RAINBOW 21

1.4K 60 4
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Matapos ang pagkikita namin noong umaga ay halos maghapon ko nang hindi nakita pa si Luke simula nang dumating ako sa university noong hapon, pakiramdam ko ay iniiwasan na naman ako nito, tinanong ko sila Kris nang mapadpad ako sa isa sa canteen ng university dahil di nila kasama ito at ang tanging naging tugon lang nila ay nagpaalam daw ito sa kanila na may aasikasuhin na mahalagang bagay. Habang nasa klase ako noon ay hindi na ako mapalagay hindi ko din maiwasan na mapatingin kay Icko na halos ilang arm chair lang ang agwat namin, iniisip ko kung ano ang sinabi ng mokong na ito sa mahal kong si Luke, nang matapos ang klase namin para sa buong hapong iyon ay nagpasya na akong puntahan at sunduin si Luke dahil alam ko ay ilang minuto lang namang mauuna na matapos ang klase nila, at para makasiguro na makikita ko talaga siya ay sumabay ako kay Von, pero ang nakakainis ay sumabay din sa amin itong si Icko na para bang kasama talaga sa barkada namin.


"Kailangan ba sumabay ka sa amin? Sino ba ang pupuntahan mo don?" ang nakakunot noo kong pagtatanong kay Icko na diretso lang ang tingin habang naglalakad kami, habang si Von naman ay napansin kong napangisi nang madinig niya ang tanong kong iyon. "Aba tignan mo nga naman parang walang narinig ah, Von sasapakin ko na 'to." Ang inis kong sabi nang hindi ako pansinin ni Icko.


"Ha-ha kalma lang Arwin, gusto mo ba ako na lang ang sumagot sa tanong mo?" ang sabi ni Von na natatawa.


"At kailan ka pa naging spokesperson niyang kumag na 'yan? Tiyaka di ba ako ang kaibigan mo dito kaya dapat ako ang kinakampihan mo." Ang sabi ko naman na para bang isang bata na naghahanap ng kakampi sa katauhan ni Von na parang wala namang pakialam.


"Tss, parang bata, hindi ako makapaniwala..." ang pabulong na sabi ni Icko na sapat lang din naman ang lakas para madinig ko kaya naman mas nainis ako at nagsalubong lalo ang kilay ko.


"Aba loko ka ah, ano suntukan na lang tayo oh." Ang sabi ko at agad naman akong inawat ni Von na hindi pa din tumitigil sa pagngisi, mukhang tuwang tuwa pa siya na makita kaming dalawa nitong si Icko na nagbabangayan.


"Tulad nga ng sabi ko, ako na lang ang sasagot sa tanong mo. Ang totoo niyan Arwin ay nauna na siya magpasabi na sasabay talaga siya sa akin, bukod doon kung sino man ang pakay mo na puntahan ngayon ay siya ding pakay nitong si Icko." Ang sabi ni Von sa akin bilang pagsagot na nga niya sa tanong ko na dapat ay si Icko ang sumagot.


"Aba at ang kapal din naman ng mukha mo ah, bakit boyfriend ka ba niya para sunduin mo siya, kanina din bago siya pumasok bakit mo siya hinatid?" ang direkta kong pagtatanong kay Icko na hindi pa din tumitingin sa akin habang patuloy kami sa paglalakad.


"Bakit boyfriend ka din ba niya para makialam sa kung sino ang dapat niyang makasama? At bakit ko kailangan sabihin sa'yo ang dahilan ko kung bakit ko siya sinasamahan, hindi kita boss, at hindi din naman kita tatay." Ang sabi ni Icko bilang pagsagot sa akin, at talagang kumulo na ang dugo sa kanya kaya naman mabilis ko siyang hinawakan sa balikat pero mas mabilis si Von na nakapamagitan sa amin kaya naman napigilan din niya ang pagsapak ko kay Icko.


"Oh kalma lang Arwin, gusto mo bang mapatawag sa DEAN's office? Gusto mo bang dagdagan ang alalahanin ni Luke sa'yo? Kalma lang, tiyaka tama naman din itong si Icko, wala na kayo ni Luke kaya naman patas lang kayo ng katayuan ngayon, isipin niyo na lang na may the best man win, kaya kung ako sa'yo aayusin ko na ang problema ko at alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Ang sabi ni Von sa akin at sabay tapik sa balikat ko.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon