RAINBOW 30

1.2K 69 6
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Kinabukasan ay nagising ako na maganda na ang pakiramdam ko, tahimik ang aking kwarto noong sandaling iyon tanging ang malakas na buhos na ulan lamang noong umagang iyon ang aking naririnig, ramdam ko din ang malamig na hangin na dala nito na pumapasok sa aking kwarto. Nakipagtitigan ako sa kisame tulad ng madalas kong ginagawa kapag mag-isa at nakahiga lamang ako sa aking kama, pilit kong inaalala ang mga nangyari kahapon, hanggang sa pumasok sa aking isipan ang envelope ng mga dokumento na kakailanganin ko para sa nalalapit kong pag-alis, ang alam ko ay yakap ko pa iyon kaya naman nang hindi ko na ito makita sa bisig ko ay doon na ako napabangon upang hanapin ito, sa aking pagbangon ay siya namang pagbagsak ng panyo na nakalagay pala noon sa aking noo, napatingin ako sa panyong iyon, hinawakan koi to at tinitigang mabuti, at isang alaala pa ang pumasok sa aking isip, naalala ko ang aking panaginip kahapon, si Arwin narito siya sa aking kwarto noon at siya ang nag-asikaso sa akin, matiyaga niya akong pinupunasan para bumaba ang aking lagnat, at nang maisip koi yon kasabay ng pag-iisip ko sa aking pag-alis ay bigla-bigla na lamang pumatak sa panyong hawak ko noon ang aking mga luha.


"Narinig ko ang paghingi mo ng tawad Drop, narinig ko, kahit na alam kong sa panaginip lamang iyon ay alam kong iyon din ang iniisip mo at nais mong sabihin sa akin..." ang sabi ko na pinahid ang aking luha gamit ang panyo na aking hawak. "Salamat sa pag-aasikaso sa akin." Ang pabulong ko pang sabi at kasabay noon ay nadinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad kong inabangan kung sino ang bubungad sa akin sa pagbukas nito.


"Sa wakas at gising ka na din." Ang bungad na pagkakasabi ng pinsan kong si Justine kasama si Kaloy at Orly na silang may dala ng trays ng pagkain. Ngumiti ako sa kanila nang makita ko sila, hindi ko pinahalata sa kanila na bahagya akong nadismaya dahil sa hindi sila ang taong hinihintay ko na makitang pumasok.


"Ooh mukhang medyo dismayado yata ang pasiyente natin na tayo ang nakita niya sa paggising niya." Ang biglang sabi ni Kaloy na kinabigla ko dahil di ko inaasahang mahahalata niya iyon kahit na ikinubli ko na sa ngiti ang aking bahagyang pagkadismaya, at nakita ko na mahina siyang siniko ng aking pinsan at agad siyang ngumiti sa akin. "Uy biro lang 'yon Luke ha, gusto ko lang na mangiti ka namin." Ang biglang kabig ni Kaloy.


"Ha-ha kayo talaga 'wag niyo akong alalahanin okay na ako, maganda na din ang pakiramdam ko salamat sa pag-aasikaso niyo sa akin, alam ko na maaga kayo umuwi kahapon para lang maasikaso ako, kaya maraming salamat talaga sa inyo." Ang sabi ko sa kanilang tatlo na nakangiti at napansin ko na nagkatinginan pa sila noong sandaling iyon. "Bakit may mali ba akong sinabi?" ang tanong ko sa kanila.


"Ah wala naman Luke, wala, huwag mo na lang kami masiyadong pansining tatlo medyo lutang lang kami kasi medyo maaga pa kasi, kaya nagla-lag pa ang utak namin." Ang ng aking pinsan na siyang lumapit sa akin, naupo siya sa aking kama at hinawakan niya ang aking noo. "Mukhang wala ka nan gang lagnat, kailangan mo na lang magpahinga at tiyak na bukas ay pwede ka nang makapasok." Ang dagdag pa niyang sabi kasabay ng pag-alis niya ng kamay sa aking noo.


"Magaling kasi ang nag-alaga sa kanya kahapon." Ang biglang sabi ni Orly at sabay na napatingin sila Kaloy at Justine sa kanya. "Ah ang ibig kong sabihin magagaling kasi kami na nag-alaga sayo, kasama pa naman ang iba nating mga kaibigan kahapon kaya naman tiyak na gagaling ka." Ang saabi ni Orly na para bang natakot sa tingin ng dalawa sa kanya, na labis kong pinagtataka dahil ba parang may bagay akong dapat na malaman na ayaw nilang ipaalam sa akin.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon