RAINBOW 19

1.8K 60 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Matapos ang araw na nagkaroon kami ni Arwin ng pagkakataon na magkausap, magkalinawan, at masasabi ko na magkaayos ay nakaramdam ako ng kagaanan sa aking kalooban, oo may pangamba pa din sa puso ko pero hindi na tulad ng dati, dahil ngayon ay muli akong gumising ako umaga ng may ngiti, ng may pag-asa na sa susunod na gigising ako ay katabi ko na si Arwin at maayos na ang lahat, at wala nang ano pang gusot at gulo na dapat ayusin.


Maaga ako gumising noon para gumayak sa aking pagpasok, pero dahil nga ang set up namin ni Arwin ay para bang Romeo and Juliet na palihim at patago ay wala pa din kaming sapat na kalayaan na maituturing para magkita, kaya naman hindi ko pa din siya maaaring makasama sa umaga na sobra ko nang nami-miss, at bukod doon ay nakaka-miss din na makasabay siya sa pagkain ng almusal.


Patungo na ako sa kusina noon, nang mapahinto ako sa sala ng bahay, di ko maiwasang mapangiti dahil naalala ko ang sandaling isinayaw namin ni Arwin ang bawat isa noon dito, naaalala ko ang lahat ng kulitan namin sa sala na ito na hinihiling ko na maulit muli, at nakita ko ang tila aparisyon namin na magkayakap at tila baa yaw nang pakawalan pa ang isa't isa dahil sa para bang pareho kaming ayaw nang matapos ang mga sandaling iyon. Nang bumalik ako sa riyalidad ay dumiretso na ako sa kusina, pero nasa bungad pa lamang ako nito ay napahinto na lamang ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang pagkaing nakahanda sa mesa, nakaayos ang mesa na para bang may dinner date na magaganap, ang mga pagkain ay may takip upang masiguro na hindi ito madudumihan.


Dahan-dahan akong lumapit sa mesa habang lumilingon sa paligid umaasa na makikita ko si Arwin, oo si Arwin lang ang inaasahan ko na gagawa nito, dahil bukod sa kanya ay wala na akong iba pang maisip na gagawa nito sa akin, pero hanggang sa makalapit na ako nang tuluyan sa mesa ay walang Arwin na lumabas para tanungin kung nasurpresa ba ako, bahagya akong nalungkot pero sa pagtingin ko sa pinggan na nasa mesa ay may isang kulay dilaw na papel ang nakalagay, kinuha ko ito at agad kong binasa ang nakasulat.


Para sa nag-iisa kong Drip,

He-he hayaan mo na akong tawagin kang Drip, na-miss ko na din kasi, ano nasurpresa ka ba na makakita ng makakain na hindi instant, sabi ko na nga ba at hindi ka mabubuhay na wala ang gwapong gwapo mong si Drop, paano ka na lang kapag nawala ako ng tuluyan he-he.

Kung nagtataka ka paano ko nagawa itong magic trick ko na ito dahil wala naman akong susi na ng bahay ay sasabihin ko sa iyo, kahapon bago ako umuwi ay pasimple kong ini-unlock ang pinto sa kusina, at ngayong 5AM ay bumalik ako para lamang ihanda ito at ipagluto ka ng makakain alam ko naman kasing nami-miss mo na ang masarap kong luto, at may napatunayan ako na hindi ka pa din nag-iingat talaga dahil hindi mo man lang chineck ang mga pinto kung naka-lock ba o hindi pasaway ka talaga, pero palalampasin ko ngayon ito dahil ako naman talaga ang may pakana nito, pero dapat i-check mo na sa susunod okay?

Kumain ka ng marami, huwag mong pabayaan ang sarili mo, sa set up natin ngayon alam ko mahihirapan ka pa din pero gagawin ko ang lahat para maalagaan pa din kita at mapadama ko sa'yo na ikaw pa din at ikaw lang ang mahal ko. Sabi pala ni mommy miss ka na niya kaya dadalawin ka daw niya kaya expect mo na pagsulpot niya diyan anytime he-he, alam na din ni mommy ang nangyari kaya huwag ka mag-alala na baka nagtampo na siya sa'yo dahil di ka na dumadalaw sa bahay.

Sige na kain na, alam ko kinikilig ka, alam ko na gutom ka na he-he.

By the way good morning sa pinakamahal kong Drip!

Mahal na mahal kita!

Ang Gwapo mong partner,

Arwin

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon