Chapter 59

55 1 0
                                    

Natatakot ako sa mga desisyon na naiisip ko. Halo halo at nakakalito.

Kaya hanggang sa dumating ang kasal ni ate at ng birthday ko hindi ako makausap ng matino. Para daw akong wala sa sarili lagi. Yumuko ako at bumuntong hininga matapos mag pasalamat ni Ate sa mga guests na pumunta.

Nasa reception na kami at pilit kong iniwasang wag isipin ang mga nangyayari pero paano ko magagawa iyon kung nakikita ko ang panibagong bangas sa mukha nila Zyon. Kung noon si Zyon lang ang nakikita kong may sugat sa mukha bakit ngayon pati sila Brent at Joshua meron nadin? Gusto kong isipin na baka napaaway lang sila pero laging pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Megan sakin.

"Kung hindi ikaw ang masasaktan ko. Ang mga tao sa paligid mo nalang. Sila nalang ang pag bayarin mo. Mas okay siguro yon diba?"

"..i will do everything to destroy you.."

Mahina akong suminghap at ipinilig ang aking ulo. Oh God.. Para na akong mababaliw.

"Ash, are you okay?" Nag angat ako ng tingin kay daddy at ngumiti.

"Yes dad. I'm.. fine" Tumangi naman siya at tumingin muli sa harapan. Tinapik naman ni mommy ang pisngi ko saka ngumiti at pinagpatuloy ang panunuod sa pag sasayaw ni Ate at Kuya Trev.

I can't help but to remain my gaze on my parents. Dad is too old to handle a big problems that's why Kuya Edward is the one who is helping him to fix everything and I know hirap na hirap nadin ang kapatid ko. Lahat sila nahihirapan dahil sa nangyayari sa kumpanya. May mga araw pa nga na hindi nakakauwi si dad dahil sa dami ng ginagawa. At ako dapat ang sisihin sa lahat ng iyon. Ako ang dahilan kung bakit.. kung bakit nahihirapan ang pamilya ko ngayon.

Natapos ang pagsasaya mga bandang alas kwatro ng hapon. Sumabay ako sa kotse ni daddy para makauwi na sa bahay. Inalok pa ako ni Francine na sakanila na ako sumabay pero di ako pumayag. Nasa iisang van lang kasi sila at sama sama. As much as I can iiwasan ko muna sila lalo na si Zyon dahil ayokong mapahamak pa sila kung lagi akong didikit sakanila.

"Dad, bakit po dito tayo dumaan? Traffic dito eh" Sabi ko ng makitang sa matraffic na kalsada kami nag tungo.

"It's okay darling. Hindi naman tayo nag mamadali" Sagot ni Daddy sakin bago sila nagkatinginan ni Mommy. Tumango nalang ako at pinag masdan ang unti unting pag lago ng traffic. Hindi ko tuloy namalayang nakatulog na pala ako sa gitna ng biyahe kaya pag gising ko ay nagulat ako na mag isa nalang ako sa loob ng sasakyan. Nasa loob na ng garahe ang kotse pero nakabukas ang pinto sa may passenger seat.

Nagkusot muna ako ng mata bago nag pasyang lumabas. Bakit hindi ako ginising nila mommy? Huminga ako ng malalim saka hinilot ang aking batok. Pagpasok ko sa loob ng bahay halos malaglag ang panga ko.

"HAPPY BIRTHDAY ASHNELLE!" Sabay sabay nilang sigaw at bahagya pa akong napatili ng may pumutok sa bandang gilid ko kasabay ng pag sabog ng confetti sakin. Bigla kong naalala ang nangyari ding surprise party sakin last year ng manalo ako sa competition sa school.

"Oh my.." Tanging kong nasabi at bahagya ng nangingilid ang luha saking mata. Nilapitan ako nila Daddy saka niyakap at hinalikan sa ulo at pisngi. Mahina akong tumawa habang nag pupunas ng luha.

Nakita ko din ang iba kong pinsan pati sila Tito Geronimo. Binati nila ako at kinamusta. Sila Tito ay naka tira na sa states kaya nakakagulat na nandito sila ngayon.

"Dalaga kana. Ang huling bisita ko dito noon ay 7 years old ka palang" Sabi ni Tito bago ulit ako niyakap. Pinasalamatan ko sila. Sunod namang nagsilapitan sakin ay sila Lily. Agad nila akong sinunggaban ng yakap.

"Happy birthday Ash!" Sigaw ni Eliz saka ako kiniss sa pisngi.

"Thank you. Ginulat niyo ako" Tumatawa kong sabi sakanila.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon