LUKE'S POINT OF VIEW:
Ilang minuto ko din na pinagmasdan ang susi na hawak ko, iniisip sa alin sa mga natitirang kahon ang aking paggagamitan nito, ang susi sa aking palad ay tila ba hindi isang pangkaraniwang susi, tama hindi ito isang pangkaraniwang susi dahil ang susi na ito ang siyang susi sa isang bagay na alam ko ay napakahalaga, hindi lang para sa akin kundi para sa amin ni Arwin.
"Huwag mo masiyadong titigan 'yang susi dahil baka matunaw 'yan sige ka hindi mo na mabuksan yung dapat buksan niyan." Ang sabi ni Arwin sa akin lumapit ito sa akin at siyang nagtikom ng aking kamay na may hawak sa susi, tumingin ako sa kanya at tumango ako sa kanya na may kasamang pagngiti.
"Uy Luke." Ang pagtawag sa akin ni Chini na siyang dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.
"Oh bakit Chini, may problema ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Ah wala naman, pero nagugutom na kasi ako kaya kung di naman nakakahiya baka pwedeng kumuha na ako ng kaunting makakain kahit isang plato lang ng spaghetti." Ang sabi ni Chini at napatawa sila Eunice at Sarah na katabi lang nito, hindi na rin namin naiwasan ang mapangiti dahil na din sa talaga namang wala sa timing na pagsegway ni Chini para lamang sa kanyang tiyan.
"Lukaret ka talaga girl, basta pagkain talaga kahit makasira ka ng romantic moment eh gagawin mo masalba mo lang ang tiyan mo." Ang pabirong sabi ni Francis at di na naming mapigilan ang matawa.
"Oy Von huwag mong pagtatanggol 'yang si Chini naku gagamitan kita ng chingchansu power ko." Ang sabi naman ni Kris bilang pagdagdag sa katatawanan na may kasama pang posing na katulad ng posing ni Chun-Li ng Street Fighter.
"Sorry Tabs di kita mapagtatanggol ngayon." Ang nakangiti na sabi ni Von kay Chini, at halatang medyo kinabahan naman si Chini dahil batid niyang bahagya niyang nasira ang moment, pero bago maiyak si Chini ay sumabad na ako.
"Kayo talaga masiyado niyong pinagti-tripan si Chini." Ang sabi ko bilang pagkampi kay Chin. "Sige na Chini kumain ka na kung nagugutom ka na talaga, tiyaka isa pa kayo naman ang naghanda nito para sa akin kaya deserve niyo din na enjoyin ang moment na 'to." Ang dagdag ko pang sabi, at nakita ko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa labi ni Chini dahilan para maningkit ang mga mata nito, pahiwatig na masayang masaya ito na makakakain na siya. At walang sabi sabi ay agad na siyang pumunta sa mesa at agad na sinimulan ang pagkain, at halos nakatawa kaming pinagmamasdan siya.
"Ehem." Ang pagtawag pansin sa akin at sa lahat ni Arwin. "Pwede na nating ituloy ang naudlot na moment?" ang nangingiting sabi ni Arwin.
"Oo naman siyempre di ako papaya na di ko makita ang laman ng lahat ng natitirang kahon lalo na 'yung kahon na paggagamitan ko nitong susi." Ang sabi ko kaya naman agad na akong lumapit sa kahon na aking susunod na bubuksan. Ang susunod na kahong aking bubuksan ay ang kahon na kulay luntian, berde, o green sa Ingles na siyang hawak ni Niccolei. "Ako ang luntian, sinisimbulo ko ang buhay, bagong panimula, kaligtasan, at harmonya. Ang pag-ibig ay isa sa mahlagang bahagi ng buhay, nagdudulot ito ng matinding pagbabago sa sinumang makakaranas nito, ang pag-ibig ay nagbibigay din ng pakiramdam ng kaligtasan lalo na kung ito ay totoo, at higit sa lahat ang pag-ibig ay nagbibigay harmonya sa buhay at sa mismong mga tao na nakakadama nito, ito ay tila isang awit na ang himig ay nakabase sa dalawang puso na nagiging isa." Ang sabi ko bilang pagbasa sa note na nakalagay sa berdeng kahon, pagkatapos kong basahin ito ay akin itong binuksan, at isang maliit na baul na kasinlaki lamang ng AVR ng isang desktop computer ang aking nakita, agad ko itong kinuha sa pag-aakalang ito na ang paggagamitan ko ng susi na aking hawak pero nagkamali ako dahil ang susian ng maliit na kandado nito ay hindi kasukat ng susing hawak ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...