ARWIN'S POINT OF VIEW:
Wala na akong nagawa pa kundi ang pagmasdan lang si Luke na tumakbo palayo sa amin, sa akin, ramdam ko ang mga tingin ng mga kaibigan namin, mga tingin na puno nang katanungan na bakit hindi ko nagawang sabihin sa kanila ang lahat, bakit nagawa kong solohin ang isang bagay na tulad nito.
"Kung ganoon Arwin..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Charlie na halatang nabigla na malaman niyang alam ko na ang tunay na kalagayan niya.
"Oo Charlie, oo alam ko na ang talagang kondisyon mo." Ang sabi ko na hindi makatingin sa kanya dahil sa hindi ko alam kung paano ko ba siya titignan, lalo na at naghalo na ang emosyon sa akin. "Mabuti pa ihahatid na kita pauwi." Ang dagdag kong sabi at hinakbang ko na ang mga paa ko habang inaalalayan siya.
"Ano Arwin! Hindi mo ba talaga siya susundan?" ang pasigaw na tanong sa akin ni Von na halatang nagtitimpi ng pagkainis nito sa akin at lalo na sa nangyari. Napahinto ako sa paglalakad, iniisip kung ano ang isasagot ko sa kanila.
"Ano hindi ka ba iimik diyan?" ang pasigaw na pagtatanong din sa akin ni Russel, sa sandaling iyon naramdaman ko ang pagkainis ng lahat sa akin, pero kung may magagawa lang ako, kung hindi lang naman ang kaligtasan ni Charlie ang nakataya hahabulin ko si Luke, kung di lang makakasama ang paghabol ko kay Luke ay kanina ko pa iniwan si Charlie, pero hindi madaling made-depress si Charlie pag ginawa koi yon, at sa oras na gawin koi yon ay mapapasama siya at di kakayanin ng konsensiya ko iyon.
"Guys tara na, huwag niyo nang hintayin pa ang sagot niya, mabuti pa tayo na lang ang sumunod kay Luke." Ang nadinig kong sabi ni Arvin. "Mahirap maghintay ng sagot sa isang taong di alam kung ano ang dapat isagot niya." Ang dagdag pa nito at nadinig ko na ang tunog ng tubig sa kanilang paghakbang, papalapit sa amin ni Charlie, pero ang masakit doon ay sa paglagpas nila sa amin ni Charlie ay naramdaman ko ang lamig sa kanila ni tapik o tingin ay hindi nila ginawa sa akin, maliban kila Kris at Eunice na pabulong na sinabing nauunawaan nila ako, ngumiti ako sa kanila pero sa loob loob ko ay tama lang sa akin 'to, siguro nga dapat ko nang isuko si Luke, dapat ko na siyang palayain para hindi na siya masaktan pa ng dahil sa akin, tulad nito.
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan namin na naglalakad palayo sa amin, pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na naging karibal ko kay Luke, naisip ko na kung hinayaan ko na lang siguro si Luke na mapunta sa isa sa kanila ay marahil masaya si Luke, marahil hindi siya umiiyak sa mga sandaling ito. Nang mga sandaling iyon biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko, nang sandaling iyon pakiramdam ko masiyado kong pinaniwala ang sarili ko na kaya kong ingatan si Luke.
"Arwin? Ayos ka lang ba?" ang tanong sa akin ni Charlie, isang tanong na di ko alam kung seryoso ba siya dahil kung oo ang sagot ay masasabi ko na nais niya pa ako na inisin, pero sa halip na tumugon sa tanong niyang iyon ay nagpatuloy na lang kami sa paglakad, hindi ako umimik ni bumuntong hininga.
Nang makarating kami sa kanila ay agad kaming sinalubong ni tita Margo, nang makita niya ang itsura ni Charlie na basang basa ay halos di na siya mapalagay, di niya naiwasan na sermonan ito kahit na naroon ako, agad niyang pinagpalit ng damit ito kaya naman inalalayan ko pa si Charlie hanggang sa kwarto nito, nang makapasok na siya sa kwarto upang magbihis ay bumaba ako muli sa salas para magpaalam na at umuwi na dahil nga di ko din kayang harapin si Charlie ng matino sa ngayon.

BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...