Chapter 23

92 2 0
                                    

Dumating ang biyernes ng walang imikan na nangyayari samin ni Brent.

Sariwa padin sa alaala ko ang lahat kaya di ko padin siya magawang kausapin.

Natigil ako sa pag iisip ng pumitik sa mukha ko si Lily.

"Huh?" Taka kong tanong dito bago kumurap at balingan siya ng tingin.

"Hindi ka nakikinig. Ang sabi ko ready kana ba sa date niyo ni Luke mamaya?" Nakairap nitong sabi. Kumurap ulit ako bago umawang ang aking bibig.

Right! Muntikan ko pang makalimutan. Tsk. Kakatapos lang ng library period namin kaya pansamantalang naka tambay muna kami sa benches.

"Friendly date Ly. Oo, sinabi ko sakanyang itext nalang ako kung saan kami magkikita" Tugon ko rito. Tumango silang dalawa ni Francine at bigla nalang ngumisi.

"Alam ba niya?" Tanong ni Fran. Pumaling ang ulo ko.

"Niya?" Wala akong idea kung anong pinupunto niya. Saka ko lang nalaman ng maramdamang may kamay na dumantay sa balikat ko.

Kahit nakatalikod alam ko na kung sino ito. Amoy na amoy ko nanaman ang mamahalin niyang pabango. Sumulyap ako sakanya ng nakangiti.

"Kumain kana?" Pang bungad niyang tanong bago kuhanin ang bag kong nakalagay sa tabi kong upuan at doon siya naupo. Nilagay niya lang ang pink kong bag sakanyang kandungan.

"Hindi pa. Kakatapos lang ng library period namin. Nagpapahinga lang kami ngayon" Sagot ko sakanya. Sobrang gwapo niya talaga.

Dahil maliwanag, kitang kita ko ang makurba at makapal niyang pilik mata. Gustong gusto kong panuorin ang pag galaw non every time na kukurap siya.

"Kuya Zyon, Alam mo bang makikipag--" Agad naputol ang sasabihin ni Francine ng ngitian ko siya ng sobrang tamis. Please don't tell him.

Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya siya nagtikom ng bibig bago mahinang bumungisngis sa tabi. Ngumuso ako.

Kinwento ko sakanila nung isang araw ang nangyari. Nagulat kasi sila ng makita ang pasa ni Zyon sa gilid ng labi nito.

Napabaling tuloy ako sa gilid ng labi nito. Wala ng band aid pero may pasa padin. Naghilom nadin kahit papano ang sugat doon.

"Makikipag ano Francine?" Tanong niya. Nasapo ko bigla ang noo ko. Akala ko nakalimutan na eh

"Wala yon" Ako na ang sumagot. Tumitig siya sakin na parang sa ganoong paraan malalaman niya ang totoong dahilan. Jeez! Nag iwas ako ng tingin.

"Ehem. Bibili na kami ni Fran ng makakain. Lunch break na naman eh. Dito nalang tayo kumain, Ash?" Tanong ni Lily. Ngumiti ako at tumango.

"Alam mo na ang ibibili sakin huh?" Sabi ko sakanya.

"No. Maupo nalang kayo. Inutusan ko driver namin na bumili ng pagkain sa labas" Biglang sabi ni Zyon bago niya kinuha ang Iphone niya.

Sinilip ko yon saglit at nakitang naka black lang ang wallpaper noon. Para siyang may binasa don bago nag tipa ng mensahe.

"Okaaaay" Sagot ng dalawa bago naupong muli.

"By the way nakausap na namin kahapon si T-tito Migo. Pumayag siya na doon nalang tayo sa rancho nila" Francine flushed after saying it.

"Pupunta din daw kasi sila ni Sebastian doon bukas so sakto lang daw. Pakisabi nalang sakanila Zyon" Dagdag naman ni Lily saka siya ngumisi sa patuloy paring namumula na si Francine. Mahina akong natawa at ngumiti. Kaya naman pala.

"Alright. May meeting naman tayo mamaya eh" Sagot ni Zyon.

"Huh? Hindi ako pwede" Halos masabunutan ko na ang sarili ko ng masabi ko iyon. Great now I'm doomed.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon