RAINBOW 14

1.3K 73 5
                                        

ICKO'S POINT OF VIEW:


Naging madalas na ang pagkikita namin ni Luke simula noong araw na yakapin ko siya, ang totoo noon ay sinundan ko siya dahil hindi ko maalis na hindi mag-alala sa kanya, nang pauwiin niya ako maging ang mga pinsan niya ay nagmamadali kong iniuwi sa amin si Wrain upang makabalik agad sa bahay niya, matiyaga ko siyang hinintay na lumabas siya ng bahay niya at nang lumabas nga siya ay maingat ko siyang sinundan, sinundan ko lang siya ng sinundan kahit sa palihim din niyang pagsunod kila Arwin at Charlie, nakita ko sa kanya ang pangungulila kay Arwin at ang sakit na makita na magkasama sila ni Charlie, kaya naman noong pauwi na siya at makita ko na muli na naman siyang umiyak ay di ko na napigilan pa ang sarili ko na tawagin siya at lapitan siya, hanggang sa yakapin ko na siya, ang mga sandaling iyon para sa akin ay isang sandali na di ko malilimutan, doon ko din tuluyang natanggap na tama sila papa at mama sa iniisip nila, doon ko din natanggap na hindi ko magagawang pigilan ang damdamin ko para kay Luke, doon ko lamang natanggap sa sarili ko na iniibig ko nga talaga si Luke at hindi ko magagawa na isuko pa siya kaya naman noong sandaling yakapin ko siya ay nakapagadesisyon ako na gagawin ko ang lahat para sumaya siyang muli ngunit hindi sa pamamagitan nang naisip ko noong una na tulungan si Arwin, kundi sa pamamagitan ng pagpalit sa pwesto na kanyang iniwan.


"Icko ayos ka lang ba? Pasensiya na kung pinaghintay kita ha." Ang sabi ni Luke nang lumabas na siya ng gate, unang araw kasi ng klase at sa mga nakalipas na araw ay napag-usapan na namin na susunduin ko na siya sa tuwing may klase kami sa parehong araw, noong una ayaw pumayag ni Luke sa ideya kong iyon pero nakulit ko din kaya napapayag ko na din siya.


"Ah oo ayos lang ako may iniisip lang kasi ako, tiyaka 'wag mo alalahanin kung hinihintay kita kasi ayos lang sa akin na hintayin ka." Ang sabi ko at ngumiti ako sa kanya na tinugon din naman niya ng ngiti, kahit paano masasabi ko na maayos na si Luke, kahit paano ay nakikita ko na nakaka-move on na siya sa kanila ni Arwin, "ah siya nga pala pinadala sa akin 'to ni mama, naisip niya nab aka hindi ka pa nag-aalmusal kaya daw ibigay ko sa'yo 'to." Ang dagdag kong sabi sabay pakita kay Luke ng paper bag na naglalaman ng pagkain na pinabibigay ni mama kay Luke.


"Naku si tita Aves talaga, pakisabi kay tita mamaya sa pag-uwi mo na salamat sa pag-aalala at pasensiya na sa abala." Ang sabi ni Luke at kinuha niya ang paper bag na binigay ko.


"Makakarating 'yan kay mama, kainin mo 'yan habang bumabiyahe tayo, para naman may laman 'yang sikmura mo." Ang sabi ko naman na hindi pinapahalatang masaya ako na makakasabay ko siyang pumasok sa unang araw ko sa unibersidad na nilipatan ko.


"Huwag ka mag-alala kakainin ko 'to, di ko sasayangin ang masasarap na pagkain na tulad ng luto ni tita Aves." Ang sabi naman ni Luke bilang tugon, "ano tara na?" ang dagdag niya pang sabi bilang pagyaya sa akin na simulan na namin ang paglalakad, at sinang-ayunan ko na ito.


"Oh teka papasok na ba kayo?" ang biglang sabi ng isang boses mula sa likuran namin kaya naman agad naming nilingon ang pinagmulan ng boses at nakita namin ni Luke sila Justine, Kaloy, at Orly na magkakasabay na naglalakad, napahikab pa nga si Orly at halatang antok na antok pa ito.


"Oo insan, sasabay na din ba kayo sa amin?" ang tanong naman ni Luke sa kanila.


"Kung ayos lang ba naman sa kasama mo bakit hindi." Ang sabi naman ni Justine bilang tugon at pakiramdam ko ay biglang uminit ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Justine, at naramdaman ko na lang na umakbay sa akin si Kaloy na para bang napakalapit na namin sa isa't isa.

Rain.Boys VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon