Chapter 34

82 3 0
                                    

Pumikit ako at suminghot. Naramdaman ko nalang na pinupunasan niya na ang pisngi ko.

"Hush now, angel" He mumbled before I felt his lips pressing on my forehead.

Dahil sakanya.. dahil kay Zyon nagbago ang pananaw ko sa buhay. Na kung dati takot akong mag mahal pero di ako takot na mamatay. Ngayon.. natatakot na akong mawala sa mundong to at di na maramdaman na magmahal pa.

"Thank you Zy.. Thank you for making me realize everything" Dinilat ko ang mata ko at nakita siyang nakangiti.

"Zy huh?" Ngingisi ngisi niyang untag. Umirap ako at natawa na ng mahina. Did I just gave him a pet name? This is so not me.

"You're ruining the moment Celestial" Sabi ko sakanya na ikinahalakhak niya. Ginulo niya ang aking buhok saka ako ulit hinalikan sa noo.

"Sorry miss" Aniya. Napapailing nalang ako at di na matanggal ang ngiti saking labi.

Nanatili kami sa rooftop ng ilan pang minuto. Tahimik at walang nagsasalita. Sobrang saya ko. Sobra.

*

Kanina ko pa pinipigilan wag tumawa dahil sa pinag gagagawa ni Joshua at Henry. Isang oras nadin ang nakalipas ng makabalik kami ni Zyon sa hospital room ko. Kanina nga ay nagpaalam nadin si Luke na aalis na siya dahil may next meeting pa ito. Nagpasalamat ako sakanyang pag dalaw saka siya niyakap.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagkaron ako ng mga tunay na kaibigan at nakapagpapasaya sakin.

"Palibhasa puro sex nasa utak mo! Di mo ako gayahin. Loyal" Henry said bluntly bago umakbay kay Lily. Napanguso ako.

"Dude,  nakakasuka ka alam mo yon?" Banat naman ni Joshua pabalik. Tinapik tapik naman ni Zyon ang balikat nito.

"Parang dati nahuli natin siya sa condo unit niya na may kasamang dalawang babae" Halos matampal ko na ang noo ko ng makisali pa siya. Ngumisi lang si Zyon sakin bago kumindat.

"Tapos ang sabi lang 'We're just having fun. Try it' right Henry?" Ngayon naman si Kuya Steven ang nagsalita. Kitang kita ko ang pag awang ng bibig ni Lily at ang pamumutla ni Henry.

"So that's how you do it huh?" Nakahalukipkip na si Ly habang nakatitig ng masama rito.

"Come on babe. Past is past" Pag aalo ni Henry at akmang lalapitan siya muli.

"Past past mo mukha mo!" Inis na saway sakanya ni Lily bago ito nag martya palapit sakin at naupo sa tabi ko. Mas lalo tuloy lumakas ang tawa ng lahat. Maski si Kuya Sebastian natawa nadin sa nangyari. Pinagmumura naman ni Henry ang mga kaibigan niya.

"This kind of behavior is not allowed in my hospital" Lahat kami napabaling kay Kuya Cedric na kakapasok lang. Nakangisi ito.

Tumayo siya sa harapan naming lahat na parang may magandang balita na sasabihin. Mukha kasing goodmood siya.

"Edward, Brent. Pack our sister's things. She's going home right now" Aniya bago ngumiti sakin. Natulala ako. Makakauwi na ako?! Jeez!

"You mean to say--" Hindi na natapos ni Eliz ang sasabihin niya dahil tumango na agad si Kuya Ced. Nabigla ako ng yakapin siya ni Eliz.

"Oh my. Oh my Thank you!" Lahat kami laglag ang panga. Hindi na ako nagulat ng biglang hilahin ni Kuya Edward sa braso si Eliz para mapalayo sa Kuya namin. Tumawa ang kuya Ced habang tinitignan si Kuya Edward.

"Don't give me that glare, brother" Puna ni Kuya.

"Sorry. Masaya lang. Kasi makakapunta na si Ash sa birthday party namin!" Masayang sabi ni Eliz bago tumakbo palapit sakin at niyakap ako. Oh boy. I almost forgot. Malapit na ang birthday nila ni Kuya Sebastian. Saan naman kaya gaganapin?

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon