Chapter 30

79 2 0
                                    

A S H N E L L E

Para akong sasabog ng marinig ko lahat ng sinasabi niya. Totoo ba lahat ng yon? o guni guni ko lang?

Ng naramdaman ko kasing may naupo sa tabi ko di ko dinilat mga mata ko. Pinakiramdaman ko lang ang lahat but when someone hold my hand, nakilala ko na agad kung sino.

Siya lang naman ang nakakagawa sakin ng gantong pakiramdam. Sakanya ko lang naramdaman ang ganito.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Kumurap ako at pumikit dahil sa liwanag saka ulit dumilat. I guess tama nga ang hinala ko. Sanay na sanay na ang pang amoy ko sa lugar na to. Mapait akong napangiti.

"Kanina kapa gising?" Dumako ang tingin ko kay Zyon at naalala nanaman lahat ng sinabi niya sakin.

"Hmm-hm" Tango ko. Sinubukan kong maupo at tinulungan niya naman ako.

While he was fixing the pillow behind me I let my eyes to memorize every details of his face. Mula noo niyang makinis, pababa sa mata niya at mga pilikmata nito na nakaka akit, ilong na matangos, at ang labi niya na kay ganda lalo na pag nakakurba iyon ng ngiti.

"You done checking me out?" Nakangiti nitong sabi habang naka tingin sakin. Pinamulahan ako at sumandal nalang ng ayos.

Parehas lang kaming tahimik at di nag sasalita. Huminga ako ng malalim.

"About--" We snap in chorus.

"Go ahead" Aniya. Nag angat ako ng tingin sakanya.

"Hmm Yung. Ah, Yung" Jeez! Ano nga bang sasabihin ko ulit? He was staring at me deeply reason why I lost my words. Err Zyon naman!

"It's all true. I don't want to freak you out kaya sinabi ko sayo iyon habang natutulog ka pero hindi naman pala. I'm planning to tell you that pero hindi ngayon. I'm just so damn reckless--" I stopped him by holding his hand.

"I like you Zyon" Mahina kong turan saka siya tinitigan. Umawang ang bibig niya na parang nagulat sa sinabi ko.

"But I want us to take it slow. I mean.. it's too fast for me. It's new to me you know that right?" I'm hoping that he'll understand my point.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko saka iyon dinala sa labi niya at hinalikan. The world stopped spinning. It's just me and him. Moving.

"I understand. And to tell you sweetheart, I am being slow. I mean after all those years, palihim lang akong nagkakagusto sayo" Saka niya nilagay ang kamay ko sakanyang pisngi. He's too warm unlike my cold hand.

Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. I never knew that I'd feel this way. At hindi ko akalain na may nag kakagusto pala sa katulad ko.

Tama nga si Ate. I should stop worrying. Kailangan subukan ko din. At ngayon inamin ko na sakanya ang nararamdaman ko para akong nabunutan ng tinik.

Nalaglag ang kamay ko mula sa pisngi niya ng may pumasok.

"Ash!" Napapikit ako ng sabay na sumigaw si Lily at Francine. Agad tumayo si Zyon kaya nakalapit ang dalawa sakin saka ako dinamba ng yakap. Kahit nanghihina pa ako nagawa ko padin silang yakapin pabalik. I love my girls. Ang laki ng pasasalamat ko na nakilala ko sila.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Lily ng lumayo sakin. Ngumiti ako saka nag OK sign.

"Kinausap namin ni Ly lahat ng teacher natin. Inexcuse ka namin ng 2 weeks" Saad naman ni Francine na ikinailing ko.

"That's too long, Fran. Ilang araw lang kaya ko na ulit. Mababawi ko na ulit lakas ko" Nangunot abg noo ko ng lahat sila nagkatinginan at hindi nag salita.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon