Chapter 15

97 5 0
                                    

Bumalik kami sa table namin ng di nag iimikan.

Tahimik lang akong nakaupo at nagmamasid masid. Nag uumpisa ng mag salita ang organizer ng event na to. Sinabi nadin ang bawat prices ng mga landscape at portrait. Napangiwi ako ng marinig ang price ng gusto kong bilhin.

"The sunrise scenery is officially sold by the price of 1.5 million dollar" Napabuntong hininga ako at yumuko. Sayang!

Ang lahat kasi ng naka display na photo dito is kuha ng mga sikat at nagtataasang photographers. Kaya ganoon kamahal ang lahat. Plus may signature nadin nilang kasama yon.

Napaangat ang tingin ko ng tapikin ni Zyon ang aking kamay na nasa ibabaw ng lamesa.

"Wala kabang napili?" Tanong niya. Ngumisi ako at umiiling. Yung napili ko nabili na ng iba. Amp!

"How about that Sea of love?" Aniya sabay nguso sa unahan. Nakita ko na yon kanina.

Maganda din iyon. Kuha naman iyon ng isang Australian photographer na si Mark Gray. Ang itsura ng picture is malawak at asul na asul na dagat. Kita din ang island doon sa picture at white sand. Kitang kita din ang mga patak ng ulan sa dagat. Actually second option ko siya pag di ko nakuha yung Sunrise scenery.

"It's beautiful. I think iyon nalang ang kukunin ko" Sagot ko sakanya. Tumango siya bago ngumiti.

"Good eye" He mumbled. Mahina akong natawa saka bumaling ulit sa unahan.

Agad naming kinausap ni Zyon ang event creator ng matapos.

Ang sabi nito idedeliver nalang daw sa bahay namin ang malaking frame ng photo na iyon at doon nadin babayaran. Sinulat ko sa maliit na papel ang address namin.

**

"Hungry?" He asked ng nasa loob na kami ng benz niya.

"Very" Nahihiya kong sagot. Nakatingin lang ako sa labas ng marinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Alright. Saan mo gustong kumain?" Bumaling ako sakanya saka nag isip.

"Ikaw ng bahala" Sagot ko habang titig na titig sakanya.

Si Zyon yung lalaki na tipong isang tingin mo palang para kana niyang inaakit kahit wala pa naman talaga siyang ginagawa.

Sa pag dila niya lang sa labi niya o pag kukurap kita mo agad ang makurba nitong pilik mata.Ang medyo may kakapalan na kilay. Sobrang tangos ng ilong. At yung tipid niyang pag ngiti, idagdag pa ang labi nito na mapupula at laging medyo basa. Pati ang pagkaka clean cut ng kanyang buhok.

And also yung dating niya, hindi talaga pang badboy ang aura.

"Konti nalang matutunaw na ako" Humalakhak siya bago ako sulyapan.

Pinamulahan ako agad saka nag iwas ng tingin.

"Sorry. Ang gwapo mo kasi" Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Jeez! Sinabi ko talaga yon?

Mas lalo siyang humalakhak. Nakakahiya! Ang daldal ko naman.

"Know what. One thing I like about you is yung pagiging straight forward mo" Anito bago ngumisi. Ngumuso ako. Bakit ako kinikilig? Oh God.

"At pagiging inosente mo" dagdag nito.

"Lahat kayo sinasabing inosente ako" Angil ko. Tinanggal ko na ang seatbelt ko dahil nakita kong nakatigil na kami sa parking lot ng isang restaurant.

"Because it's true. But don't worry I like you that way" Kumindat muna siya bago lumabas ng kanyang sasakyan.

Ako naman natutulalang nakaupo padin at di gumagalaw. Bigla lang akong natauhan ng buksan niya ang pinto ng sasakyan para sakin.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon