LUKE'S POINT OF VIEW:
"Ano magyayakapan na lang kayo diyan?" ang tanong sa amin na alam kong ang pinsan kong si Justine dahil na din sa pamilyar sa akin ang boses nito. Nang madinig namin iyon ni Arwin ay nakangiti kaming bumitaw sa pagyayakapan namin at hinarap ang direksiyon na pinagmulan ng boses ni Justine, sa pagharap namin sa direksiyon nila Justine ay bumungad sa akin ang iba pa naming mga kaibigan na may dalang mga pagkain at mga kahon na may iba't ibang kulay, at nakangiti din ang mga ito sa amin.
"Akala ko pa naman mahihirapan tayo na pasayahin itong si Luke, pero nakita pa lang ang magandang pag-aayos natin sa lugar na 'to, eh mukhang solve na siya." Ang sabi ni Kaloy na katabi ng pinsan kong si Justine.
"Kung ganon hindi lang si..." ang hindi ko na matuloy na sabihin pa at napatingin na lang ako kay Arwin at nakita ko ang abot hanggang tainga na ngiti nito sa akin, at pagkatapos ay umakbay siya sa akin na halos parang yakap na din.
"Oo hindi lang ako ang nakaisip nito, tinulungan nila ako para gawin 'to, namiss na daw kasi nila tayo kaya naman nandito sila para tulungan ako na ibalik yung tayo, at ibalik yung ngiti mo." Ang sabi ni Arwin bilang tugon.
"At bilang naging karibal ni Arwin dati masaya kami na magbahagi sa kanya ng mga ideya para mas pakiligin ka napansin kasi namin kinukulang na itong si Arwin sa mga pakulo, bagay na alam naming talagang nakatulong para mas mahulog ang loob mo sa kanya." Ang sabi ni Von na nakangisi.
"Hoy anong nauubusan na ng ideya? Naisip ko na kaya na gawin 'to dati pa." ang sabi ni Arwin bilang depensa, halatang ayaw pang umamin na nawalan na talaga siya ng pakulo.
"Huwag ka ngan defensive, napaghahalata ka masiyado. Pasalamat ka na lang at mga karibal m okay Luke ay mababait din talaga, di ba Von, Russel, at Kaloy?" ang sabi ni Niccolei bilang panggatong sa pang-aalaska ni Von kay Arwin.
"Ewan ko sa inyo, minsan talaga di ko na alam kung kakampi ko ba kayo o kaaway pa din." Ang pabiro namang tugon ni Arwin sa kanila, at nagtawanan kami dahil malapit na namang maging isip bata ang hilaw na kapre.
"Ha-ha baka naman kayo pa ni Arwin ang magkatuluyan niyan at kami ni Luke ang mawalan ha, ha-ha." Ang pabiro namang sabi ni Eunice.
"Oo nga Eunice, parang uuwi tayong luhaan ngayong araw." Ang sabi ko naman bilang pagsang-ayon, at nagtawanan na naman kami dahil hindi din naman namin kasi ma-imagine sila Arwin at Niccolei, tiyak magsasama ang balat sa tinalupan kapag nangyari 'yon.
"Napakalabo!" ang sabay pang pagtutol nila Arwin at Niccolei dahilan para mas mapatawa kami ng malakas.
"Hay naku tama na nga 'yan mamaya magkatuluyan nga silang dalawa tayo pa sisihin nila Luke at Eunice, mabuti pa tara na at tiyak kong sabik na sabik na din iyang si Luke na ma-experience ang romantic moment sa umaga." Ang sabi ni Sarah bilang pag-awat sa pang-aalaska namin sa dalawa.
"Mabuti pa nga." Ang sabi ni Von bilang pagsang-ayon at kasunod noon ay bumitaw sa pag-akbay niya sa akin si Arwin at pumalakpak na tulad sa mga eksena sa telebisyon o pelikula na senyas para papasukin ang mga tapat na katiwala ng mga maharlika na tauhan, ngunit di tulad sa mga palabas ay hindi tapat na katiwala ang dumating kundi ang tatlo kong kaibigang dyosa ang siyang lumapit sa akin, kasunod noon ay sinuotan ako ni Francis ng isang korona, at si Kris naman ang nagsuot kay Arwin ng korona.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...