RAINBOW 11

1.5K 72 5
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Masamang masama ang loob ko nang pumasok ako ng bahay, hindi ako makapaniwala na ganoon lang kadali para kay Luke ang tapusin ang lahat sa amin, pakiramdam ko ay napakadali para sa kanya na bitawan ako, napakadali sa kanya na itapon at kalimutan na lang ang lahat ng saya, lungkot, at hirap na pareho namang naranasan ng magkasama. Hindi ko alam kung ano ba ang talagang dahilan ni Luke para naisin niyang tapusin na lang agad agad ang aming relasyon, alam ko nagsisinungaling siyang nang sabihin niya sa akin na pagod na siya, naniniwala ako na may dahilan siya na hindi niya magawang masabi sa akin dahil maaaring may ibang tao ang maaaring madamay, alam ko at ramdam ko 'yon dahil siya si Luke, dahil siya ang taong mahal ko, kaya naman masasabi kong kilalang kilala ko na siya.


Nasa loob ako ng aking kwarto nagmumukmok at naghihimutok dahil sa inis ko, doon din ako nakaramdam ng pagkalungkot dahil alam ko na sa mga salitang binitawan ko ay nasaktan ko si Luke, ang duwendeng 'yon masiyado ko na talagang minahal, isang bagay na hindi ko pinagsisisihan, binuksan ko ang aking cellphone at pinagmasdan ko ang picture naming dalawa na wallpaper ko, noong mga sandaling iyon ay bahagya din akong kumalma at humupa ang inis na nararamdaman ko, hanggang sa umalingawngaw mula sa labas ang ingay ng malakas na buhos ng ulan, napatayo na ako noon dahil agad kong naisip si Luke, palabas na ako ng kwarto ko nang makarinig ako ng katok sa pinto kaya dali-dali ko naman itong binuksan.


"Oh mommy, bakit po?" ang agad kong tanong nang bumungad si mommy sa akin nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto.


"Ah may naghahanap kasi sa'yo saktong sakto napapasok ko na siya sa loob." Ang sabi ni mommy sa akin, agad akong napangiti nang maisip ko na baka si Luke iyon, marahil ay napag-isipan na niya na ayusin na talaga ang nangyayaring ito sa amin.


"Ah si Drip po ba 'yon mommy?" ang tanong ko na kunwari ay di na-e-excite na malaman ang sagot.


"Ah hindi Win, actually ngayon ko lang siya nakita pero ang sabi ay kilala mo naman daw siya, mabuti pa ay babain mo na para malaman mo kung sino, mukhang mahalaga ang sadya sa'yo nung tao." Ang sabi ni mommy sa akin at bahagya akong napasimangot nang malaman kong hindi naman pala si Luke ang humahanap sa akin, pero napaisip din ako kung sino iyon kaya naman sumabay na akong bumaba kay mommy.


Sa pagbaba ko ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang taong iyong muli, sa lahat ng tao siguro na kilala ko ay siya ngayon ang kinaiinisan ko sa lahat pakiramdam ko kasi ay may kaagaw na naman ako kay Luke, pakiramdam ko ay isa siya sa dahilan kung bakit biglang naging magulo ang relasyon namin ni Luke.


"Ah sige mga ijo, maiwan ko muna kayo, pupunta lang muna ako sa kusina." Ang sabi ni mommy at iniwan na niya kami at agad na dumiretso sa kusina.


"Anong ginagawa mo dito? At paano mo naman nalaman ang bahay namin, huwag mong sabihin na sobrang close niyo na ni Drip, ang ibig kong sabihin ni Luke?" Ang masungit kong pag-uusisa at nangiti lang siya sa akin, "aba nakuha mo pang ngumiti, nang-aasar k aba?" ang dagdag kong tanong sa kanya.


"Ah hindi pasensiya na, di ko lang naiwasang matuwa kasi nakikita ko na talagang kabaligtaran ka ni Luke, nalaman ko itong bahay mo dahil sinundan ko si Luke kanina lang noong pumunta siya dito, pero hindi naman ako pumunta dito para ipaliwanag lang ang mga bagay na 'yon, nandito ko dahil gusto talaga kitang makausap ng personal." Ang sabi niya sa akin at halatang seryoso naman siya sa sinasabi niya.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon