RAINBOW 03

1.8K 81 12
                                        

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nabigla akong nang makita ko sa labas ng NBA collectibles shop si Arwin noong araw na iyon, hindi ko akalain na makakasama ko pa din siya sa gala naming iyon, ang totoo ay mas labis akong natuwa, nang hawakan niya ang aking kamay noong pumasok siya sa shop ay pinagtinginan kami ng mga naroon pero hindi namin iyon pinansin, sa halip ay pinagtawanan lang namin iyon.


"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Ano ang nakain mo at itong shop na 'to ang napili mong puntahan? Kailan ka pa nahilig sa basketball?" ang mga tanong ni Arwin bilang pag-uusisa sa akin.


"Nang makita ko lang kasi 'to naalala kita, di ba hilig mo ang basketball? Kaya dito ako nagpunta para naman sa susunod na magkwentuhan kayo nila Von at Russel, maging ni mang Apol ay maka-relate naman ako kahit kaunti sa pinag-uusapan niyo." Ang sabi ko naman bilang sagot, pero ang totoo ay naghahanap ako ng pwede iregalo sa kanya para sa darating naming monthsary, ang problema ay hindi ko alam kung sinong NBA player ang paborito nitong kapreng 'to dahil nga sa di ko naman binibigyang pansin ang mga usapan nila kapag basketball na.


"Sus ikaw talaga, kaya mahal na mahal kita eh." Ang sabi ni Arwin at hindi na niya nagawang pigilan pa na yakapin ako, at dahil don ay napatingin na naman sa amin yung mga tao sa loob ng shop, pero napansin ko na may ilang kinikilig sa amin kaya pinabayaan ko na lang si Arwin na yakapin ako habang naghahanap ako ng ireregalo sa kanya.


"Drop sinong NBA player ba paborito mo?" ang tanong ko sa kanya na kunwari ay natanong ko lang.


"Paborito kong NBA player? Madami eh, merong mga beterano na at wala na sa NBA, meron namang mga bago, bakit mo natanong Drip?" ang sabi sa akin ni Arwin bilang tugon sa akin.


"Para naman 'tong sira, tinatanong ko kung sino, kaya bilis na sabihin mo na kasi kung sino ang paborito mo kahit madami, tiyaka paboritong team na din." Ang sabi ko naman bilang pangungulit upang malaman kung sino ang mga paborito niyang NBA players at kung anong team ang paborito niya.


"Hmm, sige na nga, paborito kong NBA players ay sila, Michael Jordan, Kobe, O'Neil, Garnett, Livingston, Curry, at Thompson." Ang sabi ni Arwin bilang sagot sa kung sino ang mga paborito niyang NBA players, "sa team naman ang paborito ko ay Los Angeles Lakers, Chicago Bulls, Orlando Magic, Golden State Warriors, Minessota Timber Wolves, Oklahoma Thunders, Dallas Maverick, at Boston Celtic." Ang dagdag na sabi ni Arwin bilang sagot naman niya sa paborito niyang team.


"Ang dami naman pala talaga." Ang sabi ko na halos di ko na nga natandaan yung iba niyang sinabi, "mukhang mamumulubi ako nito ah." Ang pabulong kong sabi dahil alam ko na hindi mura ang isang piraso ng collectibles lalo na kung hindi lang lima ang bibilhin ko.


"Anong mamumulubi ka?" ang tanong sa akin ni Arwin na nadinig pala ang sinabi ko.


"Ah wala sabi ko mamumulubi kako ako kung isa akong basketball fanatic tulad mo, kasi naman sa shop na 'to ang daming collectibles na pwedeng bilhin ng isang basketball fanatic." Ang sabi ko naman bilang pagdadahilan.


"Ah, oo nga eh nag-iisip nga ako ngayon kung bibili ako kahit isang piraso lang ng action figure dito." Ang sabi naman ni Arwin, at iginala niya ang kanyang tingin sa buong shop, hanggang sa mapansin ko na napako ang kanyang tingin sa isang action figure ni Kobe Bryant, lumapit kami sa istante kung saan nakalagay yung action figure na iyon at tinignan ang presyo nito, at humigit kumulang isang libo mahigit ang presyo nito, ganito pala kamahal talaga kapag collectors' item ang isang bagay.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon