RAINBOW 28

1.1K 68 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nasa nanlulumo at umiiyak akong estado noong biglang dumating ang pinsan kong si Justine, agad niya akong nilapitan at sa kanyang paglapit ay agad ko siyang niyakap, dahil sa mga sandaling iyon ay sobrang panghihina na din ang aking nararamdaman, umiyak ako ng umiyak habang yakap namin ng pinsan ko ang isa't isa nadidinig ko pa siya na pilit akong pinapatahan ngunit wala pa din itong nagawa, patuloy lang ako sa pag-iyak habang paulit-ulit kong tinatanong sa pinsan ko kung bakit sa akin nangyayari ito, kung bakit ako na walang ibang ginusto kundi ang maging masaya ang siya pang binubuhusan ng sobrang lungkot at problema, sa patuloy kong pag-iyak ay bigla kong naramdaman ang pagbigat ng aking katawan, ang pagsama ng aking pakiramdam hanggang sa bigla na lamang magdilim ang aking mga paningin at ang huli ko na lamang naaalala ay nadinig ko pa ang boses ng pinsan kong si Justine na tinawag ang aking pangalan.


Nang magising ako ay nasa kwarto ko na ako, bahagyang masakit ang aking ulo at mabigat pa din ang aking pakiramdam, nakatingin pa ako noon sa kisame ng aking kwarto nang madinig ko na bumukas ang pinto ng aking kwarto kaya naman agad akong bumangon at naupo sa aking kama, at bumungad sa akin ang pinsan ko at si Kaloy nan aka school uniform at may dalang tray ng pagkain at tubig.


"Mabuti naman at nagising ka na, alam mo bang pinag-alala mo kami?" ang sabi ni Justine na halos magsalubong ang kilay, ngayon ko lang ulit nakita ang pinsan kong ito na naging ganoon sa akin, bigla ko tuloy naalala noong bata pa kami kung gaano niya ako lagi sinesermonan kapag nadadapa ako, kasunod noon ay aaluhin niya ako para tumahan sa pag-iyak hanggang sa bigla kong maisip ko si papa, dahilan para makaramdam muli ako ng pagkalungkot, kaya naman napayuko na lamang ako bigla at napatingin sa kamay kong pinaghawak ko na para bang nagdadasal.


"Uhm pasensiya na ha, hindi ko naman gusto na pag-alalahin kayo." Ang aking itinugon at kasunod noon ay napaubo ako.


"Hay naku ikaw talagang bubwit ka." Ang tanging sabi ni Justine at naupo siya sa aking kama, pero hindi ko pa din siya tinitignan, naramdaman ko ang palad niya na inilapat niya sa noo ko. "Alam mo bang inapoy ka ng lagnat kagabi, balak ko nan gang isugod ka sa ospital pero mabuti na lang at dumating sila Von at sinabi na dito ka na lang sa kwarto mo dalhin." Ang sabi ni Justine na sa tono ng boses niya ay halatang napanatag na nang alisin niya ang kamay niya sa noo ko. "Mababa na ang lagnat mo pero kailangan mo pa ring magpahinga, ubusin mo itong hinanda namin ni Kaloy na aroz caldo, pagkatapos uminom ka ng gamot. At huwag mo na isipin ang klase mo para sa araw na 'to ipagpapaalam ka na nila Chini at papahiramin ka na lang din ng lectures at kung may important announcements naman ay sasabihin na lang nila sayo." Ang dagdag pang sabi nito sa akin.


"Salamat insan, salamat sa inyo." Ang sabi ko at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko ang kanyang kamay at ginusot ang aking buhok.


"Ano ka ba hindi mo kailangang magpasalamat, magpagaling ka ha." Ang sabi ng pinsan ko at tumingin ako sa kanya at tumango at isang pilit na ngiti ang aking binigay.


"Oh tama na yang pinsan moments niyo, Luke heto kainin mo na 'to bago pa lumamig para bumilis din paggaling mo, ako nagluto niyan kaya dapat ubusin mo ha." Ang biglang sabad ni Kaloy at inilagay niya ang tray na hawak niya sa mesa sa tabi ng aking kama, at pagkatapos ay kinuha niya ang mangkok ng aroz caldo at iniabot it okay Justine na siyang nagsubo sa akin.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon