LUKE'S POINT OF VIEW:
Patakbo akong umalis nang matapos akong magpaalam kila Icko at sa papa nito na si tito Franc, isang bagay lamang din kasi ang naalala ko na gagawin ko noong magkausap kami ni tita Aves, malaki ang naitulong sa akin ni tita Aves para mas gumaan ang pakiramdam ko, alam ko na habang buhay ko na pagsisisihan ang nangyaring ito sa amin ni Arwin, sino ba naman ang hindi 'di ba? Nakita ko na nga yung tao na alam kong para sa'kin pero nagawa ko pang ipagsapalaran ang relasyon namin.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto, halos hingal pa ako nang makarating sa aking kwarto, pagpasok na pagpasok ko ay hinanap ko na agad ang bagay na aking pakay, at iyon ay ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Arwin, ang pinakahuling regalo na aking ibibigay sa kanya, at sa gabi na ding ito siguro mangyayari ang huli naming pag-uusap bilang magkakilala, bilang Drip at Drop.
Tahimik akong naglakad papunta kila Arwin dala ang paper bag na naglalaman ng action figure ni Kobe Bryant, malungkot man ay may pananabik akong nararamdaman sa aking puso, pananabik na makita siya, pananabik na sa huling pagkakataon ay masasambit ko ang pangalan niya at ang tawag ko sa kanya, habang naglalakad ay hindi ko rin naiwasan na sariwain ang lahat sa amin ni Arwin, lahat ng masasayang alaala na aming pinagdaanan, lahat ng mga pakulo niyang ginawa para lang ako ay mapasaya, si Arwin na ang masasabi kong man of my dreams, ang man of my dreams na hindi ko magagawa pa muling makakasama.
Nang makarating na ako sa tapat ng gate ng bahay nila Arwin ay hindi ko alam kung paano ko tatawagin si Arwinpara lumabas, naisip ko pa nga na iwanan na lamang ang huling regalo ko para sa kanya sa labas ng gate pero hindi naman kasi iyon ang plano ko, gusto ko na makita siya at pipilitin ko na tatagan ko ang loob ko na kayanin ang paglalagay ng tuldok sa relasyon namin, huminga ako ng malalim upang kalmahin ang aking sarili, ilang beses ko pa ginawa 'yon bago ako nagkaroon ng sapat ng lakas ng loob para tawagin si Arwin mula sa gate nila, hanggang sa naisip ko na sa halip na sumigaw ay tawagan na lamang siya gamit ang cellphone ko, kukunin ko na noon sa bulsa ko ang cellphone ko nang biglang bumukas ang gate nila Arwin at napahakbang pa ako paatras nang dahil doon, at bumilis ang pagtibok ng puso ko, halos natulala ako, at napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko na si Arwin ang lumabas mula rito, at ang mokong para bang nakakita ng isang himala sa saya na nakita ko sa kanyang mga mata at ngiti na halos umabot hanggang magkabilang tainga niya, at sa loob loob ko ay mami-miss ko ang mga ganitong ekspresyon niya.
"Drip!" ang sabi ni Arwin at walang pagdadalawang isip niya na niyakap niya ako habang ako naman ay hindi pa din maka-recover sa pagkabigla ko nang lumabas siya, gusto ko sana na gantihan ang yakap niyang iyon pero kailangan kong pigilan ang aking sarili dahil baka sa oras na yakapin ko na siya ay maubos lahat ng lakas ng loob ko at pagtatapang tapangan ko.
"Maaari ka nang bumitaw sa pagyakap sa akin, Drop." Ang sabi ko sa malamig na tono, at nang madinig iyon ni Arwin ay agad siyang bumitaw sa akin, tumingin siya sa akin na wala na ang kaninang maganda at nakakatuwa niyang ngiti.
"Drip, hindi mo pa din ba ako napapatawad?" ang tanong sa akin ni Arwin, at napayuko na lamang ako dahil sa hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata lalo't alam ko na wala naman talaga siyang kasalanan.
"Hindi Drop, hindi, ang ibig kong sabihin ay hindi mo naman kailangang humingi ng tawad dahil kung tutuusin wala ka namang kasalanan." Ang sabi ko sa kanya, at napakagat na akong ng labi upang mapigil ko ang pangingilid ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys V
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang mangyayari, ay siya palang panahon kung saan mas mararanasan pala natin yung sakit na di natin inaa...