Chapter 31

84 2 0
                                    

Pumupungas pa ako ng buksan ko ang mata ko ng biglang may dumamba saking babae

"Oh my God! I miss you!" Sigaw ni Eliz at patuloy parin sa pag yakap sakin. Sumulyap ako kila Francine na nasa likod niya. Ngumiti ako saka napasulyap sa wall clock.

"Bakit nandito kayo? Ang aga pa ah?" Tanong ko sakanila ng makahiwalay sa pamatay na yakap ni Eliz.

Dalawang linggo nadin ang lumipas simula ng ma-confine ako sa ospital at nakakapagtakang hanggang ngayon di padin ako pinapalabas ng doctor. Hindi na ako nanghihina o nanglalambot. May lakas na ako ulit.

"Eto kasi si Elizabeth binulabog kami. Ang aga aga" Ani Lily saka naupo sa isang sofa. Napangiti ako. Sa nag daang dalawang linggo ngayon lang nakapunta si Eliz dito. Kaya natutuwa ako at nandito siya ngayon.

"I'm sorry if ngayon lang ako nakadalaw Ash. Sobrang sobrang busy lang talaga. Nag hire kasi kami ng mga bagong designers kaya di ako makaalis" Eliz pouted her lips.

"Okay lang yon. Nakaabala pa tuloy ako sayo ngayon" Nakangiti kong sagot sakanya saka umayos ng upo.

"Come on! Kahit kailan di ka magiging abala no" Ngiti niya saka ako niyakap muli. Natawa ako at niyakap siya pabalik.

Bigla kong naalala si Zyon at Brent dahil napansin kong wala sila. Si Kuya Edward lang ang naiwan na ngayon natutulog sa isa pang sofa.

Bago ako matulog sila ang kasama ko dito ah?

Napansin ata nilang napalinga ako sa loob ng malaking kwarto.

"Looking for Kuya Zyon? Lumabas sila saglit bibili lang daw ng coffee" Untag ni Francine bago naupo sa tabi ni Lily na busy sa phone niya.

"Anong pakiramdam mo ngayon?" Napabaling akong muli kay Eliz dahil sa tanong niya. Inaayos niya ang punda ng unan ko ng tanungin niya ako.

"Actually okay na nga ako eh. Di ko nga alam kung bat hanggang ngayon ayaw pa ako ilabas dito" Sagot ko sakanya.

Biglang ngumiwi si Eliz ng marinig namin ang hikab ni Kuya.

"Oh. May bisita pala. Forgive me ladies" Kuya Edward's husky voice was too sexy. Kakagising lang kasi eh. Tumayo siya sa pagkakahiga saka lumapit sakin. Nakatayo siya sa gilid ni Eliz na hindi gumagalaw o luminlingon manlang.

"Lumayo ka nga! Amoy laway ka" Nagulat ako ng sabihin iyon ni Eliz saka siniko si kuya sa tagiliran. Pumaling ang ulo ko.

"Wow. Nahiya ang mabango kong laway sa suka mo last time" Kahit nakangisi si Kuya Edward ngayon kitang kita ko padin ang pag igting ng panga niya ng sabihin niya iyon.

Natikom ko ang aking bibig at parang nanunuod ng tennis match dahil sa palipat lipat ko ng tingin sakanilang dalawa.

"Kayo bang dalawa may tinatago samin?" Ani Lily saka tumayo at lumapit. Napatango ako na sumasangayon sa tanong niya.

"Wala!/Meron" They both snorted in chorus. Naningkit ang mga mata namin nila Francine.

Sabi ni Kuya meron tapos si Eliz wala naman. Hay nako tong dalawa na to talaga oh

*

"What do you want?" He asked her ng makahanap sila ng mauupuan.

"Pork teriyaki with mashed potato" Sagot niya. Tumango lang ng tipid si Zyon dahil busy siya sa kakapindot sakanyang cellphone.

"Zyon Andrei" Tawag ni Megan sakanya na nag uumpisa ng mainis dahil sa hindi pag bibigay nito ng atensyon sakanya.

Zyon is starting to get into her nerves. Lagi nalang kasi pag magkikita sila kung hindi ito tulala at napapangiti nag cecellphone naman ito habang nakangiti. She's so mad at him pero di niya magawang sabihin dahil sa takot.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon