Chapter 57

53 2 0
                                    

Bigla akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan. Pero nang maupo ako saka ko lang nalaman na nauuhaw ako. Napalingon ako saaking tabi at nakitang mahimbing na natutulog sa tabi ko si Francine at Lily. Samantalang sa mattress sa baba ay sila Eliz at Ate Gail. Dito pala sila natulog?

Dahan dahan akong bumangon sa kama. Sinikop ko ang buhok ko saka iyon pinaikot at tinali. Hinalughog ko ang bag kong nasa side table at kinuha roon ang white turban ko saka sinuot saking ulo.

"5 am palang.." I mumbled to myself when I got a glanced on the clock. Maingat akong lumabas ng guest room at agad bumungad sakin ang tahimik na daanan. Naglakad ako patungo sa hagdan at bahagyan napasulyap sa pintuan ng kwarto ni Zyon ng madaanan ko iyon. Tulog pa siguro yon. Anong oras na kaya sila natapos kagabi?

Nagdadalawang isip tuloy ako kung bababa ako o hindi. To think na tulog pa siya at baka nandito sila Tito Richard. Nakakahiya. Pipihit na sana ako patalikod upang makabalik sa guest room ng may makasalubong akong maid nila.

"Good morning ma'am" Nakangiti nitong bati sakin. Ngumiti ako at dumako ang tingin ko sa dala niyang bowl. May mga lettuce, carrots, celery, strawberries at slices apples doon.

"Good morning din po. Ash nalang po" Magalang kong sagot bago tinuro ang dala niya.

"Saan niyo po yan dadalhin ate?"

"Ah ito. Kay sir po. Nandon kasi sa rooftop ngayon at tinitignan ang alaga niyang kuneho" Medyo may pagkamabilis ang pagkakabigkas niya noon. Gising na si Zyon? Ng ganito kaaga?

"Ako na po ang mag dadala niyan ate" I smiled.

"Ay talaga? Nako salamat. Sige, madami pa kasi kaming lilinisin sa garden eh" Nagagalak niyang sabi saka abot sakin ang bowl na hawak. Humagikhik ako at nginitian siyang muli saka na nagtungo sa isang hagdan kung saan patungong rooftop.

Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin pagkarating ko sa itaas. Napatingin ako sa kaliwa at bahagyang umawang ang bibig ko. Kitang kita ko kasi mula rito ang mga biyak ng muscles sa likod ng isang lalaki dahil wala siyang suot na pang itaas. Nag iwas ako ng tingin. My goodness! It's freezing out here you crazy boy..

"Just put the bowl here ate jane" Halos kilabutan ako sa malalim at paos niyang boses. Nagsalita siya ng hindi tumitingin sa likuran kaya di niya alam na ako ang may dala nito. Gusto ko siyang hampasin at pag sabihan na mag damit kaso mukhang nalunok ko ata ang dila ko.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Learn to wear a shirt when you get out of your room" Sambit ko habang nakatitig kay Flint. Malaki na ito hindi katulad noon na kasya pa siya sa palad ko. Napangiti ako at dahan dahang binuhat ang may kalakihan ng rabbit.

"Holy--" Bulalas niya at tila nagulat sa presensya ko. Pinigilan kong wag matawa. Nang sulyapan ko kasi siya ay medyo nanlalaki ang mata nito.

"Good morning" Bati ko sakanya habang hinahaplos ang ulo ni flint.

He cleared his throat before giving me a jaw dropping smile. Lumagpak ang tingin ko papunta sa kuneho na hawak ko dahil di ko mapigilang kiligin para sa simpleng ngiti na yon.

"Magiging maganda lagi ang umaga ko kung ganyang mukha ang makikita ko pag dilat ng mata. Beautiful eyes, flushed cheeks, pink lips and bedroom hair" Binulong niya iyon sa tenga ko kaya bahagya akong nakiliti. Nilayo ko ang aking ulo sakanya at namumulang tinitigan siya ng masama.

"Will you please.." Saway ko sakanya na ikinahalakhak lang nito. Hay nako Zyon.

Nagsimula na kaming pakainin si Flint na sobrang likot. Kanina ay nilagay ko na siya muli sa bahay niya at takbo agad ito ng takbo. Nilagay ko sa tabi niya ang isang carrot agad niya naman iyong kinuha. Tumawa ako.

"Ang cute niya talaga" Untag ko. Sinulyapan ko si Zyon na pinapanuod din pala ang rabbit.

"Yeah he is. Just like his mother" Nung una ay hindi ko pa nagets ang sinabi niya pero ng maalala kong ako nga pala 'kuno' ang mommy ay agad ko siyang hinampas sa braso.

"Mukha akong rabbit?" Ngumuso ako at kinunotan siya ng noo. Don't get me wrong. Sobrang cute ng mga rabbit pero yung sabihing kamukha ko? Jeez.

"I guess? Anak natin yan edi mukha kang rabbit" Tumatawa niyang sabi saka ako inakbayan. Kinurot ko ang kanyang kamay.

"Edi mukha ka ding rabbit" Sabay irap ko at natawa nadin.

"Kaya nga. We are a rabbit family" He said.

Tumingin akong muli kay flint na nginangatngat ang carrot. Binigyan ko naman siya ng strawberry at bahagyang nilaro habang may kausap si Zyon sakanyang phone.

Saka ko lang nalaman na tumawag lang pala siya sa telephone nila sa baba at nagbilin na magpanik ng gatas na ngayon ay dala na ate jane. Inabot ko iyon at pinasalamatan siya. Tinignan ko si Zyon.

"Dapat ay bumaba nalang tayo" Sambit ko habang sumisimsim sa baso

"Later. I still want to stay here with you. Walang istorbo. Walang magulo" Aniya. Napangiti ako sa gitna ng aking pag inom.

I want this too. Being alone with him.

"Zyon" Tawag ko sakanya bago siya tinignan. Nahuli ko siyang pinapanuod pala ako habang umiinom.

"Hmm? Yes angel?" Malambing niyang sambit. Kinagat ko ang ibaba kong labi para maiwasang mapangiti.

"Why did you love me?" Tanong ko habang nakatitig padin ng diretso sa mata niya. He really has this pair of expressive eyes.

"Hmm. How many times did you asked me that certain question" He said while he was playing his lower lip using a finger. I gulp at that sight. Jeez bakit.. Bakit gumawa ng ganito kaperpektong mukha ang Panginoon? Masyadong makasalanan. Nakaka akit sa isang inosenteng babae na tulad ko. And now I accept the fact that I'm innocent.

"Know what Ashnelle. If you love someone you can't really explain how, when and why did you love her. In my case all i know is my heart is beating just for you. So let me ask you the same question but not really the same.. Why did you like me? You know my issues back then right?" Seryoso niyang sabi bago hinawakan ang kamay ko. Dumako ang tingin ko doon. Ngayon ko lang naalala na di ko pa pala nasasabi sakanya na mahal ko siya

"I like how you take good care of me.. How you make efforts to make me smile. And also.. Nagustuhan ko kung paano mo tinanggap na may malubha akong sakit. Minahal mo ako kahit na ganto lang ako" Mahina kong sabi sapat lang para marinig niya. He tipped my chin. I looked at him again. Bumuntong hininga siya.

"The problem with you is.. Ginagawa mong dahilan ang sakit mo para di ka sumaya. That's just so wrong angel" Malambing ang pagkakasabi niya noon kaya di maiwasang kumalabog ng puso ko. I can feel his thumb caressing my chin.

"I know.. Natatakot lang ako" Sagot ko. Pumikit siya ng saglit bago tumingala. Nakita kong gumalaw ang kanyang adams apple bago ako tinignan at dahan dahang sinandal ang noo sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw.

"You don't have to be scared because I'm here. I will take every damn thing that might scare you" He whispered. His hot breath is touching my collarbone reason why it sent chills down my spine.

"Oh, Zyon." Tangi kong nasabi kasabay ng pag patak ng isang butil na luha saaking pisngi. Masaya ako dahil lagi siyang nandyan para sakin, para pasayahin ako, pagaanin loob ko at iparanas sakin ang lahat. Pero di ko maiwasang malungkot, matakot at mangamba.

Paano.. Paano kung mapalitan na tong puso ko?

-
A/n: Nalalapit na ang katapusan at delubyo. Huhuhuhu

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon