Chapter 25

87 3 0
                                    

Nakarating kami sa rancho ng mga Sandoval ng walang imikan. Paano mag iimikan eh buong biyahe ata akong tulog.

Nagi-guilty tuloy ako dahil tinulugan ko sa biyahe si Zyon imbes na ientertain ko siya dahil siya yung nag dadrive.

Pero dahil ata sa pag tulog ko guminhawa na ang pakiramdam ko.

"Nasaan daw sila?" Tanong ko sakanya habang tinitignan ang ibang mga kabayo na wala sa loob ng kanilang kwadra. Nasa mga apat na may edad na mga lalaki ang nag aalaga sakanila. I guess sila ang kailangan naming interviewhin mamaya.

Kinuha ko ang aking Dslr sa loob ng bag bago nag umpisang kuhanan ng magagandang litrato ang paligid. Kinuhanan ko din mula sa malayo yung kabayo na kulay puti na parang nakatingala sa langit.

"Nasa kubo daw malapit sa resthouse nila Sebastian" Sagot niya bago ako hawakan sa kamay at marahan ng hinila patungo roon.

Gusto ko sanang kuhanan pa ng litrato ang mga nakikita ko pero di ko magawa dahil mahigpit na hawak ni Zyon ang kamay ko.

Napadako tuloy ang titig ko doon. Para akong lumulutang. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman yung mainit niyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Kaya kahit mahirap sinubukan kong picturan ang kamay namin.

Lihim akong napangiti ng maayos ko yong nakuhanan.

Nang natanaw ko na ang resthouse nila Kuya Sebastian napabitaw na ako. Ayokong makaagaw nanaman kami ng atensyon. Lalo't alam ko na nandito ang kapatid kong si Brent.

Nilagay nalang ni Zyon ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang bulsa ng pantalon niya. Para siyang model ngayon na rumarampa. Seryoso ang mukha niya pero bahagyang naka nguso ang kanyang labi.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Francine samin ng makalapit kami sa kubo. Naupo ako sa tabi niya at di sumagot. Ayokong malaman ni Brent na may nangyari nanaman sakin. Tiyak na sasabihin niya yon kila mommy at baka i-home study nalang ulit ako.

Ayoko na ng ganon. Para akong prisoner. Ayoko ng mangyari yung dati na ilang taon akong di nakapag aral sa totoong eskuwelahan.

"Traffic" Si Zyon nalang ang sumagot bago nakipag apiran kila Henry. Nagulat pa ako dahil maski sa kapatid ko ginawa niya iyon. Okay naba sila? Hay. Mabuti naman kung ganon.

"Sila Tito Amigo nasaan?" Bulong ko kay Fran. Nginuso niya ang resthouse di kalayuan sa kubong kinalalagyan namin.

"Hindi pa namin nakikita sila Tito pero yung bmw ni Basti nakita namin doon sa may garahe kaya baka nasa loob sila" Sagot niya kaya tumango ako.

Pag baling ko sa unahan agad kong nasambot ang titig ni Zyon sakin. Para niya akong tutunawin. Ngumuso ako para masabi sakanyang tumigil pero ang loko ngumisi pa bago sumandal at hinaplos haplos ang labi niya gamit ang daliri nito namula tuloy ng sobra ang pisngi ko.

"Shit! I forgot my tripod" Napadako ang tingin ko kay Tristan sakanyang sinabi. Siguro kailangan iyon dahil siya yung mag vivideo ngayon. Salitan kasi silang tatlo nila Jericho at Henry.

Alam ko ang katulong ko naman sa pag kukuha ng litrato ay si Jen.

"May dala akong tripod. Iyon nalang ang gamitin mo" Sabi ni Jen bago namumulang yumuko. She's cute.

Napagusapang hintayin muna namin sila Tito Migo para makapag umpisa na kami. Hindi naman kasi pwedeng agad agad kaming mag gagala sa buong rancho ng hindi kasama ang isa sa may ari nito. Isa pa, balak ng iba na mangabayo. Mabuti nga iyon para may maifilm kami bukod sa interview session.

Mabuti pa sila mukhang marunong. Siguro ang gagawin ko nalang kuhanan sila ng kuhanan ng litrato at ng video nadin.

Lahat kami napalingon saming gilid ng may marinig na malalakas na yabag.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon