RAINBOW 06

1.5K 84 20
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nakarating ako sa mall na pinuntahan namin noon upang doon kami magkita ni Arwin na bahagi din ng deal namin ni Charlie, saktong sakto lamang ang dating ko noon dahil kabubukas pa lamang nito kaya naman kaunti pa lang ang mga tao, agad na akong dumiretso sa store ng NBA collectibles para naman makuha na ang action figure ni Kobe Bryant na aking pinatabi, mabuti na lamang at yung store personnel na kinausap ko din noong binili ko iyon ang nandoon sa counter kaya naman mabilis ko din itong nakuha, hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha ng kapreng hilaw na iyon pag natanggap na niya itong regalo ko, nakangiti ako habang naglalakad na palabas ng store habang nakatingin pa din sa action figure ni Kobe.


Pumunta ako noon sa food court ng mall na iyon upang doon na lamang ako maghintay kay Arwin, nakatanggap na din kasi ako ng text niya na paalis na siya sa kanila, habang naghihintay ako ay bumili na din ako ng makakain ko dahil sa di pa ako nag-aalmusal sa sobrang pagka-excite ko kaya naman habang wala pa siya ay kakain muna ako ng kaunti, pero hanggang sa makatapos akong kumain ay wala na akong natanggap na text o tawag mula kay Arwin pero naisip ko na baka papunta na siya at na-stuck sa traffic, o baka medyo mabagal yung nasakyan niya, pero lumipas ang halos isang oras mahigit, pero di pa din ako nawalan ng pag-asa na darating siya, umaasa ako na darating siya dahil sinabi niya, pero lumipas pa muli ang isa pang oras at wala kahit text o tawag si Arwin kaya naman nag-alala na ako, kaya naman tinadtad ko na siya ng text, tinawagan ko na siya ng maraming beses ngunit hindi din niya sinasagot, at doon ay parang unti-unti akong nakaramdam ng lungkot.


Umalis ako sa food court dala ang paper bag na laman ay ang regalo ko para kay Arwin, naglibot ako sa mall para mawala ang lungkot at pag-aalala ko, pilit ko pa ding iniisip na pupunta siya, na darating siya, naisip ko din na baka pakulo na naman niya ito para kabahan ako at tapos ay may surpresa pala ang mokong sa akin, nasa loob ako noon ng National Bookstore at tumitingin ng mga libro patungkol sa classical arts nang biglang mag-ring ang cellphone ko kaya naman mabilis koi tong kinuha sa bulsa ko at excited kong sinagot ito nang makita ko sa screen nito na si Arwin ang tumatawag.


"Hello Drop! Nasaan ka na ha? Humanda ka sa akin pagdating mo." Ang sabi ko na pabiro at masaya na para bang nasapian ng ligaw na kaluluwa ng isang hyper na kiti-kiti.


"Uhm Drip?" ang matipid na tugon niya pero naramdaman ko agad ang lungkot sa tono ng kanyang boses.


"Oh bakit ano nangyari bakit parang malungkot ka Drop? Traffic ba? 'Wag kang mag-alala hindi naman ako naiinip dito, nandito lang ako sa National Bookstore just in case na makarating ka na dito." Ang sabi ko naman bilang pagpapagaan ng loob niya sa pag-aakalang dahil late na late na siya kaya ganoon kalungkot ang tono ng boses niya.


"Hindi Drip, hindi traffic, may nangyari kasing emergency kay Charlie kaya hindi ako makakapunta, I'm sorry Drip, promise babawi ako sa'yo, hindi ko din inaasahan na magkakaroon ng ganitong aberya." Ang sabi ni Arwin sa akin at nang marinig koi yon ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at pinagsakluban ng langit at lupa.


"Kung ganon hindi ka na makakarating talaga?" ang tanong ko kay Arwin na para bang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi ni Arwin na 'yon.


"Oo Drip, I'm sorry talaga, promise babawi ako sa'yo, kung gusto mo bukas gumala tayo kahit saan mo pa gusto." Ang sabi ni Arwin bilang paghingi ng pasensiya sa akin, at hindi ko naiwasan na mapabuntong hininga at napatingin ako sa dala kong paper bag at nangilid ang luha ko dahil sa hindi ko matanggap na ito na pala ang magiging huling regalo ko para sa taong pinakamamahal ko, "hello? Drip? Nandiyan ka pa ba?" ang tanong sa akin ni Arwin nang hindi na ako makapagsalita.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon