RAINBOW 07

1.4K 71 3
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Nasa ospital pa din ako noon, at hindi ako mapakali sa kakaisip kung kamusta na si Luke, hindi ko mapaliwanag ang kaba na nararamdaman ko noong mga sandaling iyon, para bang noong binaba niya ang tawag ko sa kanya ay parang lumayo na siya bigla sa akin, sa labis na pag-iisip ko ay sinubukan ko muling tawagan si Luke, pero laging cannot be reached na ang sinasabi sa akin ng operator isang bagay na mas ikinabahala ko, alam ko pag ganito na si Luke, alam ko may problema siya, problema na hindi niya masabi sa akin, aalis na sana ako noon nang biglang ilabas na sa emergency room si Charlie, wala pa rin itong malay pero okay na ang itsura nito kung ikukumpara noong isugod namin siya sa ospital, sinundan namin ang mga nurse na naghatid sa kanya sa magiging kwarto niya sa ospital na iyon, at nang mailipat na siya sa kama nito ay agad nading umalis ang mga nurse at nagpasalamat si mommy sa kanila.


"Paano Win, pupuntahan ko lang ang tita ni Charlie, ikaw na munang bahala sa kanya dito." Ang sabi ni mommy bilang pagpapaalam sa akin.


"Pero mommy, sa tingin ko po ay kailangan ko na puntahan si Luke, medyo nag-aalala kasi ako sa kanya." Ang sabi ko naman, at umaasa ako na mauunawaan ako ni mommy at papayagan niya ako na umalis na din.


"I'm so sorry Win, pero kung aalis tayo pareho ay walang maiiwan para bantayan si Charlie dito, hindi natin pwede iasa sa mga nurse dito ang pagbabantay sa kanya dahil hindi lang naman si Charlie ang pasiyente sa ospital na 'to, bukod pa don ay mas madali mo akong mako-contack kung sakalai man na may mangyari na hindi maganda." Ang sabi ni mommy sa akin, na nangangahulugang hindi ito pumapayag na iwanan ko si Charlie.


"Pero mommy kasi..." ang hindi ko natuloy na sabihin dahil tumingin na sa mga mata ko si mommy, na ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay 'wag na ko magpumilit pa.


"Win, alam ko nag-aalala ka kay Luke, nauunawaan ko 'yon pero sa ngayon ay mas kailangan ka ni Charlie, alam mo naman how much I love Luke din di ba? He's like my son already, pero si Charlie ay parang anak ko na din at alam ko na mahalaga din si Charlie sa'yo, and I'm sure mauunawaan ni Luke ang lahat once na mai-explain mo na sa kanya ang lahat." Ang sabi ni mommy sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi ko, at pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.


"I'm sorry mommy, hindi ko lang po talaga maiwasan na di mag-alala para kay Luke." Ang sabi ko bilang paghingi ng pasensiya sa inasal ko.


"You don't have to say sorry Win, ganito na lang pag dating namin ng tita ni Charlie, pwede ka nang umalis, don't worry bibilisan ko ang pagbalik para makaalis ka na din agad, ano okay ba 'yon?" ang sabi ni mommy at ngumiti ako sa kanya at tumango ako bilang tugon sa kanya.


Pagkatapos namin na mag-usap ni mommy ay agad na din siyang lumabas sa kwartong iyon, habang ako naman ay kumuha ng isang silya at inilagay ito sa tabi ng kama ni Charlie at doon ako ay naupo, muli kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan muli na tawagan si Luke, ngunit tulad pa din noong unag tawagan ko ulit siya ay cannot be reached pa din ang tugon sa akin ng operator, kaya naman napayuko na lamang ako at napatingin sa picture namin ni Luke na wallpaper ng cellphone ko at umaasa na pag nagkausap kami ay ayos lamang ang lahat sa amin.


Lumipas ang halos isang oras ay hindi pa din nakakabalik si mommy kaya naman mas hindi ako mapakali, sinubukan ko muling tawagan si Luke noong sandaling iyon ngunit tulad ng mga nauna ay tanging customer service operator lamang ang sumagot sa akin, napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa wala pa ding malay na si Charlie, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Charlie kahit na alam kong hindi naman niya ginusto na mawalan ng malay sigurado ako doon dahil sa matagal na din ang lumipas na oras nang mangyari 'yon, at muli kong naisip ang mga sinabi niya sa akin bago mangyari ang lahat ng ito, nasa ganoon akong pag-iisip nang mapansin ko ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Charlie, nang makita koi yon ay nakaramdam ako ng tuwa, lumingon siya sa akin, at sa halip na magsalita kami ay tanging pagtitig lamang sa isa't isa an gaming ginawa noon, pero ilang segundo lang ay ako ang umiwas ng tingin sa kanya at kung saan saan ako napalingon para lamang iwasan ang tingin niya hanggang sa magpasya na akong tumayo at dumungaw na lamang sa bintana malapit sa kama niya, ramdam ko pa din na nakatingin sa akin si Charlie pero dahil magkahalong saya at inis ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi ko magawa na tignan siya.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon