Chapter 1

353 7 0
                                    

Puting buhangin. Malawak at malinis na karagatan habang unti unting sumisilip ang haring araw sa kalangitan.

Napangiti ako ng makita ang liwanag ng araw. Agad kong kinuha ang aking camera na nakaready at kinuhanan ng litrato ang magandang senaryong nasasaksihan ko.

"Beautiful" Bulalas ko habang patuloy na kinukuhanan ito ng litrato. Hindi ko alintana ang lamig. Alam kong sobrang aga pa, pero hindi ko pwedeng palampasin ito. Hilig kong panuorin ang sunrise it makes me feel hm I don't know, Relieved? Kasi naabutan ko nanaman siya.

Nang tuluyan ng lumitaw ang haring araw nag pasya na akong tumayo sa buhanginan at mag lakad lakad muna bago bumalik sa suite. My last beach out for summer dahil next week pasukan na ulit.

Kuha ako ng kuha ng litrato ng mga magagandang anggulo na nakikita ko.

Napatili ako ng mahina dahil sa paghampas kaunti ng tubig sa bandang gilid ko. Mabuti't naitago ko agad ang aking camera. Napalingon ako sa bandang dagat ng makita kong may isang lalaki na kakababa lang sa jetski. Ohhhh. How I want to try that thing. But daddy won't allow me. Pati sila kuya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad ng dumaan sa harapan ko ang lalaking naka topless at basang basa ang katawan.

My cheeks heat up as my gaze darted on a perfect sculpted abs. Napatingala ako at nakita ang isang napaka gwapong nilalang.

Droplets of water are cascading down his perfect face. Kagat kagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sakin. Ngumiti siya ng tipid.

"You're all alone?" Napatigil ako sa pag hakbang ng bigla itong mag salita. He said it like he knew me for so long. Naituro ko tuloy ang sarili ko bago tumingin sa likod ko.

"Not really" Mahinhin kong sagot bago ito ngitian. I heard him chuckled bago ito napabaling sa camerang yakap yakap ko.

"You like photography?" Napatango ako ng paulit ulit. Magaang ang pakiramdam ko sakanya. Mukha naman siyang mabait.

"Yes. A lot" Again, Ngumiti nanaman ito ng tipid. Yung ngiti na gugustuhin mo makita ng walang humpay.

"Well, I need to go. I'm Zyon by the way." Sabay lahad nito ng kamay. Agad ko itong tinanggap bago nakipag hand shake and i instantly felt something. Para akong nakuryente kaya di ko maiwasang mapabitiw agad.

"A-ashnelle" Sagot ko.

"You really have a lovely name, Ashnelle. You take care hmm?" Saka siya naglakad paalis.

Napatitig ako sa likod niya at nag taka. Something's wrong..

"You really have a lovely name.." Ulit ko sa sinabi niya. Do i know that guy? Nah. Ipinilg ko ang aking ulo. Baka nagkamali lang  siya ng pagkakasabi. Dapat ay 'You have a lovely name'

Bigla kong naalala ang kanyang tipid na ngiti. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib.

Hindi nanaman normal ang tibok ng puso ko. Kailangan ko ng bumalik sa suite para makainom ng gamot.

Agad akong nag madali para makabalik. Malapit na ako sa center palace ng makita ko ang tatlo kong mga  kuya na nag aantay sa may pintuan. Napairap ako at natawa bago sila kawayan. Natarantang tinapon ni Kuya Edward ang sigarilyong kanina hinihithit niya. Si Brent at Kuya Cedric agad lumapit sakin.

"Sa susunod nga mag papaalam ka. Lagi nalang pag titignan ka namin sa kwarto mo walang tao" Nakasimangot na saad ni Brent sakin. Di nag tagal lumapit nadin si Kuya Edward bago ngumisi at akbayan ako. Kinurot ko ito sa tagiliran ng maamoy ko ang menthol flavored cigar niya. Napa-ngiwi naman ito.

"Ouch! What was that for?" Nakanguso na ito habang himas himas ang parteng nakurot ko.

"Mas maaga kang mamamatay sakin kuya pag di mo tinigil yang pag sisigarilyo mo!" Giit ko dito bago himalikipkip. Biglang sumeryoso ang mukha nila. Uh-oh.

Hinawakan ni kuya Cedric ang pisngi ko saka tinapik ng mahina.

"How many time do we need to tell you na wag kang ganon mag salita?" Malambing na saway niya sakin. Napakagat labi ako bago ngumiti ng malapad. Ayaw na ayaw talaga nila na nababanggit ko ang ganon.

"I'm sorry kuya. Pasok na tayo sa loob" Ani ko bago naunang pumasok sa bahay na nirent namin dito sa Capobianco Resort. 5 days kami dito at pang 3 days na ngayong araw. It means may dalawang araw pa ako para mag saya at magpakasawa.

Pumunta ako sa kusina at kita ko si mommy na naglalapag na ng plato sa lamesa habang si daddy ay palabas palang ng kwarto.

"Nakita mo ba sila Kuya mo sa labas? Nag panic nanaman ang mga iyon ng makitang wala ka sa kwarto mo" Sabi ni mommy bago ako paupuin sa hapag.

"Mommy. Masyadong Oa lang sila kuya. May pinanuod lang po ako sa labas tapos nag lakad lakad konti" Saad ko bago tumusok ng hotdog.

"Anak, Matuto ka paring mag paalam. Alam mong di ka pwedeng napapagod" Napatango ako sa sinabi ni Daddy bago ngumiti. Ganyan sila lagi. Konting oras na mawala ako sa paningin nila parang mga bulate na ang mga yan na inasinan.

Mahal na mahal talga ako ng pamilya ko. At ganoon din naman ako. Narinig ko ang ingay nila kuya na alam kong papasok na dito sa kusina. Kita ko pang binatukan ni Kuya Edward si  Brent na agad ding gumanti. Si Kuya Cedric napapailing nalang at ngumisi bago umupo sa harap ko. Ganto kami kasaya.

Kulang nga lang kami. Si Ate Dalhia. Nasa states siya nagtatrabaho. Siya ang pinaka panganay sa lahat 33 na siya. Sunod si Kuya Cedric na 29 na at nag tatrabaho nadin bilang doctor sa isang niyang malaking ospital pangalawa si Kuya Edward na 24 years old at walang trabaho. Dakilang tambay. Bulakbol kasi, tapos pangatlo si Brent 21, 4th yr college na at pang huli ako 19 years old 3rd year college sa pasukan.

A.B.C.D.E Kung pansin niyo ganyan ang pangalan namin. Si Lola daw ang nakaisip na ganyan daw ang gawin sa mga magiging anak ni mommy. Since only child lang si mom kaya sinunod niya.

Nag tatawanan at nagkukulitan kami nila kuya sa may salas ng matapos kami mag agahan.

"Nandito daw sila Celestial." Naisatinig ni Brent habang nakadungaw sa kanyang phone. Namamahinga naman ang ulo ko sa balikat ni Kuya Cedric na naka pikit at nakahalukipkip. Tahimik talaga to. Di ko alam kung bat wala pa tong asawa. Maski girlfriend. Si Ate Dalhia malapit na ikasal eh parehas lang naman silang nasa tamang edad na.

"Papuntahin mo dito" Sabi ni Kuya Edward na nag hahagis ng baraha sa center table.

"Sinong Celestial?" Singit ko sa usapan ng dalawa.

"Tropa nila. Kendra's younger brother" Biglang salita ni Kuya Ced. Akala ko tulog to? Nakapikit padin kasi eh.

"Kendra? Si Ate Kendra Celestial? Your First love?" Inosenteng tanong ko. Naghagalpakan bigla sa tawa sila kuya Edward at nag tiim bagang lang si Kuya Ced.

"And his last love, Sis" Ngingisi na sabi ni Kuya Edward. Dumampot ng throw pillow sa gilid si kuya Ced bago ito binato sakanya kahit nakapikit ito nasapul siya sa mukha. Napahagikhik ako sa nasaksihan.
"Shut up you scum" Kuya muttered. Ngumisi lang ang isa kong kuya.

Napatingin ako kay Brent ng biglang siyang tumayo

"He's here" Saka siya nag diretso sa may pintuan. Ginaya ko nalang si Kuya Ced na nakapikit.

Mostly pag ganitong may bisita sila kuya sa bahay namin ay nagkukulong lang ako sa aking kwarto. Bukod sa nahihiya akong humarap sa mga kaibigan nila ay takot akong makihalubilo sa madaming tao. Kaya ni minsan ay di ko pa namimeet ang mga kaibigan ng mga kuya ko. Pero mukhang isang tao lang naman ang bisita nila kaya ayos lang.

-
A/n: This part is edited.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon