LUKE'S POINT OF VIEW:
Nasa mini park kami noon at kasalukuyang kumakain ng hotdog sandwich habang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng lilim ng isang puno na di kalayuan sa fountain, kaya naman nakaka-relax din dahil sa nadidinig namin ang tunog ng paglagaslas ng tubig nito habang kami ay kumakain, ang park na iyon ay isang malaking success sa aming mga estudyante na naging bahagi ng pagsasakatuparan nito, isa din ang park na ito sa huling bagay na magkasama naming ginawa ni Arwin kasama ang mga kaibigan namin kaya naman masaya ako na makita ito dahil dito ay maaari kong sariwain ang masasayang panahon namin ni Arwin, mga masasayang panahon na marahil ay kailan man ay di na mauulit pa.
"Luke, friend tahimik ka na naman, iniisip mo na naman si papa Arwin 'no?" ang biglang sabi ni Francis, at napatingin ako sa kanya sabay kagat sa hotdog sandwich na hawak ko.
"Huh, ako iisipin ko 'yong kapreng hilaw na bakulaw na 'yon? Hindi ah, naka-move on na ako kaya 'wag nga kayo diyan, hindi ako 'yung tipo ng tao na magpapatali sa isang bagay na natapos na." ang sabi ko bilang pagtanggi habang may laman pa ang bibig ko.
"Ah oo nga halata nga na hindi mo na siya iniisip, sa iksi ng tanong ko ang dami mong sinabi friend, hindi nga talaga." Ang sabi ni Francis na natatawa pa.
"Alam mo Luke, balang araw 'yang sinabi mo magiging hotdog sandwich na din." Ang sabi naman ni Kris at napatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka.
"Huh? Bakit naman?" ang patanong kong tugon, at nagtinginan ang KFC sisters.
"Balang araw kakainin mo din." Ang sabay-sabay nilang sabi, at pagkatapos ay nagtawanan, naku itong tatlong 'to mukhang maghapon na ako ang magiging sentro ng kanilang pang-aasar, pero ayos lang dahil sa totoo lang ay hindi ako naaasar dahil ang totoo ay natutuwa pa nga ako, nakakatulong sila na kahit paano ay gumaan ang kalooban ko.
"Mga baliw, hindi na mangyayari 'yon dahil alam kong tapos na kami, at nalinaw na namin sa isa't isa 'yon, magpo-focus na lang ako sa pag-aaral ko." Ang sabi ko naman at muli akong kumagat sa hotdog sandwich na hawak ko.
"Nandito na pala sila." Ang sabi ni Chini habang may lamang pagkain ang bibig, at napatingin ako sa direksiyon na tinitignan niya at agad kong natanaw sila Von at Icko.
"Luke heto oh, bumili kami ng tubig na maiinom niyo, nag-text kasi si Chini kay Von na nakalimutan niyong bumili ng tubig." Ang sabi ni Icko at sabay alok sa akin ng isang bote ng mineral water.
"Ayun, kaya naman pala ang drama ng isa diyan ay nakalimot na dahil mukhang may magiging kapalit na si ano." Ang sabi ni Francis habang binubuksan ang bote ng tubig na ibinigay naman sa kanya ni Von at napatingin ako sa kanya, nakaramdam din ako ng hiya dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Francis ay tiyak ko na nadinig talaga iyon ni Icko.
"Lukaret ka talaga Francis kung ano-ano pinagsasabi mo, naku Icko huwag mong pinagpapapansin mga sinasabi nitong si Francis, medyo apektado din kasi kami sa hiwalayan nila Luke at Arwin, medyo di pa kami nakaka-recover kaya hinahanapan na namin itong si Luke ng makakapareha just in case na di na talaga sila magkabalikan pa." ang sabi naman ni Kris na di ko alam kung pagtatanggol ba para sa akin iyon o isang pagtutulak para mapalapit ako kay Icko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...