Chapter 8

117 5 1
                                    


Pagkapasok namin sa loob halos malaglag ang panga ko dahil sa nag gagandahang mga muwebles. May tatlong chandelier sa itaas at carpeted ang whole living room. May mga nag lalakihang portraits sa mga dingding na sobra kong nagustuhan.

Inaya ako ni Zyon sa isang kwarto na Entertainment room daw nila at nandoon daw sila kuya. Pag pasok namin. As usual sobrang laki. May isang napaka laking flatscreen t.v na nakadikit sa pader. Isang medyo paikot na couch sa side at merong pa-L na couch. May two doors refrigerator din. Hindi naba matatapos ang pagkamangha ko? Ghad. Aircontioned ang buong bahay nila kaya medyo nilalamig ako. Naka spaghetti strap lang kaya ako.

"Zyon-- Ash!" Unang nakakita samin si Joshua na nandito din pala. Agad namang napalingon sila Kuya na busy sa pag lalaro ng Xbox. Lumapit kami sakanila bago ako naupo sa tabi ni Joshua

"Oh akala ko pupunta kayo sa mall ni Lily?" Tanong ni Brent na ngayo'y nakatitig ng makahulugan kay Zyon.

"Yes. We did" Maikli ko nalang na sagot. Bahala na si Zyon magpaliwanag.

"Why are you with him?" Tumingin ako kay Kuya Edward bago ngumiti at nag kibitbalikat.

"I saw them and ask if they want a ride. She refused first but eventually accepted it" Zyon answered. They all nodded before Josh nudged me at my arm using his elbow. I looked at him innocently as I tilt my head bewildered. He lean close on my ear then whispered..

"Did he say something?" Umiling ako bago ngumiti sakanya.

"By the way sis. Lilipat kami sa school niyo" Biglang sabi ni Brent na agad kong nilingon.

"You what?" Mukhang nabingi ata ako sa sinabi niya.

"Lilipat kami" Ulit niya.

"Bakit kayo lilipat? Don't you think it's too late? And also sayang naman. Bakit di nalang kayo sa School niyo gumadruate"  Dirediretso kong sabi.

"You don't want us there, Do you?" Nakasimangot nitong saad. Napanguso naman ako bago yumuko. Knowing Brent. Lagi yang bubundot sakin para mabantayan ako.

"Ayaw mo ba non? Para lagi mo akong makikita" Nakangising sabi ni Joshua na agad binatukan ni Kuya Edward.

"Don't you dare, Persob" Banta nito. Tumawa siya bigla bago ako inakbayan.

"Easy dude. Close na kaya kami ng kapatid mo. Diba Ash?" Josh said while wiggling his eyebrows on me. Natawa ako at tumango. Napatingin ako kay Zyon na masama ang pukol sa braso ni Josh na nakapulupot sa balikat ko.

"Hoy Brent. Wag puro babae atupagi  mo don. Bantayan mong maigi yang kapatid natin at mukhang may aaligid na unggoy diyan" Dagdag ni Kuya Edward na sinimangutan naman ni Josh na medyo napanguso pa. Tuluyan na akong natawa.

"Awe. You're too cute, Josh!" Hagikhik ko bago pisilin ang nguso niya. Nakita kong napasimangot ng tuluyan ang dalawa kong kuya dahil sa ginawa ko. Tumigil ako at umupo ng ayos. Ngumisi lang si Josh bago tumawa.

"Easy pal. I'm good" Asar niya kila kuya. Ngumiti ako bago napabaling kay Zyon na kanina pa tahimik at titig na titig sakin. Naglakad siya sa may gilid at ngayon ko lang nakitang may malaking kabinet doon. Kumuha siya ng jacket at naglakad palapit aakin. Agad na pumula ang pisngi ko kaya umiwas nalang ako ng tingin. Naramdaman kong ipinatong niya sa balikat ko ang jacket na kinuha niya.

Oh God What was that? Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok. Pero iba yung pakiramdam. Hindi siya masakit tulad pag inaatake ako.

"Hey, You okay?" Agarang tanong ni Zyon bago umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko. Lalo atang bumilis tibok ng puso ko at lalo ding pumula ang aking pisngi.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon