EPILOGUE

1.9K 87 20
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Araw iyon ng Linggo, bakasyon noon nang magkaroon ng biglang lakad, nagyaya kasi ng isang out of town trip sila Justine na pinaghatihatian nilang lahat, niyaya nila ako na sumama sa kanila pero nagdadalawang isip ako noon dahil simula ng umalis si Luke ay hindi na ako sumasama sa ano mang lakad dahil laging pakiramdam ko ay may kulang at nami-miss ko lang si Luke sa mga ganoong pagkakataon, tinatawag na nga nila akong emo sa sobrang pagkukulong ko sa bahay, wala din noon si mommy sa bahay dahil may biglaang lakad din na di ko na naitanong kung saan kaya mas nagdalawang isip ako lalo na sumama, pero dahil mauutak din ang mga kaibigan ko ay tinawagan nila si mommy at pinagpaalam ako, at ito namang si mommy ay parang di man lang nag-isip at pumayag na agad kaya naman nang marinig nila ang pagpayag ni mommy ay wala na akong nagawa pa, kundi ang sumama sa kanila pero ang mas kinabigla ko ay hinila at tinulak na nila akong lahat pasakay ng van.


"Uy teka lang out of town trip 'to di ba? Baka pwede namang mag-empake muna ako ng mga gagamitin kong damit, ano out of town trip itong suot lang isusuot ko?" ang sabi ko sa kanila at nagtawanan lang sila at agad na sumakay ng van isinara na ang pinto nito.


"Hindi mo na kailangan mag-empake, pinagdala ka na lang namin, alam kasi naming mahihirapan kami na papayagin kang sumama, simula kasi nang umalis si Luke hindi ka na namin nakakasama, ano kayong dalawa ni Luke iiwan niyo ang barkada, aba di pwede 'yon." Ang sabi ni Von sa akin na siya ding katabi ko.


"Tama, dapat i-enjoy mo pa din ang buhay, tiyaka naniniwala kami na kung kayo talaga ni Luke ang nakatadhana ay magkikita at magkikita kayo, at sa tingin mob a matutuwa si Luke kapag nalaman niyang nagmumukmok ka sa bahay niyo at di ka na sumasama sa amin dahil wala na siya? Siyempre hindi di ba?" ang sabad naman ni Russel.


"Check na check ng ballpen ng unicorn! Kaya papa Arwin kalma lang, let's enjoy this trip, dahil it will be a memorable out of town trip pa din tulad ng dati! Iinggitin natin si friendship Luke para mapauwi na natin dito sa Pinas oha di ba ganda ng ideya ko?" ang sabi naman ni Francis, at napatango na lamang ako at napangiti dahil tama naman sila masiyado na akong nagmumukmok sa loob ng bahay namin kaya siguro dapat na mag-enjoy na muna nga ako ngayon, at hindi din masama ang ideya ni Francis kaya naman hinanda ko ang akin cellphone at nagyaya ako ng selfie at groufie habang nasa biyahe kami, maingay, masaya, at napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan namin, pansamantala kong nalimutan ang pangungulila ko kay Luke, pero alam ko na magiging masaya nga si Luke kung magiging masaya din ako kaya naman I will now step forward in my life at kung dumating man si Luke o hindi ay tanging Diyos na lamang ang nakakaalam.


Habang nasa biyahe ay naging pamilyar sa akin ang dinaraanan namin, ang kalsada nito na nagbibigay ng rollercoaster ride na pakiramdam, ang mga pine trees, hindi ako nagkamaling Baguio ang pupuntahan namin, at nang sandaling iyon ay di ko na naman naiwasang mangulila kay Luke dahil sa dito ko nakita sa Baguio ang super childish attitude ni Luke, di ko na naiwasan ang malungkot, tahimik na noon ang lahat, ang iba ay mukhang napagod kaya naman nakatulog na, isang oras pa ang tinagal namin nang huminto ang sasakyan namin sa aking pagbaba ay di ko inaasahan ang lugar kung saan kami naroroon, iyon ang lugar kung saan kami nag-stay noong unang nagpunta ng Baguio ang buong barkada, hindi ko alam ang mararamdaman ko, pakiramdam ko ay nanadya pa ang mga kaibigan ko na ipaalala sa akin ang lahat, pero masaya ako at the same time dahil nakabalik ako roon, pero malungkot din dahil wala si Luke nang bumalik ako.


"Papa Arwin tara na!" ang nadinig kong sigaw ni Kris na papasok na ng cabin kasama ang iba pa naming kaibigan, at tumango ako sa kanya at pagkatapos ay pumasok na din siya. Nagpaiwan ako sandali sa labas ng cabin na iyon at pinagmasdan ang buong paligid, halos wala pa ding pinagbago ang lugar na iyon, di ko maiwasan ang manumbalik sa mga panahong naroon kami ni Luke at matawa nang maalala ko nang minsan siyand madapa dahil sa paghabol niya sa akin, at madami pa akong naalala na hindi ko na naramdamang lumuluha na pala ako noon. Huminga ako ng malalim at pinahid ko ang aking mga luha ng magpasya na akong pumasok sa cabin.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon