RAINBOW 08

1.5K 78 10
                                        

LUKE'S POINT OF VIEW:


Dalawang araw na din ang lumilipas simula nang gabing huli kaming magkita at magkausap ni Arwin, ang gabi kung saan tinapos ko na ang lahat sa amin, mabigat at labag sa aking kalooban ang ginawa kong iyon ngunit kailangan kong gawin, hindi dahil iyon ang nararapat, hindi dahil gusto ko, kundi dahil sa talo ako sa deal namin ni Charlie, at dahil iyon ang pangako na binitiwan ko. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay tini-text pa din ako ni Arwin ngunit hindi koi to tinutugunan, may mga oras na tumatawag siya sa akin ngunit hindi ko ito sinasagot kahit na ilang beses ko na din na gustong gawin iyon, pakiramdam ko ay ako mismo ang tumu-torture sa sarili ko, na kaunti na lang ay malapit ko nang ikamatay ang hirap, sakit, at lungkot.


Nasa loob ako nang aking kwarto noong mga sandaling iyon, nakahiga sa aking kama at nakatitig na naman sa kisame, ipinikit ko ang aking mga mata at nakangiting sinariwa ang lahat tungkol sa amin ni Arwin, sinariwa ko ang lahat mula noong panahon na nagkakilala kami hanggang sa mga panahon na sabay naming sinuong at nilabanan ang mga pagsubok na dumating sa amin, hanggang sa maramdaman ko na lamang ang aking luha na kusang umaagos, hanggang sa ang tahimik kong pagluhang iyon ay maging paghagulgol na.


"I'm sorry Drop, I am sorry, hindi ako nag-iisip, sorry, sorry for leeting you go, sorry for hurting you." Ang paulit-ulit kong sabi habang umiiyak ako sa aking kwarto, ganoon ako sa loob ng ilang minuto para akong namatayan, para akong isang batang iniwan ng pinakamahalagang tao sa buhay niya.


Matapos kong magdrama ay bumangon ako pinahid ko ang aking luha, huminga ako ng malalim, at pinilit ko na tatagan ko ang aking kalooban, pero alam mo 'yung mahirap sa paglimot at pagmu-move on? Iyon ay 'yung bawat sulok at bagay sa loob mismo ng bahay niyo ay nakikita at naaalala mo 'yung taong gusto mo nang kalimutan, pero ang mas masaklap ay 'yung kahit mismo ang sarili mo ay pinapaalala na siya dahil sa naging parte na siya ng sistema mo, ng buhay mo, ganoon ang pakiramdam ko, hirap na hirap akong kalimutan ang lahat tungkol sa amin ni Arwin, ang lahat ng tungkol kay Arwin.


Dahil sa hindi ako mapanatag sa loob ng bahay, dahil na din pakiramdam ko ay mas malulungkot lang ako pag nagkulong ako buong araw ay nagpasya akong umalis ng bahay na mag-isa, nagpasya ako na gumala, at baka sakaling kahit paano ay makalimot ako at gumaan ang kalooban ko, kailangan kong matutunan muling mabuhay ng mag-isa, mabuhay na wala si Arwin sa buhay ko. Isinasara ko na noon ang gate, nang biglang maramdaman ko na may papalapit sa akin kaya naman nilingon ko ang taong papalapit sa akin, nang makita ko kung sino ay nakaramdam ako ng lungkot at inis, si Charlie, sa halip na pansinin ito ay nagpanggap ako na hindi ko siya nakita, minadali ko ang pagsasara ko sa gate at naglakad na ako sa direksiyon na hindi ko siya kailangang makasalubong.


"Sandali lang Luke." Ang sigaw ni Charlie sa akin bilang pagpigil sa aking paglalakad, pero nagbingibingihan ako kaya naman nagpatuloy ako sa paglakad ko, hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko at pumigil sa akin na maglakad pa, "sabi ko sandali lang." ang sabi pang muli ni Charlie, napabuntong hininga na lamang ako at bago humarap sa kanya ay kinalma ko muna ang aking sarili.


"Ano bang kailangan mo?" ang tanong ko kay Charlie nang humarap na ako dito.


"Tungkol sa deal natin." Ang sabi ni Charlie at nang madinig koi yon ay halos masagad na agad ang pasensiya ko pero nagawa ko pa din na pigilan ang sarili ko na sumabog dahil alam ko naman na talo ako kaya wala akong karapatan na umaktong para bang dinaya ako.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon