Chapter 52

77 2 0
                                    

Bawat araw na lumilipas ramdam na ramdam ko ang panghihina ko. Feeling ko nga ay anytime babagsak nalang ang katawan pero hindi pwede. Not today, or any other day because I need to be strong infront of everyone. Hindi din talaga pwede na panghinaan ako ngayon dahil madami akong inaasikaso para sa school.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng aking gamit when someone knock on my door. Hinintay ko nalang na pumasok kung sino iyon dahil di naman naka lock ang pinto ko.

"Ready baby?" Kuya Edward said. Pormal na pormal ang suot nito at mukhang ready nadin siya na umalis.

Kinausap ko siya nung isang araw, nalaman kong uuwi siya dito ngayon dahil pupunta siya ng Aguinaldo for some business matter so I decided na sumama sakanya para doon ko nalang kukuhanan ng litrato yung para sa nature subject ko.

"Yes kuya" Ngiti kong sagot. Isusukbit ko na sana ang backpack ko saaking likod ng lumapit siya sakin at kinuha iyon.

"I'll carry this. Let's go"

Pagkababa ay naabutan pa namin sila daddy at mommy na seryosong nag uusap. Tumigil naman sila agad sa pagsasalita ng mamataan kaming bumababa. Pero di padin nakaligtas sakin ang huling pangungusap na sinabi ni daddy.

"Our company is in a big chaos"

Hindi ko tuloy maiwasang mag alala lalo na't kitang kita ko sa mukha nilang tatlo na talagang may problema sa kumpanya namin.

"Dad we're going. Don't stress yourself. I can handle this" Ngayon ko lang ata nakitang hands on maigi si kuya sa company namin. Nakakapanibago at di padin ako masanay sanay na ganito na siya karesponsable.

Daddy tapped his shoulder "I trust you son. I'm sorry you're the only one who I can count on this" Daddy said as he looks at me. Ngumiti naman siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Mag iingat kayo" Paalala ni mommy samin saka niya kami hinalikan sa pisngi ni Kuya. After that ay umalis na kami. Habang nasa biyahe ay di ko tuloy maiwasang mapasulyap sulyap sa kapatid kong tahimik at seryosong nag mamaneho.

"Saan mo ba gagawin yang photography na sinasabi mo?" Tanong niya bigla.

"Pupunta akong Malibiclibic falls kuya. Doon ko balak gawin" Sagot ko bago bumaling sa labas.

"10 am ang meeting ko. After lunch ka nalang pumunta doon para masamahan kita"

"Okay kuya" I answered. Isang oras at kalahati lang naman ang biyahe papunta sa Aguinaldo. Mabuti nadin at di traffic ngayon kaya mabilis ang biyahe.

Nakarating kami sa isang matayog na hotel. It says Thompson Williams Hotel. Magkasinglaki lang ang hotel na ito sa Monticello hotel namin sa tagaytay.

"Ash come on" Tawag sakin ni kuya matapos niyang makausap ang receptionist. Tipid akong tumango at sumunod sakanya.

"Hanggang bukas tayo dito diba?" Tanong ko sakanya ng nasa loob na kami ng room na para saamin.

"Yep. May ilang meetings pa ako sa Magallanes bukas" Sagot niya bago nagtungo sa banyo. Nahiga ako sa pang isahang kama saka huminga ng malalim.

"Saan ba ang meeting mo ngayon kuya?" Medyo malakas kong bigkas para marinig niya.

"Dito mismo sa hotel" Lumabas siya ng banyo na naka brushed up na ngayon di tulad kanina na medyo magulo pa ang buhok niya.

"Wag kang lalabas sa kwartong to habang wala ako. Understand?" Aniya at saglitan pa akong tinuro. Ngumuso ako at tumango.

"Halika na sa baba. Mag breakfast muna tayo baka himatayin kana sa gutom diyan" Tila naman gumaan kahit papano ang pakiramdam ko ng marinig ang halakhak niya. Kanina pa kasi siya di nangiti at seryoso lang ang mukha. Naiintindihan ko naman kung bakit.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon