ARWIN'S POINT OF VIEW:
Araw iyon ng Linggo, nang matapos kaming magkausap ni Charlie ay emosyonal man ay mas nangibabaw sa akin ang saya noong umagang iyon dahil sa wakas ay magagawa na namin ni Luke ayusin ang lahat ng naging gusot sa pagitan namin, kaya naman noong makalabas na ako ng ospital ay dali-dali ko nang tinahak ang daan patungo sa bahay ni Luke, sa aking pagmamadali ay ilang beses din akong muntikan nang madapa, humahangos na ako noon at malapit na din ako sa bahay ni Luke ilang hakbang na lamang nang mapansin ko ang isang may edad na babae at lalaki na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ni Luke, hindi pamilyar ang dalawa sa akin kaya naman agad akong lumapit sa kanila.
"Uhm excuse me po, mawalang galang na po, sino po ang hinahanap nila?" ang aking tanong sa lalaki at babae na bahagyang nabigla sa aking biglang pagsasalita at pagkausap sa kanila.
"Ah ijo, alam mo ba kung saan namin makakausap ang may-ari ng bahay na ito o kung sino ang maaari naming kausapin tungkol sa bahay na ito?" ang sabi ng babaeng sa tingin ko ay may edad na nasa singkwenta na.
"Bakit po?" ang aking tanong at napatingin ako sa gate ng bahay ni Luke at aking nakita ang karatulang "house and lot for sale" na wala namang nakalagay na contact number kaya naman isang ideya ang pumasok sa isip ko upang paalisin ang babae at lalaking mukhang interesadong bilhin ang bahay ni Luke.
"Ako po yung may-ari nitong bahay na 'to." Ang aking sabi at inalis ko ang sign board na nakalagay sa gate. "Nakakainis naman, napag-tripan na naman ako ng mga barkada ko." Ang sabi ko at nagkatinginan ang dalawang matanda na para bang hindi pa naniniwala sa akin, kaya naman agad kong kinapa ang aking bulsa para sa wallet ko, dahil sigurado ako na nasa wallet ko ang duplicate ng susi ng bahay ni Luke kaya naman mabubuksan ko ang gate at bahay nito. Ipinakita ko ang susi sa dalawa at binuksan ko ang gate ng walang kahirap-hirap.
"Ay naku akala pa naman namin ay ibinebenta ang bahay at lupa na iyan, pasensiya na ijo ha." Ang sabi ng lalaki sa akin bilang paghingi ng pasensiya.
"Ay naku wala po 'yon, ako nga dapat ang humingi ng pasensiya at dahil sa pagtitrip sa akin ng mga barkada ko naabala at nasayang pa po ang oras niyo, pasensiya nap o talaga." Ang akin namang sabi, pero di lang nila alam na malaki ang posibilidad na tama talaga sila na binebenta itong bahay buti na lang at mukhang lutang 'yung duwende habang ginagawa ang sign board na hawak dahil nakalimutan niya ilagay ang contact number niya.
Sa pag-alis ng dalawang matanda ay aking tinignan ang sign board na hawak ko, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sign board na iyon, pero kung totoo man ay ano ang tumatakbo sa utak ng duwendeng iyon bakit niya ibebenta ang bahay niya, at iniisip ko kung nasaan siya sa mga oras na iyon, nilingon ko ang bahay ni Luke at sa tingin ko pa lang dito ay mahahalata mo nang walang tao sa loob nito, alam kong wala si Luke dito.
Nagpasya akong maghintay sa labas ng bahay ni Luke, nagbabakasakali ako na may pinuntahan lamang ito kaya siya wala noong umagang iyon, pero nakakapagtakang wala din sa bahay nila sila Justine kaya naman naisipan ko na tawagan ang mga ito pero kahit isa sa mga kaibigan namin na tinawagan ko ay walang sumasagot sa tawag ko. Hanggang sa sumapit na ang hapon, wala pa akong kain noon pero hindi ko ininda 'yon dahil mas mahalaga sa akin si Luke kaysa sa sikmura ko, nang mga sandaling iyon ay napansin ko na tila kumukulimlim na noon, at bigla kong naisip si Icko, naisip ko na maaaring nasa bahay nila Icko si Luke dahil na din may tuta si Luke na pinaaalagaan dito, kaya naman ini-lock ko muli ang gate ng bahay ni Luke at aking itinapon sa basurahan ang sign board para wala nang magkainteres pa na bumili sa bahay ni Luke.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...