataong iyon ay huminto siya sa paglalakad at humarap siya sa akin.
"Ako ba ang tinatawag mo?" ang tanong ni Icko sa akin na para bang nagtatanga-tangahan pa nang mga sandaling iyon.
"Sa tingin mo may iba pa ba akong tatawagin bukod sa'yo?" ang pabalik kong tanong sa kanya.
"Malay ko ba kung may nakita kang kakilala dito sa university, bago lang ako dito kaya hindi ko alam kung popular ka ba dito o hindi." Ang tugon ni Icko sa akin na para bang pinipilosopo ako.
"Ano bang problema mo? Noong isang gabi lang para kang anghel na sumulpot sa bahay namin para kausapin ako pero ngayon bakit parang hindi na ikaw ang nakaharap ko noon? Sabihin mo nga sa akin ano ba talagang binabalak mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Bakit ang best friend mo rin naman di ba akala mo kung sinong anghel na bigla na lamang susulpot para ano? Para manakit ng ibang tao? Para manira ng relasyon? At anong balak ko? Balak ko na ilayo na sa inyong dalawa ng best friend mo si Luke, tandaan mo 'tong sasabihin ko, gagawin ko ang lahat mapalitan lang ang puwesto mo sa puso at buhay ni Luke." Ang sabi ni Icko na nakapagpantig sa mga tainga ko at nakapagpakunot ng noo ko, susugudin ko na siya noon nang biglang may humawak sa kanang braso ko para pigilan ako.
"Kumalma ka lang Arwin, nasa pampublikong lugar kayo at nasa loob pa kayo ng university, baka gusto mong madagdagan ang records mo sa guidance." Ang sabi ni Eunice na siyang pumigil sa akin, doon ko lamang din napagtanto na kasabay din pala namin siya na maglakad papunta sa College of Engineering building.
"Eh nakakaloko kasi 'tong sira ulong 'to eh." Ang sabi ko na halata sa tono ng pananalita ko ang pagkainis ko sa mga sinabi ni Icko, "bakit ano bang alam mo ha? Wala ka namang alam sa amin ni Luke, kaya 'wag ka nang makisawsaw, at akala mo ba papayag ako na mapalitan mo ako sa puso ni Luke, at sa tingin mob a ikaw ang pipiliin ni Luke?" ang dagdag kong sabi na bunsod na din ng labis na pagkainis kay Icko.
"Siguro nga wala akong masiyadong alam sa naging relasyon niyo ni Luke pero tatanungin kita Arwin, may malalaman ka kaya tungkol sa deal na nangyari sa pagitan ng best friend mo at kay Luke kung di ko pa sabihin sa'yo? Siguro nga kung papipiliin sa atin sa ngayon si Luke ay ikaw pa din ang pipiliin niya pero naisip mo ba kung gaano siya nasasaktan sa tuwing makikita niya kayo ni Charlie na magkasama? Naisip mob a 'yon Arwin? Malamang hindi, alam mo kung bakit? Makasarili ka kasi." Ang sabi ni Icko, napatikom ang mga kamao ko noong mga sandaling iyon, na kung bibitawan ni Eunice ang braso ko na hawak niya ay baka hindi na nakatapos sa pagsasalita itong si Icko dahil nasapak ko na.
"Ang lakas din pala talaga ng loob mo, may tinatago ka ding yabang, para kang takure na nasa loo bang kulo." Ang sabi ko naman na pilit na kinokontrol ang halos sagad ko nang pasensiya, "kung ganoon pakitang tao lang talaga ang pagpunta mo sa amin noong gabing 'yon." Ang dagdag kong sabi.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...