Chapter 3

134 6 0
                                    

Nagsulat ako sa buhangin.

I want to be strong.

Nakagat ko agad ang aking ibabang labi ng daanan ng tubig ang sulat ko causing it to be erased. Maski paligid alam na di ako pwedeng maging malakas.

Heal my heart.

This time sinulat ko na to sa bandang tagiliran ko para di na ito agad matangay ng tubig. Di tulad ng nauna sa may paanan ko naisulat.

Kahit naman ganto ang naging kapalaran ko ni minsan di ko sinisi ang Diyos. Alam ko kasi may plan siya para saakin.

Halos mapalundag ako sa gulat ng tumabi saakin si Zyon. Napapagitnaan namin ang sulat ko sa aking gilid.

"Heal your heart." Banggit nito. Napatingin ako sakanya na nakatingin sa aking gilid. Ngumiti ako bago bumaling sa dagat. Hindi ako nag salita.

"Sorry about what happened awhile ago. Meg just can't shut her mouth" He sincerely apologize. But why him?

"That's fine. I don't mind either. On some point she's actually right. I'm old enough to handle myself. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi ko ang mga kuya ko" Mahaba kong litanya habang nakatitig sa dagat. Napabuntong hininga ito bago napabaling narin sa karagatan.

"But not enough though. In your condition you badly need a  good care. Because you know--" Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya. Nag dadalawang isip siguro. I chuckled bago ito lingunin.

"Dahil mahina ako. Pero ayoko namang lagi silang naiistorbo" Sagot ko naman. Napatiim bagang ito ng bahagya.

"That's not what I meant. And definitely you are not weak. You are strong. You fight hard. You show to everyone that you're okay. You can even smile and laugh despite of your condition.." Napatawa na ako Halata namang nag iingat siya sa sasabihin niya.

"Sus. Oo na. You flatter my heart too much Zyon. Thank  you" Tangi ko nalang nasabi bago ngumiti ng matamis at bumaling na ulit sa dagat. Natahimik nalang ito.

"You should get back. I'm sure your girlfriend is looking for you right now" Sabi ko dito bago nilaro ang shell saaking kamay na kanina ko pa hawak. Napapitlag ako ng hawakan nito ang kamay ko bago kunin ang shell na nandoon.

"She can wait. Uh. Are you still gonna use this one?" Napailing ako bilang sagot. Agad niyang hinagis ito ng may anggulo sa dagat at agad na tumalbog ng apat na ulit ang shell sa dagat bago ito tuluyang lumubog. Natuwa ako at napapalakpak ng bahagya.

"Ang galing! Pano mo yon nagawa?" Masiglang kong tanong. Natawa nadin ito sa naging reaksyon ko bago nag hanap ng panibagong shell.

"You can use a rock. A flat one okay, not the round one kasi hindi yon tatalbog. Here try this" Anito bago binigay sakin ang bagong shell. Ginaya ko ang ginawa niya kanina. Napasimangot ako ng agarang lumubog ang shell sa tubig.

"Try another. Angguluhan mo. Wag palobo ang hagis. isang diretso na mababa lang parang ganto" Litanya nito bago ginawa ang sinabi. Tumalbog ulit iyon ng tatlong beses naman. Kinuha ko ang shell na inabot niya bago siya gayahin. Inasinta ko muna ng mabuti bago inihagis ng diretso. Natuwa ako ng sobra ng tumalbog ito kahit dalawang beses lang.

"Wow! Ang galing! Ang galing galing" Puri ko habang nakangiti ng malapad. Narinig kong tumawa ng malakas si Zyon sa tabi ko.

"You are so  adorable, Ashnelle. Too amazed huh?" Ngiti nito bago kurutin ang aking pisngi. Natawa nadin ako bago ngumiti ng matamis.

"Honeeeeeey!" Napalingon kami sa likuran namin ng marinig ang boses ni Trina galing sa malayo na tumatakbong palapit saamin. Tumayo na kaming parehas at agad namang sinalubong ito ni Zyon.

"Kanina pa kita hinahanap. Tumawag kasi si mommy. Pinapauwi na ako" Malungkot nitong sabi bago mapatingin sakin at ngumiti ng bahagya

"Should I come with you? We can go" Suhestyon ng kanyang nobyo.

"No. You can stay here. Nandito naman sila Josh. Wag na wag ka lang lalapit kay Megan" Nakanguso na ito bago yakapin ang bewang ni Zyon. Napangiti ako. Bagay na bagay sila.

"Ashnelle bantayan mo tong boyfriend ko habang wala ako huh? Mahirap na. Si Megan kasi patay na patay dito. Hmp" Sabi nito bago lumapit saakin at umangkla sa aking braso.

"Huh? Ah eh--"

"Please. Favor yon. Please" Napatango nalang ako ng magpacute ito. Ngumiti naman siya ng malapad bago ako halikan sa pisngi at lumapit na ulit sakanyang boyfriend.

"There. May mag babantay na sayo. Di kita pwedeng pabantayan kila Bea alam kong kakampi ng mga yon si Megan" Natawa nalang ako at si Zyon. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago siya ngumiti at tumango. Nagpaalam na sila at nag umpisang maglakad pabalik aa cottage.

Napaisip ako. Ako kaya kelan magkaka nobyo? Natawa ako sa sariling tanong. Imposibleng magka nobyo ako. Baka pag nalaman non na mamamatay din naman ang girlfriend niya makipag hiwalay na agad yon sakin. Napangiti ako ng mapait.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon